Ashleene's PoV:
"Goodbye class. Don't forget na gawin ang mga to-do task nyo. See you on Monday. Enjoy your weekends." Our last subject prof. said. He gathered all his things at tuluyan nang lumabas ng classroom namin.
Once he's out, sabay-sabay na napahiyaw kami sa tuwa ng mga kaklase. We're happy dahil finally, Friday na! Mapapasabi ka na lang talaga ng TGIF. I think, ito nga siguro ang favorite day ko in a week. Yung tipong pagkatapos ng araw na to, makakapagpahinga ako.
Nakipagchikahan muna ako sa mga kaklase ko for a while bago ko napagdesisyunang ligpitin na ang aking gamit. After I gathered all my things, I started to make my way outside of the classroom.
Now, narito na ako ngayon sa hallway habang diretso lang ang tingin ko sa gitna. I didn't bother to look at anyone.
If you guys are asking kung anong nangyari after that day na nag-announce si Miss President, naging ilag na sa akin ang mga estudyante dito. And I don't know why. As much as I remember ay harmless naman akong tao. On the lther side, okay lang din yun since wala na akong naririnig na kung ano pa man sa akin.
Speaking of her, ilang araw ko ng hindi nakikita o nasisilayan man lang si Freyja. Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Base sa source kong si Zarrain, marami raw kasing inaasikaso ang pinsan nya. Ayaw ko namang pumunta sa office nya baka kasi mamaya ay maka-abala ako.
Aish. I miss her. I'm not gonna deny it anymore.
Sa pag-iisip, hindi ko man lang namalayan na nandito na pala ako sa parking lot. Binuksan ko ang engine ng aking sasakyan at nagsimulang magmaneho papunta sa aking condo unit.
Minutes later, I'm already here. Tinap ko na ang passcode ko. I quickly changed my clothes into a comfortable one. Hindi na ako nag-abala pang magpunta ng aking room para lang tanggalin ang aking suot na uniporme.
Mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang loob ng aking condo unit. Wala naman sigurong makakakita na iba sa akin right? Wala namang mga hidden camera dito.
I yawned. Hmm... Parang ang sarap matulog. I really miss my bed na talaga. Patamad na naglakad ako papunta sa aking bedroom. I'm now lying in my bed at nakapikit na rin ang aking mata nang marinig kong tumunog ang aking cellphone.
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makuha ko ang aking cellphone. For the second time around, hindi na naman nakaregister ang number sa aking phonebook. Aish. Sino naman kaya to? Baka mamaya ay na-wrong number lang.
I heaved a deep sigh before pressing the answer button. "Hello?"
"Ashleene!!!" Mabilis na nailayo ko ang aking cellphone. Gosh. Ang sakit sa tenga. Pero wait, that voice, kilalang-kilala ko kung sino yun.
"Princess! Oh my gosh." I squealed too in surprised. "It's been a long time. Kamusta ka na?"
"I'm fine. Still gorgeous as ever." She said. I quickly giggled because of that. Nagbubuhat pa rin pala sya ng sarili nyang bangko. On the other side, totoo naman.
"By the way, are you free later?" Napaisip naman ako dahil don. Wala naman ako sigurong gagawin. Atsaka friday nights naman.
"Yup. Free na free." I answered.
"That's great then. Let me invite you. Tara bar tayo. I hope we can manage to catch up. Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkita." She said and I couldn't agree more. We chitchatted for a while bago namin tinapos ang aming usapan.
You must be wondering kung sino ba si Princess, well to tell you honestly, she's my ex-girlfriend.
Just kidding. Bestfriend ko sya nung highschool actually. As in close na close kaming dalawa. Tsaka lang kami nagkahiwalay dahil nagpunta sya ng States. I guess, she's back now huh?
Hmm... since mamaya pa naman ang lakad namin, might as well matulog na muna ako. Aba, I need this. Beauty rest to kumbaga.
I closed my eyes and driften into my dream land.
______//______
"Ang ganda-ganda mo talaga Ashleene." I said to myself while looking at the mirror. "Ang sexy sexy mo rin. Kapag nakita ako ni Freyja, she'll be mesmerize with my beauty."
Pagpasensyahan nyo na ako dahil medyo mataas ang pangarap ko. Duh. Libre lang naman ang mag-imagine noh.
I'm wearing an usual bar clothes but of course, dalang-dala ko ang damit ko. Hindi ako pwedeng magfitted dahil baka mamaya, bumakat ang hindi dapat bumakat. Mahirap na.
I looked at my wristwatch. It's already 7:30 pm. Might as well pumunta na sa bar na sinasabi ni Princess. Sinend nya na rin naman ang details. She said na dun na lang kami magkitang dalawa.
Maliit na handbag ang dala ko. Mahahalagang bagay like wallet and cellphone lang ang dala ko. I make sure na nakalock ang aking condo unit bago ako tuluyang umalis.
I'm head-banging while I'm listening to the music. I'm heading now to our hang-out plae. Ilang sandali pa ang nakalipas at nandito na rin ako sa aking destination.
Sa labas pa lang ay rinig na rinig ko na agad ang pamatay na music. Wow. I like it. I started to make my way inside. At hindi ko maiwasang mapahanga. Mas maganda pa pala sa loob. I can't help but to feel excited. I can say that this night is gonna be fun.
I quickly scanned the surrounding. Tinext na kasi ako ni Princess. She said that she's already here. Hindi ako nahirapang hanapin sya because she's waving at me.
"Oh damn. Namiss kita ng super Princess!" I greeted her at mabilis na pinugpog sya ng halik. Don't worry, wala tong malisya. Ganito lang talaga kaming dalawa.
"I miss you too Ashleene. Wow. Beautiful as ever. Ang blooming mo ata ngayon. May love of my life ka na ata ah." Nakita kong sumilay ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
In an instance, bigla na lang nagpop-out sa isipan ko ang striktong mukha ni Freyja. Gosh. What's happening? Does that mean that she's the love of my life? As far as I remember ay crush pa lang naman ang nararamdaman ko sa kanya.
"Wait. My friends decided to tag-along kasi. I hope you don't mind." Princess said while scratching her nape. I gave her a reassuring smile.
"Of course. It's fine with me. The more the merrier right?" I said while wiggling my eyebrows. Sinimulan nyang ipakilala sa akin ang mga kaibigan nya.
"Hi there, Marietha is the name." The girl said. Sa kanilang lahat ay sya ang masasabi kong approachable.
"Hello, my name's Desiree." The second girl said. I gave her a smile at nakipagshake-hands sa kanya.
"It's nice to meet you. I'm Fiona by the way." The third girl said na syang nakaagaw ng pansin ko. She's beautiful. As in maganda talaga sya. Pero syempre, ibang level pa rin si Freyja.
Ready na akong makipagshake-hands sa kanya when she suddenly pulled me and hugged me. Hindi ko maiwasang magulat. Damn. I didn't expect that. But I just let her.
The night's starting and so are we. To tell you guys honestly, madali ko lang silang naging kaclose. Hindi ko maiwasang mapailing. Well, hard drinks na kasi agad ang iniinom nila while me is light lang. Wala kasi akong planong maglasing.
"I didn't know that you're much appealing in person Ashleene." Fiona said while directly staring at my eyes. Kami na lang dalawa ang naiwan dito sa table namin. Yung tatlo kasi is nasa dance floor ngayon.
Lumipat sya sa aking tabi kung kaya't umurong ako. To my dismay, lumalapit talaga sya sa akin.
I gulped. "T-Thanks? You too. Ang ganda mo pala Fiona." Nahihiya kong saad. Ugh. I really sucks in flirting. Wala akong skills.
"You're so cute Ashleene." She said while giggling. She also pinched my cheeks. "Relax ka lang okay. Ako lang to." At kinindatan pa ako.
Hindi ko maiwasang mapakagat-labi nang ipinatong nya ang kanyang kamay sa aking hita. She started to caress it and later on, unti-unti na yung tumataas.
"I... I think that's not right Fiona." I said at hinuli ang kanyang kamay.
"Why? Hindi mo ba nagugustuhan? I think you're the naughty type pa naman." She said while smirking mischievously at me. Napalinga-linga ako sa paligid. Gosh. I need help.
And it looks like nadinig yun ni Lord. In an instance, narinig kong nagring ang aking cellphone.
"I should answer this." Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nya at mabilis na akong tumayo. Gosh. Pasasalamatan ko talaga kung sino man tong tumatawag.
"Hello?"
"Where are you now Ashleene?" Nahigit ko bigla ang aking hininga nang marinig ko yan. f**k. It's my beloved! Si Freyja! But damn. Hindi ko maiwasang kilabutan sa tono ng kanyang boses. Para bang galit sya.
"Ahm... A-Ano kase..." Shiy. I'm lost with words. Nagkakarumble-rumble na sa isipan ko ang mga bagay-bagay. "As usual, I'm on my place."
"Really? You're in your condo right now?" Tanong pa nya sa akin. I can feel the sarcasm on it.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Gosh. Is there any chance na alam nyang hindi ako nagsasabi ng totoo? Kung oo man, paano? As far as I remember ay magaling akong magsinungaling.
"What are you doing there Ashleene? I didn't know na may party pala sa condo unit mo." Dagdag pa nya. Napapikit ako nang mariin. Napatampal na lang ako sa aking noo. Aish. Rinig na rinig nga pala ang sounds dito.
"W-Wait. Let me explain Freyja." I pleaded. Ugh. Why do I feel na para bang nahuli nya akong nambababae?
"Shut up. Wait me there. Pupuntahan kita dyan sa CONDO UNIT mo." Mariin nitong saad at talagang inemphasize nya pa ang condo unit. She quickly ended the call. Nako po. Naloko na.
Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik sa table namin. What should I do now? Baka mamaya ay nandon na agad sa place ko si Freyja without knowing that I'm here in the bar.
Sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako. I hope she won't get mad with me.
"What's wrong Ashleene? Namumutla ka." Nag-alalang turan ni Fiona. She even leaned closer and mygoodness, natatanaw ko ang cleavage nya.
Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. And oh no, mukha atang nakita ni Fiona yung mata kong nakatingin sa cleavage nya kanina.
"Stop resisting me Ashleene. Trust me, mag-eenjoy ka sa gagawin nating dalawa. It's gonna be your memorable night." She said while looking at me seductively. I shooked my head.
"I think it's much better if iba na lang Fiona. I'm sorry pero ayaw ko." Mahinahon kong saad sa kanya. "Atsaka, I already have Freyja. We're doomed kapag nakita nya tayong dalawa sa gantong posisyon."
Lagot kami kapag nangyari yun. Gosh. Based on my observations, may pagka-warfreak at hindi rin nagpapatalo si Freyja. Baka kung anong magawa nya kay Fiona.
"Who's Freyja? I thought you're still single?" Nakasimangot na turan ni Fiona. I was about to say something nang may biglang nagsalita.
"Turn around." Saad ng kung sino. I'm stunned in my spot. That voice, kilalang-kilala ko kung sino yun. s**t. I can feel my heart's beating so fast. Dahil sa sobrang kaba at takot.b
Sabay na nagbaling kami ng tingin ni Fiona sa nagsalita. And there, we met Freyja's eyes. Napakadilim ng kanyang expression at hindi na rin maipinta ang kanyang mukha.
"Allow me to introduce myself bitch." Freyja said. In an instance, nakita ko na lang na lumilipad na ang kanyang kamay sa ere at tumama yun sa pisngi ni Fiona.
*Paakk!!*
Hindi ko maiwasang mapangiwi. Tunog pa lang, ramdam na ramdam ko na yung sakit.
"Freyja Akane Mitsuki is the name. I'm probably your worst nightmare." Freyja said and smirked. I gulped. f**k. Nakakatakot.
Hindi pa sya nakuntento at agad nyang hinila papalayo sa akin si Fiona. At take note, sa buhok nakahawak si Freyja habang hatak-hatak nya si Fiona.
Fuck. What should I do? Mukhang nagigising na ata ang dragon side ni Freyja.