....
Maingat na pumasok si Jett sa bahay na tinitirhan ni Amanda, kahapon pa may sumusunod sa kanya, kaya naman mas nagiingat sya, malamang nalaman na ng lolo nya ang kanyang mga ginagawa kaya pinapasundan sya nito. Inihahanda nya na rin ang sarili sa oras na ipatawag sya nito.
Knowing his abuelo tiyak na ikagagalit nito ang mga pinaggagagawa nya.
Pero sino nga ba sya para hindi sundin ang t***k ng kanyang puso at ibigay ang lahat ng gusto ng babaeng minamahal? Mula ng maging sila ni Amanda naging magastos sya, sya ang tagabili ng mga gamit nito, mga alahas, binilhan nya rin ito ng kotse and even the new house that she owned now. Lahat ng yun galing sa kanya na nakapangalan na sa babae, alam nya kasi na mag isa lang ito sa Pilipinas ang mga relatives daw nito ay nasa Thailand, may lahi kasi syang Thai, pero imbes na sumunod sa pamilya doon mas pinili nya na manirahan dito sa bansa , lugar kung saan sya nagkaisip.
He never once thought na inaabuso sya nito, madalas kasi sya na mismo ang nagkukusa na magbigay, kapag sinabi o nagpakita ng interes ang girlfriend sa isang bagay, agad syang gumagawa ng way para mapaibigay ito.
Aside from, to show her how much he loves her, this is also his way to show his affection that they cannot show in public, kasi bawal, hanggat student pa si Jett at wala pa sya asa legal na edad.
Nadatnan ni Jett na balisa si Amanda, pabalik balik nang lakad sa living room, sabog ang buhok, malayo sa usual self nito na laging nakapostura.
Di nga nito napansin ang pagdating nya.
Tumawag ito sa kanya at sinabing pinatalsik na sa trabaho, bagay na alam niyang kagagawan ng kanyang abuelo.
"Baby!" tawag nya kay Amanda habang palapit ay nakita nya ko kung gaano ito karelieve pag kakita sa kanya, mabilis niya itong niyakap nang mahigpit.
Ramdam ni Jett ang bigat ng problema nito. Ang mawalan ng propesyon, alam niyang mahalaga kay Amanda ang trabaho. Naiinis siya dahil siya ang dahilan, ang pag ibig niya rito na bawal sa mata ng lahat.
Pero alam ni Jett na wala namang bawal sa nararamdaman nila, mahal nila ang isat's isa, nagkataon lang talaga na mas matanda ito sa kanya, nagkataoon lang na teacher niya ito.
But then, he will not let all this hindrances and his grandfather to separate them.
Jett loves Amanda so much than his life, mahirap mabuhay ng mag-sa, nang walang magulang na nagmamahal at gumagabay, ang tanging lolo niya lang na binibigay nga ang lahat sa kanya pero para namang laruang de susi, because he have to follow all his orders.
Pero nagbago iyon nang makilala si Amanda, sya ang kanyang naging turning point, sinuway niya ang mga gusto ng kanyang lolo. Those moments gave him happiness, wala siyang pakealam gastusin ang perang pinaghihirapan ng abuelo, wala namang ibang magpapatuloy ng kanilang negosyo kung hindi siya.
He's confident that he can earn it back as long as he has Amanda by his side forever. He can't lose her, he doesn't want to lose her, kaya tama ang desisyon niya na magpropose na rito. Ilang buwan na lang naman, he will turn eighteen and they can get marry. Konti na lang talaga.
"Aiden, they fired me!" umiiyak ito habang nakayakap sa kanyang beywang, hinihimas naman niya ang kanyang buhok saka hinalikan.
"Don't worry, baby ako ang bahala sayo." He assured her. Tumingin ito sa kanya, mugto na ang mga mata, pinahid niya ang mga luha nito, gusto nya ang pakiramdan na dumedepende ito sa kanya. Gusto niya itong protektahan. She's so fragile, unlike before na bata lang ang turing sa kanya noong nag-uumpisa siyang suyuin at ligawan ito. Alam ni Jett na batid ni Amanda na hindi na siya bata, na pwede siya nitong pagkatiwalaan.. That he will do anything and everything to protect her.
Jett kiss her lips, kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi niya pa rin mapigil na mabighani sa mapupula nitong labi. Iba talaga si Amanda, iba talaga yung epekto nya at napakaswerte niya dahil nasa mga bisig niya ito. Kung legal lamang na ipaalam sa lahat na siya ang boyfriend ni Amanda , tiyak niya na maraming lalake sa university ang maiinggit sa kanya. Hindi kasi lihim na marami ang humahanga sa magandang guro..
"Everything will be allright, wag ka nang umiyak." Alo nya rito.
"Hindi ba naging maingat ka? Sabi mo hawak mo yung mga tauhan ng lolo mo, paano nila nalaman na ako yung girlfriend mo?"
Tama ito, hawak nya lahat, maliban sa kanang kamay ng kanyang lolo, possible rin na naghire ito ng mga bagong tauhan, kagaya noong sumusunod sa kanya kanina.
"hindi kaya."
"hindi kaya ano?"
"hindi kaya sinumbong tayo ni Clayanne?"
"Si Clem? Hindi nya magagawa yun, kung plano nya yun eh di sana noon pa." Sagot nya , kahit in bad terms sila ni Clem, naniniwala siyang hindi nya yun magagawa sa kanya, she's always there for him, tumatakip sa mga kalokohan nya.
Biglang nagbago ang aura ni Amanda, sumimangot, di nito gusto ang pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan.
"Bakit mo sya pinagtatanggol? Nakalimutan mo na ba yung ginawa nya sa akin sa restaurant? Sinaktan nya ako, she hate me dahil ako ang pinili mo, she hates me because you love me, like I told you she's always been in love with you." Dahilan ni Amanda.
Huminga muna siya nang malalim, matagal niya ng kilala si Clem, hindi maaari na totoo ang sinasabi ni Amanda.
"Yes she did hurt you, pero di nya magagawa yun sa akin, may pinagsamahan pa rin kami."
"Listen Aiden, once a girl is jealous she will do everything just to destroy that person, and right now, that someone that she is destroying is me, will you let that happen? Will you pick her over me?" Nag uumpisa na naman mamugto ang mga mata ng nobya. She knows naman that he doesn't want to see her cry, he hug and comfort her.
"Of course I won't let that, kahit bestfriend ko pa si Clem, mananagot sya sa akin, kapag nalaman kong sya ang dahilan kung bakit nalaman ni lolo ang tungkol sa iyo."
"Promise me,"
"Yes I promise, so don't ever leave me okay?"
"Yes, I won't"
"Salamat and I love you baby,"
"I love you too Aiden."
"Konting tiis nalang Amanda, we will tie the knot soon."
"Right, konting tiis na lang at magiging akin ka na ng tuluyan."
........................................................................................................................
Naging successful ang agarang operation ng mommy ni Clem, pero hindi sya lubusang makapagdiwang, anytime darating si Jett, magugulo lalo ang relasyon nilang magkaibigan.
She's preparing herself for the worst thing to happen, ang daming kamalasan, at tanging sa mommy nya lang sya kumukuha nang lakas. Ano na kayang mangyayari after that? Alam nyang once na kumilos na ang lolo nito, tapos na ang relasyon nang dalawa, marami itong connection and he can destroy Amanda in a snap.
"Mommy what will I do?" Kinuha nya ang kamay ng ina at inilapit sa pisngi, gusto nyang pakalmahin ang sarili mula sa init na nanggagaling mula sa kanyang mommy.
Worth it naman ang pagtataksil nya kay Jett, buhay naman ng mommy nya ang kapalit, hiling nya lang na sana mapatawad din sya nito.
.........................................................................................................................
"Bumalik ka?" Bungad ni Amanda, ten minutes pa lang halos nakakaalis ang batang boyfriend tapos nagdodorbell na naman ito.
Pero laking gulat nya nang hindi pala ito ang dumating kung hindi ang lolo nito, na bakas ang galit pagkakita sa kanya.
"Baka gusto mo akong papasukin sa bahay mo na binili ng aking apo, galing sa pera ko." Doon sya natauhan, para syang binuhusan ng isang drum ng suka.
"Tuloy po kayo," nauutal na sabi nya.
Sya ang nag- umpisa nang multo nya na ito, hangad nya kasi ang yumaman at si Jett ang kanyang easy access, nalaman nyang wala na itong magulang at tanging lolo na lamang na hindi na rin naman ganun magtatagal sa mundo.
Pero base sa nakikita nya ngayon, malamang pwede pa itong mabuhay ng 20 years o higit pa, pag dumating yung time na yun 40 plus na sya.
"Hindi na ako magpapaligoy- ligoy pa , iwanan mo ang apo ko!"
Nabigla sya sa pagkastraight to the point nito, pero pinili nya na wag magpaapekto, kahit deep inside, takot na takot na sya,
"Mahal po namin ang isa't isa." sagot nya.
"Talaga?" tumawa ito ng pagak.
"Yes sir, we love each other." Diin niya na sana irespeto nito, na sana hayaan nito ang apo sa kaligayahan. Hindi naman niya pababayaan si Jett.
"Maaring ang apo ko, oo, pero mas tamang tawaging baliw na baliw sa iyo, mana sa kanyang ama, pero kilalang kilala ko ang mga taong katulad mo, na dumidikit sa mayayaman na parang linta. Uubusin mo ang dugo ng iyong kakapitan at kapag busog ka na saka mo bibitawan, ayokong mangyari yun, kaya hanggat mabait pa ako, iwanan mo na ang aking apo." Buong diin na utos nito.
"Hindi po totoo yan!" Pinabulaanan niya ang paratang nito.
"Talaga?" Iginala nito ang mata sa paligid ng kanyang marangyang bahay.
"Sige nga ipaliwanag mo sa akin kung paano nagkaroon ng ganito karangyang bahay at kotse ang isang ulilang katulad mo na ang tanging source of income lamang ay ang kanyang monthly salary bilang isang teacher sa university?"
Ini- expect nya na ito, ang malaman na isa syang ulila.
"Naiwan po ito sa akin ng mga magulang ko bago sila mamatay," sagot nya
"Bakit di kapanipaniwala,?" pinagpag nito ang laman ng brown envelope na kanina pa nito hawak, naghulugan ang kanyang mga litrato, noong college pa lang sya habang nagtatrabaho sa isang bar, yung iba papasok sa mga hotel, kasama ang iba't ibang lalake,karamihan may edad na.
Gulat syang may ebidensya ito ng kanyang nakaraan, paanong may mga pictures ito ng kanyang buhay na pilit niyang binabaoon?
"Nabigla ka ba?"
"hindi po ako yan!" tanggi nya.
"hindi ba talaga?" mapanghusga na ulit nito," bakit hindi mo tignan particular ang isang ito."
Tinuro ng dulo ng hawak nitong baston ang isang kuha nya kasama ang isang matandang lalake, sweet na sweet habang kumakain sa isang exclusive na restaurant, maluha- luha si Amanda sa katotohanang pinamukha muli sa kanya.
"Marumi kang babae, hinding -hindi ka nababagay sa apo ko, lahat ng mga lalakeng yan ay ginamit mo upang makuha ang lahat ng gusto mo!" mapang uyam na sabi nito sa kanya.
Galit na galit.
Kuyom ang mga kamao ni Amanda, nagpupuyos sya sa galit.
"Nakaraan na po iyon at mahal ako ng apo nyo kahit ano pa ang ginawa ko noon, tanggap ny.," sagot nyang nakikipaglaban ng tingin dito.
"Talaga?" tumawa ito ng pagak," as far as I'm concern Jett had no idea about your dark and dirty past. Akala nya isa kang malinis at kagalanggalang na babae kagaya ng pakilala mo sa kanya, once na malaman nya ito, sa tingin mo ba hindi ka nya iiwan?"
Kumunot ang noo nya.
"maraming mas karapat dapat na babae para sa kanya, mas malinis, mas bata, mayaman, at hinding hindi ko papayagan na makapasok ka sa pamilya ko!" buong diin na sabi nito.
"pero kahit baliktarin natin ang mundo, ako pa rin ang mahal ng inyong apo, kaya nyang iwanan lahat para sa akin!" ganti nya dito.
"Pinapatawa mo ba ako Ms. Barrameda?" tapos muli itong nagsalita," alam ko naman na oras talikuran ng apo ko ang lahat iiwanan mo rin sya, dahil alam kong minamahal mo lamang sya dahil sa perang mamanahin nya sa akin!"
"hindi totoo yan! Mahal ko si Aiden!" sagot nya dito, umiiyak.
"Huwag mo akong iyakan, iyakan mo ang magiging kapalaran mo kapag hindi ka lumayo sa aking apo!"
"Ang sama nyo!"
"Tayong dalawa, pero pinoprotektahan ko lang ang aking apo, bago mo pa sya masira," muli itong lumakad palapit sa kanya, nagbagsak ng isang sobre na sa hula ni Amanda pera ang laman.
"umalis ka na ngayon din, iwanan mo si Jett, lumayo ka, dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na ilabas ang lahat ng baho mo sa publiko or worst alam mo na kung ano ang kaya kong gawin sa mga taong kumakalaban sa akin. I know you are smart enough to understand what I am saying, but sad to say not that smart to go against me."
Iyon ang huli nitong mga salita bago umalis, takot na takot si Amanda sa banta nito. Alam niyang hindi ito magdadalawang isip na gawin ang lahat ng banta.
Kinuha niya ang perang nilapag nito, marahil ngayon ay panalo ito. Pero babalik siya at itutuloy ang kanyang plano. Mapapasakanya rin ang kayamanan na iniingat ingatan nito.