Ashleene's PoV: Parang umurong bigla ang lakas ko nang makita ang napakadilim na expression na nakapaskil sa mukha ni Freyja. Her eyes are filled with rage and fury. Napakatalim ng mga titig na ipinupukol nya sa aming dalawa ni Zarrain. "I repeat. What are you two talking about?" Tumataas na ng kaunti ang lakas ng boses nya. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa. I gulped and looked at Zarrain. Tamang-tama at nakatingin din pala sya sa akin. We're both asking for help to each other. Damn. I'm speechless. I'll stutter kung magsasalita ako. I need to composed myself first. Ni hindi ko pa nga masyadong naipoproseso ang lahat ng sinabi ni Zarrain eh. And I know, marami pa akong kailangang malaman. "Ahm... Don't worry cous, hindi naman masyadong mahalaga yung pinag-uusapan nam

