Hindi nya na nakaya ang eksenang iyon, sapo ang bibig, gusto nyang masuka, pero hinang-hina siyang maglakad, nonetheless pinilit nyang tumakbo at magpunta sa pinakamalapit na restroom... Ayaw nyang gumawa ng eksena, ayaw nyang makita sya ni Jett sa ganoong kondisyon. Ayaw nyang itanggi sya nito sa harap ng tao... Ayaw nyang magdiwang pa lalo si Amanda sa kanyang kalagayan... Hinawi nya ang mga taong nakakasalubong, alam nyang naiinis ang mga ito, sino naman ang hindi, pero hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Kailangan nyang mailabas ang lahat ng sama ng loob nya sa pamamagitan ng pagsuka..tumungo sya sa cubicle, hindi nya na naisara ang pinto, at doon sinuka nya ang lahat ng sama ng lood. Ang buhok nya gulo-gulo, pawis na pawis na rin sya, di na rin nakaligtas sa kanyang pandinig ang mg

