Chapter 16

3205 Words
Nikolai’s Point of View   Isa sa mga hindi mawala sa isip ko ay ang nangyari kanina. I grabbed him by his collar. “Anong ginawa ni Nata kay Eirah?!” I hissed. Gabi na at nagpapahinga na si Eirah sa kaniyang silid. Kapag sinabi ko na hindi ako rito aalis ay hindi ako aalis. Nagpunta ako sa main house ng mga Alejandro kung saan do’n ko nakita si Xandro. I have already talked to Camilo and he told me that Renata, or also known as Nata did that. Hindi na ako magtataka na magagawa ni Nata iyon sapagkat baliw ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Xandro sa kaniya. “Hello, Niko, how have you been? It was nice seeing you, it’s better if you will calm down,” sabi niya sa akin. Dahan-dahan ko naman siyang binitawan. “What happened?” tanong ko na lang sa kaniya. Napatikhim siya. “My friend, Elias asked me a favor if his Big sis could stay here, sabi ko puwede naman. Si Eirah ang dinala nito,” panimula niya. Alam ko na ngayon kung sino ang lalaking sumundo sa kapatid niya. It wasn’t Keith, hindi rin si Xandro but Eirah’s brother. Kumalma ako ng kaunti. Just a little bit. I still don’t know why Nata did that to Eirah. “And then?” “Pinagpahinga ko siya. Hindi ko naman napansin na nagpunta pala roon si Nata kaya nakita niya si Eirah, tamang hinala na naman siya. Humihingi ako ng tawad, Niko,” Xandro said. Tumango na lang ako. Galit sa akin si Eirah at hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kung gawin. “Anyway, kaano-ano mo ba si Eirah at concern na concern ka?” tanong niya sa akin. Tinalikuran ko na lang siya at naglakad papunta sa may porch. Bumuntong hininga ako. Tumingin ako sa mga tanim na bulaklak na nasa harap lang ng porch. Pinagmasdan ko lamang ang mga ito. Napansin ko na sumunod pala sa akin si Xandro, tumabi pa siya sa akin. Nathimik kami no’ng una ngunit hindi ko na rin napigilan na magsalita. “I hate this feeling. I hate that girl,” I started. “Nagkasagutan kami kanina. Pakiramdam ko mali ang pagkakakilala ko sa kaniya…” “Baka naman talaga mali, when I first saw her, marami kaagad pumasok sa utak ko pero naalala ko na lang ang sinasabi ng kapatid niya sa akin,” sabi niya. I couldn’t imagine that Xandro’s friend is Eirah’s brother. I met Elias once but I don’t know anything about him even his surname, kaya nga no’ng nakita ko ang apilyedo ni Eirah sa posters ay hindi ko siya naisip. “What did he tell you?” “Eirah chose to be that way; she chose to love herself so much that she didn’t pay attention to what was said to her. She chose to accept herself, to be Eirah Bennisse. She prefers to be free at all times.” Natigilan naman ako sa sinabi niya. “Tatanungin kita ulit, Niko, bakit ka concerned sa kaniya?” Inisip ko naman kaagad, ilang beses kong tinanong iyon sa sarili ko kaya hindi ako makasagot kay Xandro, hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ng utak ko sa tanong niya. Napatingin lang ako sa kaniya nang magsalita siyang muli. “Sa tingin ko ay hindi mo pa alam ang sagot, pero sana kilalanin mong mabuti si Eirah. Hindi mo hawak ang utak at puso niya. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kung ano ang nararamdaman niya,” sabi niya bago niya ako iwan. ‘I know myself so I don’t believe them.’  Bigla ko na lang naalala ang sinabing iyon ni Eirah sa akin no’ng araw na una kong mahalikan ang kaniyang labi. She knows herself kaya hindi siya naniniwala sa mga sinasabi sa kaniya ng mga tao. Also, I suddenly remember one the famous quotes that don’t you just a book by its cover. I still don’t know her story, her life, mga pinagdadaanan niya ngayon. Ang alam ko lang sa kaniya ay miss niya na ang Mommy niya na matagal nang pumanaw. Umiyak na naman siya sa harapan ko and I just don’t hate her, I hate myself even more because I made her cry. Hindi pa natatagal simula nang sabihin ko na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan pero ako pa ang naging dahilan para umiyak siya ng gano'n. D*mn. Napamura naman ako kaagad. Gusto ko siyang puntahan ngayon pero nagpapahinga na siya.Gusto ko siyang kausapin, I wanted to say sorry to her pero kailangan siguro na ipagpabukas ko na. Baka rin nakatulugan niya na ang pag-iyak. I hate it. ‘Bakit ka concerned sa kaniya?’ ‘Kung may gusto ka sa akin. Aminin mo na lang hindi iyong galit-galitan ka pa.’ Napanganga ako. May gusto nga ba ako kay Eirah? Wala — I mean, hindi ko alam. She’s always made me feel crazy. Simula nang makilala ko siya ay hindi na siya mawala sa isip ko. Hindi na mawala palagi ang kaniyang kulay pink na buhok, ang mga kutis niyang makinis at ang labi niyang kasing-kulay ng mansanas. Ang hininga ni Eirah na palaging malamig at amoy bubble gum. Teka? Bakit ngayon ko lang napansin ang amoy ng hininga niya? Bakit ngayon ko lang diniscribe ang iba sa mga katangian niya? Tang*na. Ano ba ang laging nasa utak ko kapag nakikita ko siya? Ang pagdakma sa dibdib niya? Ang pasukin ang butas niya sa baba? F**k. Lagi rin siyang ngumingisi ng nakakaloko at palagi akong naiinis doon, but she’s really beautiful. I just don’t want to admit that before but she is. I told to myself that I will never like her. Her pink hair, her clothing, her mischievous grins, her moans, screams and her presence. No. crap the moans and scream, I actually like the way she moans in pleasure and the way she screams my name. Nang pagdating ko sa apartment niya ay wala siya at hindi ko alam kung saan ko siya makikita o mahahanap. Inaamin ko na nag-aalala talaga ako ng husto kaya hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya. Kahit na ayaw kong lapitan si Keith na gag*ng bumuntis sa kapatid ko ay nilapitan ko pa rin dahil may kutob ako na baka alam niya kung nasaan si Eirah. Nag-alala ako. Natakot. Gagamitin ko na ang salitang iyan. Natakot ako na maaaring hindi ko na siya makitang muli. Para bang lahat ng mga ayaw ko sa kaniya ay hinahanap-hanap ko na. Natakot ako na maaaring hindi ko na makita ang kulay rosas niyang mga buhok, ang pananamit niya na nakatawag din ng pansin ko, ang mga ngisi niya na animo’y nanunukso. Parang hindi ko kaya. Parang hindi ko kakayanin na makita ang mga iyon, isa na rin do’n ang dalawang malaking bundok sa bandang harapan niya at ang dalawang bibig niya. Sa baba at taas. Nasasanay na ako sa kaniya paunti-unti pero bigla na lang siyang nawala. Natakot talaga ako. I don’t want to lose her. She’s mine.   I ask myself again. Do I like her? Or… I already fell? “F**k, Eirah, what the f**k did you do?” I cussed.    Eirah's Point of View Medyo masakit pa ang ulo ko nang magising ako. Pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa tulog. Nang tumingin ako sa labas ng bintana ay kita ko rito na papasikat pa lamang ang araw. Napangiti na lang ako, pinilit kong mapangiti kahit na malinaw pa rin ang nangyari kahapon. Medyo may kirot pa nga rin ang anit ko. Tumitig lang ako sa labas. Ang ganda pagmasdan ng araw, so ibig sabihin pala ay nakatapat ang bintana ng kuwartong 'to sa silangan. "Ma'am..." Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Camilo na may dalang tray ng pagkain, may coffee din and water na kasama. Inilapag niya 'yon sa may mesa na katabi lang ng higaan. "Magandang umaga," bati niya sa akin. "Magandang umaga rin," sagot ko rin sa kaniya. "S-Sorry nga p-pala," sabi ko. Napayuko pa ako. "Bakit? Dahil ba sinuntok ako ni Niko? Ayos lang ho, hindi 'yon ang unang beses." Natigilan ako sa sinabi niya. "Huh?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ha? Hindi unang beses? Na sinuntok siya ni Nikolai? Magkakilala sila? I mean, what the?! Anong bang ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan. Ang aga-aga, ang daming pasabog. "Magsasaka ang aking ama rito sa Hacienda Alejandrá noon," sabi niya. "Dito rin halos lumaki si Niko." Napanganga ako. Seryoso?! "Huh?" lutang lang na sagot ko sa kaniya. Marahan siyang natawa sa akin. Lumapit lang siya sa akin. Ang pogi talaga ng lalaking 'to, iyong mga ngiti niya sa akin, grabe. Sino kaya ang magkakatuluyan nito? Ang ganda pa ng katawan niya, sayang hindi mapupunta sa akin. Biro lang. Wala na talaga sa utak ko ang kaisipan na landiin siya. Ang lalaki lang na nasa utak ko ngayon at ginugulo 'to ay si Nikolai. "Basta ho, hindi mo na kailangang humingi ng tawad. Nag-usap na kami kanina, isa pa, kami dapat ang humingi ng tawad sa ginawa ni Nata sa'yo kahapon," sabi niya. Napabuntong-hininga naman ako. "Okay na," sabi ko na lang. Ngumiti ako sa kaniya. "Mag-almusal na ho kayo, Ma'am Eirah," yakag niya. Tumango-tango naman siya sa akin bago nagpaalam na may gagawin pa raw siya. Ibig sabihin lang niyon ay dati na silang magkakilala ni Nikolai. Iniisip ko pa rin kung paano nalaman ni Niko na nandito ako sa Hacienda Alejandrá, malamang ay alam niya na rin na pinaghahanap ako ng mga magulang ko kaya nga nasigaw ko rin sa kaniya kahapon 'yon. Nagpakawala ulit ako ng malakas na buntong-hininga. Hindi ko pa naman nakakalimutan 'yong mga sinabi niya sa akin. Nasaktan kasi talaga ako ro'n kaya kung nandito pa rin siya sa hacienda, okay lang, huwag niya lang akong lalapitan.  Huwag niya akong kakausapin dahil lalo lang akong masasaktan kung kakausapin niya ako. Mabuti pa nga talaga siguro na mawalan na kami ng komunikasyon. Hindi na dapat siya nagpapakita sa akin! Pero, wala, eh. Pero alam ko, aaminin ko na gusto ko rin na nakita ko siya rito. Na pumunta siya rito para sa akin. Na hinanap niya ako ng halos tatlong oras, I'm glad again. I felt that feeling again, iyong nandoon ako sa mataas na bahaging 'yon ng bundok kung saan kita mo ang buong Tastotel City. Iyong gabi na binalikan niya ako. I sighed. Um-upo na lang ako sa higaan, tumingin ako sa tray na dala ni Camilo kanina. Mainit pa 'yong kape, puro lang ang kape. Ngumiti ako. I took a sip of that coffee and then I started to eat. Pagkatapos niyon ay nagtungo ako sa banyo upang maligo. Iyong putikan kong suot kahapon ay nilabhan ko, sinampay ko sa may bandang likod dahil napansin ko na mayroon doon. Lumabas na ako ng bahay na iyon after kong maligo. Kada may madadaanan akong mga mga taong nagta-trabaho rito ay binabati nila ako ng magandang umaga. Nakakatuwa lang kaya hindi ko na maiwasan na mapangiti. Nag-decide ako na mag-stretch-stretch na muna. Nagpunta ako sa lugar kung saan ramdam ko ang sinag ng araw. Para lang akong sanggol na nagpapa-araw habang nag-iinat. Ang sariwa talaga ng hangin dito. Tutal broken ako, ramdam ko pa rin ang sakit ng mga sinabi ni Nikolai sa akin kaya broken talaga ko. Ang sarap magpalamig dito ng ulo. Napapikit pa ako ng mariin habang nag-i-inhale, and then, exhale... It's so refreshing... Ito ang magandang gawin sa umaga.  Natigil lang ako nang may magsalita mula sa aking likuran. "I know... you're mad, but can we talk?" Nakilala ko kaagad ang boses nito. Hindi ko na siya nilingon. Humakbang na lang ako paabante para makalayo sa kaniya. "Eirah, hey, I'm sorry," sabi niya. Awtomatikong napatigil ako dahil sa boses niya. Parang hindi ko kayang tiisin! Sincere pa naman siya pandinig ko. Nanlalambot ako, parang gusto ko na lang siyang nilingon tapos yakapin. Pero hindi ko ginawa iyong huli. Naka-poker face lang ako ng lingunin ko siya... sana, ayon ang plano pero natigilan ako at halos malaglag ang panga ko sa lupa dahil nakita ko kung ano ang suot niya. Fit na fit sa kaniya ang suot niyang T-shirt, maong din ang suot niyang pantalon. Bota rin ang suot niya sa kaniyang paa. Ang dahilan kung bakit ako nakanganga ngayon ay bakat na bakat din ang sa kaniya! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero nakahubad na siya sa utak ko. Wala pa man din ay may nararamdaman na akong namamasa. Titibok-t***k. "Ah... ehhh..." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya pero papansin talaga si Nikolai! Nilapit niya lang ang katawan niya sa akin. "Please..." Teka! Parang sabi ko lang na huwag siyang lalapit sa akin! Pero bakit ganito?! Ang lakas ng t***k ng puso ko. Kung may kapogiang taglay din talaga si Camilo, eh, itong si Nikolai talaga ang pogi sa mga mata ko! "A-Anong p-please, d-di ba sabi ko sa'yo na..." I stuttered. "Hey, look at me," he said huskily. Napalunok naman ako. He held my chin and he made me look at him. Napakagat labi ako. Sinubukan kong tumingin sa kaniya ng diretso. Maamo lang ang kaniyang mukha. "Nagalit lang talaga kahapon, kasi..." mahinahong sabi niya pero bitin. "K-Kasi?" "Nagseselos ako." Nanlaki naman ang mga mata ko. "Malamang ay 'yon din ang rason kung bakit ko sinasabing akin ka, kung bakit kita sinasabihan na huwag kang aaligid sa mga lalaki, kasi alam ko na magseselos ako," sabi niya. Dumiin lang nag pagkakakagat ko sa pang-ibabang labi ko. Nagseselos si Nikolai... "I am sorry," sabi niya pa. Wala sa sariling napahawak ako sa kaniyang pisngi. Tinitigan ko lang siya habang parang maiiyak ako. "Guwapo ka, maganda ako, sabi ko na, eh, bagay tayo." Dahan-dahan akong yumakap sa kaniya. "Inisip mo talaga 'yon?" "Oo," sagot ko sa kaniya. "Kaso, malabo, eh, katawan lang naman ang habol mo sa akin," umismid pa ako sa kaniya. Ano ba?! Bakit parang lumambot ako? 'Di ba dapat galit ako? Ramdam ng katawan ko ang tigas ng katawan niya. Para akong kinukuryente ang buong katawan ko. Huwag niya talaga akong susubukan! Bakit pa siya gumaya kina Camilo ng suot? Mas malaki ang epekto ni Nikolai sa akin kaysa sa dalawa! Parang gusto ko na lang sundin 'yong sinabi niya na kaniya ako at wala akong lalandiin kundi siya lang! At wala akong isusubo na pagmamay-ari ng iba, iyong sa kaniya lang! Kung sa kaniya ako ay dapat na sa akin lang din siya! "It's not true, sana hindi ako mag-aalala ng ganito ngayon. Sana nakipag-s*x na ako sa iba kaagad," he mumbled. Napakunot naman ang noo ko at tinulak ko siya papalayo sa akin. "Iyon ba ang balak mo, ha? Tapos ako pa ang malandi? Hayop na 'to!" inis na sabi ko sa kaniya. "Kilala ka ng mga tao na gano'n," sabi niya. "Ibig sabihin, hindi mo 'ko kilala," sabi ko. Napabuga ako ng malakas na hangin. "Your mother said, dapat be yourself lang. Huwag ka maniniwala sa mga sabi-sabi. Hindi ako nagsusuot ng uri ng damit na 'to para bastusin, magpapansin sa mga lalaki para ma-ikama ako. Hindi gano'n," sabi ko. Tahimik siya, nakikinig lang sa akin. "Ganito ang paraan ko ng pananamit kasi ito ang gusto kong suotin," dugtong ko. "Pero nilulugar dapat, parang ang mga nagtatalik lang, nilulugar nila," sabi niya. Natawa naman ako. "Nilulugar?" "Oo, sa kuwarto dapat," sabi niya. Humagalpak naman ako ng tawa pagkatapos ay malakas ko siyang hinampas sa braso niya. "Ouch, what was that for?!" "Remember our first night? Saan mo ng ako inano? Haha, wala kang sense!" sabi niya. Natigilan naman siya. Naalala ko kasi ang pag-uga ng kotse niya, feeling ko nararamdaman ko pa rin ang pag-uga niyon. "Still, wala namang tao ro'n, so safe," sagot niya lang. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito, pinisil niya pa ang palad ko. "Come with me," dugtong niya. Tumango naman ako. Nagsimula kaming maglakad nang magkahawak ang mga kamay. May naalala naman ako. "Dito ka raw lumaki?" Tumango siya sa akin. "Yeah," sabi niya pa. "Magkaibigan si Mama at ang nanay ni Xandro. Dito kami laging pumupunta," sabi niya pa. Napatango na lang din ako. Tama nga talaga ang sinabi ni Camilo sa akin. "Sinapak mo na ba no'n si Camilo? Maliban kahapon?" tanong ko sa kaniya. "Nagsorry ka man lang ba?" "Hindi ako magso-sorry, hindi ka pa rin dapat niya hinawakan," sabi niya pa. Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. I rolled my eyes. "He's just being nice to me!" "Kahit na!" Nagtaasan na naman kami pareho ng boses pero sabay na nagbuntong-hininga at naging mahinahon. "Palagi kaming nag-aaway ni Camilo," sabi niya. Ibig sabihin, 'yon ang sagot niya sa una kong tanong. Natahimik kami pareho. Bigla naman akong may naisip. "Itanan mo kaya ako, Nikolai?" sabi ko. Natigil kami sa paglalakad. Kinunotan niya ako ng noo. "Gusto akong pag-aralin ni Dad sa States, ayaw ko naman kasi gusto kong magtapos sa Tastotel Univ, ayon ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito, nagtatago," sabi ko na lang sa kaniya. Napayuko pa ako at nakaramdam ng lungkot. Malamang ay babagsak ako nito sa mga major subjects ko kasi ilang araw na akong hindi pumapasok. He gently pulled my head closer to his and she kissed my forehead. "Bakit hindi mo kausapin ang Daddy mo?" he asked. Nararamdaman ko ang kaniyang hininga, naamoy din at ang fresh din talaga. "I tried but he doesn't want to listen," halos pabulong lang na sabi ko. "Kapag nahanap nila ako ngayon ay ikukulong na talaga nila ako, papatulugin tapos paggising ko na lang nasa ibang bansa na ako. Hindi mo na ulit ako makikita, gusto mo ba 'yon?" may pananakot pa na sabi ko. "F**k, Eirah," malutong na sabi niya. Napangiti naman ako. "Ano? Itatanan mo ba ako?" tanong ko pa sa kaniya. Matagal bago siya nakasagot sa akin. "Yes..." sabi niya sa akin. Lumawak ang mga ngiti ko. "That's good," sabi ko na lang. "Pero totoo 'yong sinabi ko kahapon, ha, gusto kita," pagsasabi ko naman ng totoo. Hinarap niya ako ng diretso. "Tsk." Haha, nakakatawa lang kasi pinapaamin ko lang niya nitong nakaraang araw kung may gusto ba siya sa akin tapos ako ang naunang umamin haha. But it's true. I don't know but I think I like him. "Ikaw? Hindi ka pa ba aamin?" tanong ko sa kaniya at nginisihan ko. Hinawakan niya naman ang pang-ibabang labi ko gamit ang kaniyang hinalalaki. Napaungol ako sa ginawa niyang 'yon, wala lang, sarap umungol tuwing gagawin niya sa akin 'yon. "Hindi," he said. So sexy. "I will not." Napapalatak naman ako. "Hindi pa rin? Kahit na halatang-halata na?" "No," he said. Taas ng pride! "Sige, sabi mo, eh!" sabi ko tapos tinulak ko na siya. Nakakadisappoint lang ngayon, hindi niya talaga sa akin aaminin na gusto niya ako?! Kung nagseselos siya, kung sa kaniya nga talag ako dapat gusto niya ako. Ang taas ng pride ni Nikolai! Napanguso lang ako. "Hindi naman kasi kita gusto." "Edi hindi na rin kita gusto, hmp!" Nag-flip hair ako at tinalikuran ko siya pero natigilan ako sa sunod niyang sabi sa akin. "Kasi, mahal na kita," he mumbled. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD