chapter 24

1537 Words
Paglabas ng restaurant , mahigpit pa rin na hawak ni Jett ang kamay ni Clem, pati ng bumaba sila sa escalator, pinagtitinginan pa nga sila, kasi nga naman, ang gwapo nito tapos sobrang seryoso ang hitsura, galit ,habang sya naman balisa sa kung saan hahantong ang galit ni Jett, tapos naririnig nya pa yung mga sabi ng mga nakamasid na. Hala galit si gwapong kuya, ano kaya ginawa ni ate? Baka nahuli na may kasamang iba? Sa gwapo nyang yan? Maipagpapalit pa? Hindi na lang nya inintindi ang mga yun, wala naman silang alam, sinasabi lang nila kung ano ang nakikita ng mga mata nila, kahit na hindi naman yun ang  totoo, likas na nga siguro sa tao, ang manghusga... "Jett, ang sakit na ng braso ko," Nasa parking na sila, ang bilis nilang nakarating doon, tumungo sila sa kotse nito, pinasakay sya sa passenger seat , doon lang nabitawan nito ang kamay nya, pero mabilis itong pumasok. Hindi sya kumikilos para magseatbelt, kaya ito na ang gumawa noon, nalanghap nya ang bango nito, gusto na naman bumalik ng mga alaala nang  nangyari kagabi, Sinaway nya ang sarili. Nakatingin sya sa kunot na noo ni Jett, sandali itong napatingin sa kanya, tapos bumalik na sa pwesto nito at isinuksuk na yung susi ng kotse at binuhay ang makina. Wala naman syang choice kung hindi ang manahimik lang, sah itsura nito ngayon, ayaw talagang magsalita, halos paliparin nito ang sasakyan noong makalabas sila ng parking, nagtataka sya bakit walang gaanong sasakyan ngayon, dapat marami, di sana mabagal magmanaho si Jett kahit mukhang masama ang loob. They reach his house that soon, ikaw ba naman gawing race track ang kalsada, hindi na sya magugulat kung may pumunta sa kanila para habulin dahil sa overspeeding. Buti na lang din sa bahay lang talaga ang uwi nila. Sumagi na rin sa isip nya si Luke, kanina pa nagriring yung phone nya sa kotse pa lang, and si Luke nya yung tumatawag. Nag aalangan syang sagutin yun, tumingin sya kay Jett para sana humingi ng permiso pero, tumitikhim pa lang sya, nag coconstruct pa nga lang sya ng magandang sentence para magpaalam nang walang pag aalangang nabara na sya agad nito... "Subukan mo lang sagutin yan kung gusto mong maihagis yan sa kalsada at hindi ka na makapag cellphone buong buhay mo!" sa tingin nya yun na yung pinakamahinahon nya, pero asa ka naman puno ng pagbabanta. Sasagutin nya lang naman yung tawag ng isang kaibigan para malamang kung okay na ito, tapos ang kapalit nun, itatapon ang kababago bago nyang cellphone , na wala naman syang magagawa dahil ito ang bumili and worst di na raw sya makakapagcellphone sa buong buhay nya? Bakit sigurado na ba sya na magiging magkasama pa sila sa hinaharap kahit alam naman nyang babalik at babalik yung babae na yun? Kahit malinaw naman sa kanya na sa ngayon substitute lang muna sya? "Ano sasagutin mo pa rin ba?"napailing na lang si Clem at napanghinaaan ng loob. Ini-off nya nalang ang phone para hindi naman sya lubusang maguilty. Pagkalabas nya sa kotse, hinablot sya agad nito sa kamay, Ito na naman po sila, hanggang sa pagsakay sa elevator at pagpasok sa loob ng unit nito. Akala nya nga hihiwalay na yung wrist nya sa katawan nya. Binitawan lang sya nito ng narating na ang loob ng kwarto nito. Oo sa kwarto sila ni Jett dumeretso.... Nakapameywang ito sa kanya, siya naman, naguumpisa ng maihi sa kaba, kabado siya sa nagbabagang mga mata  nito. Although sa ilan, masesexyhan pa sa dating nito, pero normal pa naman ang utak nya, oo nga ang gwapu- gawapo nito, pero galit ito dahil sa nakita silang magkasama ni Luke... Wala naman syang ginagawang masama at isa pa si Luke yun, si Luke na kaibigan nya, na nasasabihan nya ng lahat, si Luke na mapagkakatiwalaan, si Luke na safe na safe sya pag kasama nya, si Luke na hindi sya sasaktan. Si Luke na  aasarin lang siya maghapon, ano ba ang mali kay Luke? Kahit noong una pa lang ayaw na na ni Jett dito, dahil ba alam ni luke na si Amanda naman talaga ang gusto ni Jett. Siya nga kahit makita nya na maraming babaeng nakapaligid dito sa school, may narinig ba sya? Nanabunot ba sya o nanampal ng babae? Minsan ngang nakita nya na may hinalikan ito sa gym, yung member ng cheering squad, nagwala ba sya? May narinig ba sya? Sinarili nya lang yung sakit, kasi alam naman nya na wala syang karapatan at alam nya rin kung saan lang yung lugar nya, Bakit sya ganito sa kanya ngayon? Hindi naman sobrang kasalanan yung lumabas kasama ng kaibigan, hindi naman sila naghahalikan ha? Well mukha lang pero hindi naman talaga. "Magmamatigas ka ba at hindi sasagot?!" Singhal nito, naputol ang pag -iisip nya, may tinatanong pala ito at hindi nya alam... "A- ano yun ulit?" tanong nyang mukhang tanga lang, Wala naman talaga siyang narinig... "Ang sabi ko, pinagbabawalan kitang makipagkita sa gago na yun." Diin nito, she hates how he addressed her friend, oo baliw si Luke minsan pero never siyang gago... "Hindi ga -go si Luke..." kahit sya hirap sa sabihin ang masakit na sa lita na iyon.... "At pinagtatanggol mo pa?" pang -uuyam nito." Layuan mo sya dahil kung hindi,  hindi lang yun ang aabutin nya sa akin." Natakot naman sya sa pagbabanta nito,  pero she needs to know his reason kung bakit lalayuan nya si Luke, bakit niya lalayuan ang kanyang kaibigan? "Give me one good reason kung bakit ko kailangang layuan  ang kaibigan ko, ang isang taong mabait sa akin?" she asked looking straight in his eyes, as if on cue , lumamlam ang hitsura nya,  nag subsides din ang galit sa mukha. "Sapat na ba ang dahilan na akin ka lang, kaya wala kang karapatang lumabas kasama sya at kung kanino mang lalaki?" Natameme si Clem sa sagot nito, pero inulit niya iyon sa kanyang isipan, okay na sana eh, kung ang sinabi lang nya ay yung inaasahan  ng puso nya na sabihin nito. Bakita nya kasi nakalimutan ang katotohanan na una palang pinamukha nito sa kanya. Na ang tingin sa kanya ngayon ni Jett ay isang bagay na pag aari nito. "Oo nga naman, pasensya nakalimutan ko, mahina na talaga ang utak ko kasi lagi ko yun , nalilimutan. Sorry."  She answered with a heavy heart. Ayaw nyang umiyak sa harap nito ngayon kaya naman lumabas sya ng kawarto at pumunta sa kwarto nya.. Nilock nya yung pinto, humagulgul sa kama, habang natatakpan ng unan ang kanyang bibig upang hindi kumawala ang ingay ng kanyang pag-iyak.. Sa isip nya iiyak lang sya saglit, saglit lang, para lumabas na yung sama ng loob, si Luke na nga lang ang stress reliever nya, pinagbabawal pa. Iiyak lang sya saglit... Pero useless lang din kasi kung gusto nitong pumasok, may duplicate key naman nga pala ito... ............................................. "Dahil nagseselos ako." Buti pa yung paniginip ni Clem narinig yung gusto nya sanang marinig na sabihin ni Jett kung iyon lang sana ang dahilan sana ay naiiyak siya sa tuwa ngayon dahil sa wakas. Umaga na nang magising sya, after kasi nya umiyak, naging  blangko na, pati pagkain kagabi nakalimutan nya, kaya yung sikmura nya ngayon nagwawala na sa gutom. Nagpunta muna sya banyo and do her routinn, paglabas nya ng kwarto, diretso sya ng kusina, para magluto, pero laking gulat nya ng madatnan nya si Jett na naka pink apron at nagluluto. Noong napansin nito ang presence nya, lumingon ito. "Good morning." Ito ang unang bumati, nakangiti ito, wala na yung nakakatakot nitong aura kahapon. "Good morning din. Ako na dyan." sabi nya, na akmang lalapit, pero pinigilan sya nito saka inutusan na maupo na lamang. "Just sit. Hindi ka nakakain kagabi because of me, makabawi man lang.." sabi nito in a solemn voice, hindi na siya nakipagtalo, naupo at naghintay hanggang maiserve ang breakfast Naiilang sya sa tingin nito habang sumusubo, magkatapat kasi sila.Matunawan kaya sya? Kung sa tingin pa lang para na siyang natutunaw. Maya-maya pa he dropped his utensils and speak," I apologized for  my actions yesterday", napadako ang mata nito sa bruise sa kamay nito. Nakaroon iyon ng pasa, nilagay nya sa ilalim ng mesa ang kamay para di lalo maguilty."Pero yung sinabi ko na layuan mo si Luke, seryoso ako doon, dapat nasa tabi lang kita from now on . Okay?" She look at his pleading eyes. He seems lost. Takot syang maiwanan gaya ng ginawa ni Amanda sa kanya...ayaw nya na ring makitang miserable pa ito kaya siguro, hanggat kailangan sya nito dito muna sya, after all, pinamukha na rin naman nito sa kanya na "akin ka lang" at kung hanggang kailan yun, si Jett lang ang nakakaalam. Pero ang tanong mabuo pa kaya sya kapag dumating yung time na pakawalan na sya nito kapag bumalik na si Amanda? Isa pa malaki ang utang na loob nya kay Jett kaya wala siyang choice kung hindi ang sumang-ayon sa lahat ng gustuhin nito. "Sige iiwasan ko sya." She agreed, kahit mahirap. Jett smile at lumapit sa kanya, niyakap sya nito.. "Good girl." sabi pa habang hinahaplos ang buhok nya. Her heart squeals at his praise. This is unhealthy, sa isip-isip nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD