"Ang sakit," tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking braso .
Ang sakit talaga ng sinag ng araw..
Tuluyan ko na itong dinilat at pinagala ang mata ko sa paligid.
Kwarto ni Jett?
So hindi pala panaginip yung mga nangyari kagabi?
Yung panaginip ko, na maganda sana kung mahal namin ang isat' isa.
Ilan beses nga bang naulit?
Basta ang natandaan ko sinuko ko ang lahat sa kanya.
Wala ng natira sa akin ngayon.
Wala na talaga.
Kainis naman na luha na ito ang aga aging tumulo. Pinunas ko ang mga luha ko gamit ang aking kamay, nakakahiya naman kasi kung gamitin ko yung kumot. Di ko kasi mapigilan umiyak gayong naalala ko kung paano sya nag I love you kagabi, matamis na salita, na kahit kailan hindi magiging para sa akin.
Ako ang kasama, pero siya ang naiisip.
Mahirap higitan ang taong ganun,
Pantayan nga lang mahirap na ang higitan pa kaya?
Noong umalis kasi si Amanda ,mas lalo akong nasasaktan banggitin lang yung pangalan nya, wala syang itinira, parang nilagay nya sa isang vault yung puso ni Jett, na tanging sya lang ang nakakaalam ng passcode.
Ano ba ang naiisip ko?
Ito ba ang side effect ng pakikipagsex sa taong di ka gusto?
Buti na lang wala dito sa kwarto si Jett, kung hindi, di ko alam ang gagawin ko.
Tumayo ako at tinapis ang kumot, luminga ako para hanapin yung mga damit ko kagabi, noong isa isa ko ng napulot yon, nagpunta na ako sa loob ng cr.
Malagkit ang aking pakiramdam kaya naman pinili kong maligo, matapos akong magshower, sinuot ko ulit yung damit kagabi, ano kayang nangyari kay Mr. Z? Di ko maiwasan na mag alala sa kanya, sinuntok nga pala sya ni Jett kagabi.
Si mommy?
Alas diyes na ng umaga, buti walang pasok sa school ngayon, pero paaano ko kaya sasabihin kay Jett na hindi awkward na kailangan ko ng pera?
Na kukunin ko yung pera na pinagusapan namin, kapalit nga ng nangyari kagabi?
Nakakahiya lang talaga...
Bayarangbabae ang feeling ko ngayon sa sarili ko, kanina pa ako nakabihis at ang totoo natatakot akong lumabas sa kwarto ni Jett.
Basta rinig ko lang na bukas ang t.v. nanonood sya ng NBA, kasi hanggang dito sa loob dinig ko.
Bahala na.
Basta kailangan kong umalis at pumunta ng hospital...
Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto nya.
Di nga ako nagkamali nakaupo nga sya sa couch, nakaharap sa t.v. nanonood ng basketball.
Lumapit ako ng konti, pero hindi naman malapit na malapit, sapat lang na malaman nya na nandito ako.
"Jett, alis na ako, pupuntahan ko si mommy," sabi ko ng mahina, ayoko naman talaga sya abalahin sa panonood, kaya lang siguro tama lang na magpaalam bago umalis.
Baka kasi magalit yan lalo sa akin.
Hindi sya sumagot, pero siguro naman narinig nya ako, kaya di ko na lang inulit, basta ang importante, I let him knew na aalis na ako,
I turn around ang papunta na sa pinto ng marinig ko syang magsalita.
"Kumain ka muna ng breakfast," kalmado lang ang boses nya, sandali akong tumigil, tinignan ko sya pero nasa tv pa rin ang mga mata nya.
Since ayokong masira ang mood nya, kahit awkward sa pakiramdam, pumunta ako sa kusina at sinunod ang utos nya.
May pagkain na nakahanda sa mesa, egg, bacon, tinapay may sinangag din.
Nang mag umpisa na akong kumain, lihim akong sumusulyap kay Jett, normal ba na ganito ang pakiramdam.
Para kasing ang init- init dito sa loob ng condo nya, or nahihiya lang talaga ako, kapag naiisip ko na may nangyari na talaga sa amin.
Na hindi kami bati, sabi nga ng mga bata kapag may nakakaaway sila.
Tapos maya maya pinatay nya na yung t.v. hindi pa naman yari yung game kasi kanina parang 2nd quarter pa lang.
Then pumasok sya ng kwarto, kanina pa nya siguro gusto pumasok hindi lang nya magawa kasi nandoon ako sa loob.
Nakakahiya, sana sinabi nya para kanina pa sya nakapunta roon, pwede nya naman akong palabasin eh.
Nawalan na ako ng gana, parang busog na ako kahit konti pa lang naman ang nakain ko, para kasi ang bigat ng tyan ko, parang may mga lumilipad sa loob.
Basta mabigat, baka hindi ako natunawan.
Niligpit at hinugasan ko na yung pinagkainan ko, hindi parin lumalabas si Jett, natapos na ako't lahat,
Baka natutulog sya dahil napagod rin kagabi?
Ay, ano ba tong naiisip ko,
Kailangan ko na talaga umalis.
Akto akong kakatok ng bumukas ang pinto.
I came to see him face to face, bagong ligo.
So naligo pala sya, hindi natulog..
Napakagwapo nya talaga.
Yumuko na ako kasi nakakailang na magkatitigan kami, may pumapasok sa isip ko na mga thoughts na di ko maiwasan.
"I have to go, tapos na ako kumain, salamat,. " ewan ko, bakit ako nagpasalamat.
Sa breakfast ba, hindi naman nya siguro isipin na yung nangyari kagabi kaya ako nagpapasalamat.
"Ihahatid na kita,"
"hindi na!" napalakas yung boses ko, napatingala ako sa kanya, kumunot ang noo nya, seryosong seryoso Malabo sa dati.
Nakakapanibago ang situation namin ngayon, were one feet apart pero parang ang distance namin between north and south pole.
"what I mean is, magcommute na lang ako, wag ka nang mag- abala pa,"
Huminga sya ng malalim then he walk past me, ianayos yung polo nya.
"tumutupad ako sa usapan, punta tayo ng hospital at aayusin natin yung operation ni Ti- ng mommy mo," ngayon naman nag aalangan na syang tawaging tita si mommy.
Pati talaga si mommy idadamay nya sa galit nya sa akin...
"okay," sabi ko na lang, total ito naman talaga ang gusto ko diba? Kaya ko nga naman binalak ibenta ang sarili ko kay Mr. Z para may pampaopera ulit si mommy diba?...
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan isipin ang naging usapan namin kagabi, nakakabingi ang katahimikan Walang kumikibo sa amin sa buong biyahe. Cat got our tongue, nagpapakiramdaman lang yata kami.
Sino naming matino ang gustong iopen ang topic ng nagdaang gabi?
Siguro kong normal lovers kami baka sobrang sweet naming ngayon...
Pero kami ni Jett, I mean si Jett magiging sweet sa akin?
Sa panaginip ko lang yata yun possible.
Sa wakas nakarating narin kami sa hospital, hindi sumunod sa akin si Jett, sya na lang daw ang kakausap sa doctor ni mommy, pinabayaan ko na lang total sya lang naman talaga ang may kakayahan doon.
Pumunta na ako sa kwarto ni mommy, buti at gising sya,
"hi mom," bati ko at humalik sa pisngi nya, malungkot na naman sya ngayon, siguro nasabi na ng doctor na ooperahan sya ulit...
"Ayoko ng magpaopera Clem, tama na, hanggang dito na lang siguro ako , itigil na natin to, para hindi ka na lalong mahirapan,," sabi nyang , ang mga kamay nya nakahawak sa mukha ko....
Marami ang nagsasabi na kamukhang kamukha ko daw si mommy noong kabataan nya, parehas kaming maputi at maganda. Pero kahit lumipas na ang kagandahan nya dahil sa sakit na matagal ng nagpapahirap sa kanya, para sa akin sya ang pinakamaganda sa lahat...
"Huwag tayong susuko mommy, naayos ko na po yun, maooperahan na po kayo ulit," I told her, disbelief written in her eyes, nag- aalala sya kung saan na naman ako nakakuha ng pera.
"saan ka kumuha ng pera ngayon?"
Napalunok muna ako,
"Si Jett po, pinahiram nya po ako ulit,," sabi ko na nakayuko...
"Talaga bati na kayo?" mom touch my chin at hinarap sa kanya, tuwang -tuwa sa balita ko, ngumiti ako ng pilit. How I wish, pero hindi nya dapat malaman kung ano ang naging kapalit ng pagpapahiram sa akin ng pera ni Jett.
"yes, mommy,"
"sabi ko na nga ba , hindi ka rin noon matitiis, paano pa ang pinagsamahan nyo,?" excited na sabi nya,," nasaan sya , gusto ko syang makausap at makapagpasalamat,," ngiting ngiti si mommy, I don't want to spoil her mood, kaya naman, I made an excuse, mabubuking ako na hindi pa ako napapatawad ni Jett, and sa ngayon, malabong mangyari yun..
"sasabihin ko po sa kanya, pero sa ngayon , magpahinga muna po kayo, para makapag ready kayo sa operation nyo,,"
"sige, thank you Clem,," at muli nya akong niyakap....
Parang kayakap ko na rin si Daddy, masyado kasi akong malapit sa kanilang dalawa. Lahat gagawin ko para kay mommy, nawala na nga si daddy sa akin, kaya gagawin ko ang lahat para makasama sya habang buhay.
............................................................................................................................
Nakatulog si mommy kaya gusto ko munang umuwi sa apartment para kumuha ng mga gamit nya, paglabas ko nagulat ako ng nakita ko si Jett na nakasandal sa pader malapit sa pinto.
I thought umalis na sya, kaya hindi ako lumabas , ang tagal ko rin sa loob.
"I thought you left already," nakacross arms lang sya, I don't know what he is thinking, di kasi sumasagot, nakatingin lang sa akin...
"thank you nga pala sabi ni mommy, hindi man agad -agad, mababayaran din kita in the future, pa konti konti nga lang." I said shyly..
"Hindi mo ko kailangan bayaran, wala kang utang sa akin na pera, sa iyo yun remember?"
Wala nga pala akong utang sa kanyang pera, iba pala ang utang ko sa kanya. Ilang beses ko bang dapat isiksik sa utak ko na bayad nya yun sa akin...
"oo nga pala,," gusto kong itanong kung bakit di pa sya umaalis kaya lang parang hindi tama yun, kaya iba nalang ang lumabas sa bibig ko,
"uuwi muna ako sa apartment, kukuha ako ng damit ni mommy,"
"tara, ihahatid na kita," at nagumpisa na syang lumakad palabas
"Jett , wag na, baka sobra na akong nakakaabala sayo, baka may lakad kang iba," pero hindi nya ako pinansin, hanggang sa makapunta kami sa kotse nya.
Mas lumalala na talaga sya kaysa dati na okay pa kami, kapag may gusto sya kasi, lagi yung nasusunod, kahit gaano pa kami magtalo, ipipilit at ipipilit nya yun, pero ngayon, mas malala, at hindi ko magawang makipagtalo, kasi, natatakot ako, na lalo pa syang magagalit sa akin...
Kaya sunod na lang ako sa lahat ng gusto nya.
Parang nasasanay na ako na sunod sunuran sa kanya, basta ang mahalaga kinakausap nya ako at hindi iniiwasan.
Bahala na, parang naging favorite word ko na yung bahala na.
Focus lang sya sa pagda-drive hanggang sa ililiko nya sana sa kanto.
"Hindi na dyan," sa gulat ko napahawak ako sa kamay nya.
Agad syang nagpreno, confuse angh itsura, tapos napatingin ang mata nya doon sa kamay ko na nakahawak sa braso nya.
Pakiramdam ko namumula ako sa paraan ng pagtingin nya, kahit wala naman talaga yung sweet na ibig sabihin.
Dati naman kaya kong itago ang feelings ko sa kanya, ang pamumula at kilig, pero ngayon, lahat yun kumawala sa pagkatao ko at napakahirap ng kontrolin.
Ibang iba na.
"Akala ko pupunta tayo sa bahay nyo?"
"Oo, pero hindi na kasi kami doon nakatira, lumipat na ako,," sagot ko, yung alam nya kasing bahay ay yung dati pa naming inuupahan na kasama syang nakahanap noon dati.
Safe kasi doon at tahimik.
Pero di na ako doon nakatira, kabaliktaran ng apartment na tinutuluyan ko ngayon, wala kasi akong choice eh, iyon lang ang kaya ko,
Sinabi ko na sa kanya yung address, tinuro ko yung mga kanto kung saan sya liliko, di maipinta ang mukha nya habang nagda-drive.
Magulo kasi dito sa bagong lugar na ito, madaming bata na naglalaro sa daan, dikit dikit ang bahay , at pag minamalas pa, may mga tambay na umiinom sa kalsada, sa tabi ng tindahan.
"Dito mo na lang i- park ang kotse, dito na lang ako bababa, baka mahirapan kang ilabas ang kotse pag pinasok mo sa loob," sabi ko, ipinark nya nga sa tabi.
Gaya ng inaasahan, ang daming mga matang nakatingin, baka iba ang isipin ng mga tao na mayaman ako porket bumaba sa magandang kotse.
Nakakahiya naman kung madumihan ang kotse nya...
"Salamat Jett, bababa na ako," nakatingin lang sya sa akin, kunot pa rin ang noo, ngumiti ako kahit paano, pero hindi man lang siya nagsalita o gumanti ng ngiti.
Ayoko naming mag expect, pero kahit isang word man lang sana may sinabi sya...
Bumaba na ako ng kotse, at habang palakad ako papunta sa bahay, di ko talaga maiwasang mailang sa mga lalake dito, iba kasi sila tumingin, parang nangangain ng buo, tapos mga nakangisi pa, yung iba pumapaswit, alam ko naman kung ano ang tumatakbo sa isip nila.
Pero wala akong choice, ito lang ang lugar na kaya ng bulsa ko, basta kailangan ko lang doblehin ang ingat, kaya nga hanggat maari sa hospital lang ako o sa trabaho, pero minsan talaga wala akong choice kung hindi ang umuwi, pasalamat na lang at may mga kasabay ako, minsan hinahatid ako ni Pie at noong kapatid nya kaya panatag ang loob ko, tapos todo lock, baka may makapasok kasi.
Hindi naman sa praning ako nag iingat lang.
"Ms. Beautiful, inom ka naman kahit isa lang oh," tumayo yung isang lasing, nakahubad nang pang itaas tapos bitbit ang baso na may alak, inaalok ako,
"Pasensya po di ako umiinom," tanggi ko..
"wag mo ng pilitin pare, at least kumpleto na ang araw natin makita lang natin yung kagandahan nya!" sabi noong isa na nakangisi din.
"tama ka dyan pare!" tapos nagtawanan sila,
"hoy tigilan nyo nga yang pangmomolestya dyan sa boarder ko, kapag iyan lumayas dito, lagot kayo sa akin!" pananakot noong may ari ng inuupahan ko, sya rin kasi yung may ari ng tindahan kung saan umiinom yung mga lalake.
"Aling Espe, kami rin ang mawawalan kapag umalis sya, mawawalan ng maganda sa lugar natin!"
"Hoy Tonio, tumigil ka nga dyan at naririnig ka ng asawa mo!"
"totoo naman yung sinasabi ko di hamak na sariwang sariwa to kaysa doon sa asawa ko na mukha at amoy imbornal," sinabi nya yun tapos tumawa ng malakas na sinabayan naman ng tawa ng mga kasama nya, maya- maya pa may babaeng humarang at sinampal ng malakas yung Tonio, ang masama pa tumingin sya sa akin ng masama at minura ako.
"Puta kang babae ka at tuwang tuwa ka pa na pinagpapantasyahan ka ng asawa ko at ng mga lalake dito, kunyari ka lang mahinhin, pero nasa loob ang landi mo!" dinuduro nya ako tapos sigaw pa sya ng sigaw, napapaligiran na kami ng mga tao, tapos yung mga babae ang sama ng tingin sa akin.
"wala po akong ginagawang masama ate. " ewan ko, pero takot na takot talaga ako, di ako sanay ng ganito, sigawan at ipahiya sa lahat ng tao, ang murahin, oo alam ko kapantay ko na ang isang babaeng bayaran, pero di naman yata tama na murahin nya ako sa harap ng maraming tao.
"Malandi ka!" akto nya akong sasampalin, parang napako ako sa kinatatayuan ko, hindi naman talaga ako palahanap ng gulo, gulo ang laging lumalapit sa akin.
Hinintay ko ang sampal pero walang dumating at yung mga tao na nag checheer dito kay ate , natahimik, unti- unti kong dinilat ang mata ko, pag mulat may taong nakaharang sa akin.
Parang likod ni Jett.
Pero diba umalis na sya?
"Jett?" tawag ko, sya ang humarang sa sampal na para sa akin, parang nabigla naman si ate, kasi natahimik sya at namutla...
"Sino ka ba? Lalake ka rin ba ng babaeng malandi na yan? Talaga naman oh, napaka kiri talaga, di kami matatahimik hanggat nandito yan, sya ang dahilan ng away ng mga mag asawa dito!" singhal ulit ni ate, nakabawi na sya....
Ate wag mong galitin si Jett, please, kahit gusto mo akong saktan.....
"Eh kung naghilod ka ng katawan mo para maalis ang lahat ng dumi mo sa katawan, saka wag mo rin kalimutan na uminom ng isang litro ng gargle dahil sobrang baho ng hininga mo. Hindi na ako nagtataka kung bakit ayaw kang tabihan ng asawa mo, tama sya amoy imbornal ka nga at kung may malala pa doon, iyon ka!"
"Abat! Wala kang galang!"
"Pinipili ko lang ang taong ginagalang ko at bilang na bilang lang yun sa kanang kamay ko, at saka kung sino ako, wala ka ng pakialam doon!" singhal nya ulit tapos hinila nya ako papunta sa loob ng bahay ko...
Binuksan ko agad agad yung pinto, baka kasi sugurin kami sa labas...
"Jett, di mo na dapat sinabi yun, lalo silang magagalit,," sabi ko sa kanya..
Nakapameywang sya, namumula ang mukha, ang lakas ng sampal ni ate, kahit gusto kong hawakan yun at gamutin, kaya lang alam kong hindi naman sya papayag.
Pero isa pang dahilan kung bakit sya namumula ay dahil sa sobrang galit, walang sino man ang nagbuhat sa kanya ng kamay, tanging lolo nya lang, kaya di ko masisi kung bakit parang sasabog na sya ngayon.
Sya naman kasi , dapat para sa akin yung sampal na yun....
"Kailan ka pa nakatira rito?" tanong nya ng medyo nahimasmasan....
"Mga two months na rin, " sagot ko halos pabulong....
"TWO MONTHS!" ayan na naman tumaas na naman yung boses nya
"Hindi naman to ganito dati, medyo naparami lang ang inom nila at saka mainit lang siguro yung ulo ni ate, mababait naman sila dati eh." katwiran ko pa, hindi ko alam kung bakit nakuha ko pang ipagtanggol ang mga kapitbahay ko.
"Mababait? Baliw ka ba? Saang banda!?" tumaas na naman yung boses nya, tapos may sinabi pa sya after noon, kaya lang mahina na kaya di ko masyado naintindihan.
"Akala ko umalis ka na? Bakit ka bumalik , may nakalimutan ka ba?" sinubukan kong ibahin yung topic, para mabawasan yung init ng ulo nya and isa pa curious ako kung bakit bumalik sya.
May gusto ba siyang sabihin sa akin?
Nakakainis naman ang ganitong pakiramdam, umaasa yung puso ko.
Hindi sya sumagot, instead, humihinga lang sya ng malalim, ano ba ang iniisip nya?
Sana naman I- share nya yun,
"Pack all your things , aalis ka na dito!"
"Ha?"
"Bingi ka ba?"
Masama bang ipaulit? Kasi naman saan ako pupunta at bakit ako aalis dito..
"Pero wala akong malilipatan that I can afford," totoo naman at saka magkano lang ang upa ko dito, murang mura..
"Meron sa unit ko, mula ngayon sa akin ka na titira!" he said with full authority,
Napanganga na lang ako, ano daw, ako sa bahay nya?
Oo dati natutulog ako dun, pero iba na yung sitwasyon ngayon,
Una galit sya akin, kasi halata naman eh, hindi nya pa rin ako kayang patawarin.
Tapos pangalawa nga, ang nakakahiyang dahilan, ay may mga nangyari na sa amin.
Oo mga kasi diba twice na yun.
"kung yung kanina ang iniisip mo, pabayaan mo na yun,bukas okay na yun, saka madalas naman akong wala dito, minsan lang ako umuwi at matulog dito, kaya wag ka ng," sasabihin ko ng mag alala, pero ayoko naman mag expect, baka mapahiya lang ako. " mababait naman sila," sige na nga nagsisinungaling ako na mabait sila.
Masama sila tumingin at kapag nandito ako, pinagtsitsismisan nila ako ng kung anu-ano, kahit naririnig ko pa....
"mag eempake ka ba, o kakaladkarin kita palabas?!" nanlilisik yung mga mata nya na nakatingin sa akin.
Kahit natatakot ako sa boses nya,
Pwede ba akong kiligin kahit kaunti?
Kaunti lang naman...
Sa ganito kasing paraan, madadaya ko ang sarili ko na bumabalik yung dating Jett, na concern kay Clem.
Na laging piprotektahan si Clem.
Kahit ngayong minuto lang na 'to, mag -aassume ako na ako lang ang nakikita ng mga mata nya.
Ako lang ang iniisip nya.
Sa sandaling ito, walang Amanda na nag eexist.
Kahit ngayon lang.
...........