Palingalinga muna si Ren tinitignan kung nasa paligid pa yung silver na kotse noong makasiguro na wala nga ito, pumasok na sa loob, pero hindi pa rin napawi ang inis nang makita nya ang isa na nagkakape sa kanilang sala.. "Hindi ka pa po umuwi?" tanong ng bata na umupo sa tabi nito, lumingon muna kung nasa paligid yung kakambal pero nang hindi ito nakita nagpatuloy ito sa pag interrogate sa kanilang bisita. Inalapag na nito sa lamesita yung binili na kamote que sa tindahan. "Hindi pa uubusin ko muna itong kape." "Pero kailangan mo ng magpahinga, diba? Isang araw kayong nakaupo sa eroplano , siguro namamaga yung pwet mo, kaya kailangan mo ng umuwi at magpahinga para makahiga ka na." napatawa naman si Warren, nakakatawa ang paraaan ni Ren ng pagtataboy sa kanya... "Hindi naman, mins

