Eirah’s Point of View
“Ikaw na ang bahala sa kaniya,” sabi ng kapatid ko sa lalaking kaharap niya. Kilala ko naman ang lalaking ‘to but where not that close. As if naman! Basta, alam ko lang ang pangalan niya since kapatid nga siya ni Xander Alejandro, iyong famous basketball player din sa varsity bago pa man sila magtapos sa University.
Napatingin ako sa paligid. The place is so refreshing, maraming mga puno na nagbibigay pa ng fresh air, may lugar din sa bandang kanan ko na napakaraming tanim na halaman. May lugar dinpala ng mga kabayo rito, medyo maputik ang ibang bahagi ng hacienda… hindi na ako magtataka. Basta all I could see here are color green and brown. May plantation, ranchos, ah basta! Ngayon pa lang ata ako nakapunta sa hacienda na ganito kalaki.
Malaking ektarya rin talaga ang Hacienda Alejandra, mga ilang minutes din iyong binyahe namin simula nang makapasok kami sa entrance ng hacienda hanggang dito. Nadaanan pa nga namin ang mga magsasaka na nagbibigay ng serbisyo nila sa Hacienda Alejandra. Ang ganda rito, puwede ka rito magbakasyon kung gusto mo. Medyo liblib din at wala rin signal.
“Oo, p’re, ako na ang bahala sa kaniya,” sagot naman ng kapatid ni Xander na si Xandro. Humarap pa ito sa akin at kinindatan ako. Sinuri ko naman ang kaniyang suot, simpleng plain-gray T-shirt lang ang kaniyang suot, maong ang suot niyang pantalon, nakasuot din siya ng sinturon at sap aa niya naman ay bota ang kaniyang suot. Medyo maputik na rin ito. Hindi na dapat ako magtaka dahil nandito siya sa lugar na ito. Siya ata ang nangangasiwa ng Hacienda Alejandra, sa pagkakaalam ko kasi ay hindi lamang hacienda ang meron sila. May itinatag silang hospital at naroon iyon sa Tastotel City.
Ngumiti lang ako kay Xandro. “Salamat agad,” sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin.
“No worries,” sabi niya at may kinawayan siya sa isa sa mga trabahador. Lumapit ito sa amin. Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko, ang ganda ng katawan niya. Ang lalaki ng biceps niya at bakat ang…
Ang abs!
Ang suot niya’y hindi naman nagkakalayo sa suot ni Xandro.
“Camilo, dalhin mo siya sa bahay,” sabi nito sa lalaki. Ang ganda ng katawan niya! Pero feeling ko mas bet ko pa rin si Nikolai. Bigla naman akong natigilan nang maalala ko siya. Hindi ng apala ako nakapagpaalam sa kaniya. Kailangan pa ba ‘yon? I mean, baka nga hindi na niya ako balikan sa apartment ko kasi wala naman talaga ako sa kaniya. No one daw ako ‘di ba? Pero, pinakilala niya ako sa Mama niya bilang girlfriend nito. Baka hinahanap ako nito sa kaniya. Ay bahala na! Sooner or later malalaman niya rin na pinaghahanap ako ng pamilya ko at may pabuya pa na fifty-thousand dollars. Yaman naman ng Daddy ko, talagang dolyar!
“Sige ho Senior Xandro,” sagot ni Camilo raw ang pangalan kay Xandro. Pinigilan ko lang ang sarili ko na matawa. Naalala ko rin ang sinabi ni Nikolai sa akin na tigil-tigilan ko ang pag-aligid sa mga lalaki pero, duh! Hindi niya ako utusan, hindi ko susundin iyon. Bahala siya sa buhay niya.
Ang sama ko naman sigurong tao, matapos niya akong damayan kahapon, eh, ganito na lang ba? Bahala siya sa buhay niya?
Baka nga talaga ayon na ang huli naming na pagkikita, eh. Salamat na lang sa sarap niyang dulot sa akin.
Pero hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng lungkot. Thinking that it will be our last talkl. Wala talagang kasiguraduhan kung magkikita pa kaming dalawa.
Maglalandi sana ako kay Camilo, ang ganda ng katawan niya tapos feeling ko pa ano… malaki ang ano…
Pero pakiramdam ko naman ay mas malaki pa rin ang kay Nikolai. Gosh, tsaka hindi ko rin feel na maglandi ngayon bukod kasi sa may kinakaharap akong problema ay feeling ko magi-guilty ako kapag inakit ko ito. At this time, Nikolai’s words are in my head, parang bang pinogram niya sa utak ko. Nakakainis! Sabin ang hindi ako sa kaniya at mas lalong-lalo nang hindi niya ako utusan!
“Mabit ‘yan si Camilo,” sabi sa akin si Xandro.
“Babalikan ko ang kapatid ko, hindi ako sigurado sa araw kung kailan, basta ngayong linggo pa rin. Ikaw na bahala sa kaniya, ha?” sabi pa uli ni Elias kay Xandro, tinapik niya pa ang balikat nito. Pati rin kay Camilo ay sinabi niya na siya an ang bahala sa akin. Humarap sa akina ng kapatid ko, sinamaan kaagad ako ng tingin. “Ate Eirah, behave,” matigas na sabi niya sa akin. I pursed my lips.
“Lagi akong mabait,” sagot ko naman kay Elias sa harap ni Xandro at Camilo.
“Dadalhin ko ang kotse mo. Aalis na rin ako,” sabi niya. Tumango naman ako.
“Sige, ikaw na bahala kay Lyxe, basta balikan mo ‘ko rito para balitaan,” sabi ko sa kaniya. Kilala niya naman si Lyxe. Alam niya ang pangalan ng aking drop-top car. Yumakap pa ako sa kaniya. “Thank you so much, your mother is really proud of you.”
Napapalatak na lang siya sa sinabi ko. “Tsk! Sana lang a pumayag na si Daddy na mag-stay ka na lang dito. Iko-confirm ko rin kung in-arrange marriage ka nga niya,” sabi niya. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Sana lang talaga ay hindi totoo ang hinala niya na ipapakasal ako ni Daddy sa kung sino riyan. Baka naman sobrang tanda. Sana lang talaga ay hindi gano’n!
Nagpaalam na siya sa amin. “Babalik ako ng kuwadra, Camilo, ihatid mo na siya sa bahay para makapagpahinga na,” utos ni Xandro. He faced me. “Kung may kailangan ka ay tawagin mo lang si Camilo o Xandro,” sabi niya sa akin.
“Thanks again!” sabi ko sa kaniya bago siya tuluyang nagpaalam. Kami na lamang ni Camilo ang nandito. “Hi!” bati ko sa kaniya.
“Hello po,” magalang na bati niya sa akin habang nakangiti. Lumawak na rin talaga ako pero natitigilan lamang ako ng kaunti dahil pumapasok na naman sa utak ko si Nikolai.
“Ako nga pala si Eirah,” sabi ko sa kaniya at inilahad ko pa ang kamay ko. Inabot niya naman ‘yon kaya nag-shake hands kaming dalawa.
“Camilo po, Ma’am,” sabi niya.
“Huwag ka na mag-Ma’am sa akin! Eirah na lang,” sabi ko sa kaniya.
“Sige po, halina po, Eirah,” he said. Nagsimula na siyang maglakad. Nakasunod lang din ako sa kaniya, maingat din ang paglalakad ko dahil baka may putik or may matapakan akong kung anong hindi kaaya-aya. Hindi naman ako nakasuot ng bota katulad ng ibang mga tao rito. Tahimik lang kaming naglalakad. Tumitingin din ako sa paligid at hindi ko maiwasan na mamangha. Ang ganda rito. Sana puwedeng palaging tumambay dito kapag broke ako kasi feeling ko makakapag-isip ako ng maayos sa lugar na ito.
Malawak ang mga ngisi ko hanggang sa makarating kami ni Camilo sa bahay na sinasabi ni Xandro. Americans tyle ito at nasa may bandang likod ng flowern garden nila. “Ma’amc Eirah, mayroon pong tatlong kuwarto sa loob. Pumili na lang po kayo kung saan niyo gustong magpahinga,” sabi niya sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya. Sabin nang huwag na akong tawaging Ma’am, eh!
Hindi ko na lang siya sinita. One paalala is enough.
“Ah, sige” — natigil ako sa pagsasalita nang may bigla akong maalala — “sh*!” hindi ko naiwasan na mapamura. Nakaalis na yata si Elias! Iyong mga gamit ko ay nasa kotse ko! I forgot! Wala pa naman signal dito kaya malabong matawagan ko siya.
“Bakit po, Ma’am?” tanong ko sa kaniya.
“Nakalimutan ko iyong mga gamit ko sa kotse ko,” sabi ko sa kaniya.
“Baka naman po, nandiyan na sa loob. Tara po, pasok tayo,” maginoong sabi niya sa akin. Nasa loob na?! Paano? Nauna siyang pumasok sa American style na bahay. Sumunod lang din naman ako sa kaniya. Pagpasok namin sa loob ay namangha pa ako dahil ang linis sa loob. May lamesa’t upuan kaagad doon na gawa sa kahoy, mga makikintab ito at makinis.
“Wow,” manghang-manghang sambit ko.
“Presko po rito sa lugar na ito,” magalang na sabi niya. Napatango naman ako kaagad. Halata naman. Napansin ko rin na may mga picture frames sa pader at ang halos lahat doon ay picture ng kuwadra, mga kabayo, iyong mga bagay din na makikita mo rito sa hacienda. “Eto po pala, Ma’am,” biglang sabi niya at may tinuro. Nakita ko roon ang bag na kung saan ko inilagay ang gamit ko. Malaki ang bag na iyon. Doon ko rin inilagay ang mga groceries ko. Pinagkasya ko diyan lahat pati ang mga damit na pinamili ng nanay ni Nikolai.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko pa naman ay nadala rin ni Elias pabalik ng Tastotel City. I am sure din na itatago niya si Lyxe kay Daddy.
Pero, nakakapagtaka lang talaga. I mean, paano ‘to napunta rito? Eh, pagbaba naming ng kotse hindi naman iyon ibinaba ni Elias.
Baka naman hindi ko lang napansin na ibinaba at nadala na rito dahil masyado akong namangha sa lugar.
“Sige po, Ma’am, maiwan ko po muna kayo. Malapit lang naman po ako rito, Ma’am, kapag may kailangan kayo ay tawagin niyo lang ho ako,” sabi niya at iniwan na ako sa American style na bahay. Ang sabi ni Camilo ay may tatlong kuwarto pero apat na pinto ang nakikita ko.
Isa-isa ko iyon na buksan at lalo lang akong namangha. Ang ganda ng mga designs ng kuwarto rito. Wala namang kutson ang mga higaan. Pero hindi naman siguro masakit sa likod. Tatlong pinto na ang nabuksan ko at tatlong kuwartong may kama na rin ang nakita ko. Na-curious ako sa pang-apat na pinto kaya lumapit din ako rito at saka ko ito binuksan.
Pero, ayon, hindi naman pala siya kuwarto na may kama kundi iyong kusina. Akala ko pa naman ay may kung sino akong makikita roon. Napanguso na lang ako. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Baka naman nasa Consejo pa rin at nagta-trabaho.
Oh, sige, doon na lang siya magtrabaho, huwag niya nang alalahanin na may girlfriend siya. Napangiwi naman ako sa kaisipan na iyon. Ayaw ko nga maging girlfriend niya ‘di ba kasi isa siyang dakilang diktador! Kung maka-utos naman ako mo talaga may opisyal na relasyon, eh, wala naman.
Isinara ko na ang pinto ng ika-apat na pinto na kusina pala ang nandoon. Medyo frustrated lang kasi akala ko… biglang susulpot si Nikolai baby. Bakit ba ako umaasa na maaaring nandito siya, eh, napakalabo naman na mangyari. Hindi niya naman alam na nandito ako sa Hacienda Alejandra, eh. Pero napaasa talaga ako na sa pagbukas ko ng ikaaapat na pinto ay halik niya kaagad ang sasalubong sa akin. Siguro, pagod lang ako, dala lang ng biyahe namin kanina. Pumili na ako ng kuwarto na tutuluyan ko. Ipinasok ko na rin sa kuwarto na ang mga gamit ko.
Obviouly, ako lang ang mag-isa rito. Siguro dapat lang na matulog na ako. Nang mahiga ako sa kama’y doon ko pa lamang naramdaman ang pagod. Medyo masakit din ang sa may puwitan ko dahil naging matagal din ang biyahe namin. Nakabukas ang bintana sa kuwartong ito kaya pakiramdam ko kaagad ay magiging magandang tulog ko. Nakatulog na ako, binabawi ko nang magiging maganda ang tulog ko dahil hindi! Bigla na lamang akong nagising nang biglang may puwersang humila sa sa buhok ko at kinalaladkad ako. Napamura na lang ako.
“Sinasabi ko na nga ba! MAY BABAE KA! TAKSIL! PUTANG*NA NIYO!”
Nagmulat ang aking mga mata dahil sa isang sigaw ng babae. Napahawak naman ako sa may pulsuhan nito na nakahawak ng mahigpit sa aking buhok. Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng aking anit. Tang*na!
“Get your hands off me!” sigaw ko sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin, hila-hila niya ako palabas ng American style na bahay na iyon. I felt so annoyed. Ano ba ang ginawa ko sa babaeng ito? Hindi ko sana siya papatulan pero nainis na rin talaga ako. Kahit medyo nanlalambot ako dahil kagigising ko lang ay pinilit ko pa rin na buong puwersa kong hinila niya ang kamay niya upang umikot ako at makaharap sa kaniya. Awtomatiko akong humawak sa kaniyang buhok at malakas ang pagkakapit niyon, nanggigil ako.
“MALANDI KA!” siagw niya sa akin. Nagdidilim ang paningin ko sa babaeng ito, huwag na huwag niya akong susubukan!
“I didn’t do anything to you! Kakalbuhin kita! Tang*na mo, ha!
“TANG*NA MO RIN! Ikaw pala ang babae ni Xandro! Walang hiya ka!” sigaw pabalik sa akin ng babaeng hindi ko naman kilala.
Babae ako ni Xandro? Naka-drugs ata itong babaeng ito! Paano niya ako magiging babae, eh, ito pa lang naman ang unang beses na nag-usap kami!
Alam ko na, ang babaeng ‘to ay girlfriend ni Xandro!
Nagsasabunutan lang kaming dalawa. Humigpit ang hawak niya sa aking buhok at hinahatak niya, mas higit pa roon ang ginawa ko. Napapadaing siya, napaatras siya pagkatapos ay natapilok siya. Hindi pa rin naming parehong binibitawan ang mga buhok naming. Aware ako na nagsisimula nang magsidatingan ang mga trabahador dito sa hacienda.
Pareho naming hindi napansin na may putik pala sa likuran niya kaya sa putikan siya napahiga. Napasunod na rin ako dahil hindi ako nagtangkang bitawan ang buhok niya. Ganoon din siya sa akin, patuloy lang kami sa pagsasabunutan hanggang sa may dumating. Hinawakan niya ako sa beywang ko at hinila ako papalayo sa walang hiyang babae na ito. Siya ang tunay na walang hiya!
“Enough!” Narinig ko ang boses ni Xandro. Siya ang taong nakayakap na ngayon sa beywang ko. Siya ang naglayo sa akin sa babaeng ito na mukhang girlfriend niya.
Nang tingnan ko ang babae ay itinatayo an siya sa putikan ni Camilo. I gritted my teeth. “Ano bang ginawa ko sa iyo?!”
“Kabit!” sigaw niya sa akin. Aatakihin niya sana ako ulit, handa naman akong salubungin siya pero pareho kaming pinigilan ni Xandro at Camilo.
“I said, ENOUGH!” nakakabinging sigaw ni Xandro. Mas nalakasan ako sa boses niya dahil malayo ako ang malapit sa kaniya. Nararamdaman ko nga ang matigas niyang katawan.
“Enough?! Niloko mo ‘ko Xandro! Ang sabi mo sa akin wala kang babae tapos ‘yang babaeng halos kita na ang kaluluwa ang makikita ko?!”
“Hindi ko siya babae! Hindi kita niloloko! She’s Eirah! Kapatid siya ni Elias and I am helping her! Puwede bang kumalma ka, Nata?!” Pagksabi ni Xandro noon ay dahan-dahan niya akong pinakawalan. Masama lang ang tingin sa akin ng babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Gano’n din ang ginawa ko sa kaniya.
Umalis siya sa pagkakahawak ni Camilo sabay walk-out. Puros kami potek pareho, iyong damit ko at may mga talsik din ng putik ang aking mukha. Humarap sa akin si Xandro at napakamot ng ulo.
“Pagpasensyahan mo na si Renata, lagi kasi talagang padalos-dalos iyon. I will talk to her,” pagpapaumanhin sa akin ni Xandro.
So, Renata ang pangalan niya.
Ang pangit, pwe.
“Hindi ka dapat mag-sorry sa akin! Siya dapat!” I hissed. Nagpaalam na siya na kakausapin niya ang baliw na babaeng iyon. Kami na naman ulit ni Camilo ang naiwan.
“Maligo na ho kayo, Ma’am,” sabi niya sa akin. Tumango naman ako. Medyo masakit pa rin ang anit ko. Sakit din ng sabunot niya, eh.
“Mabuti pa nga,” sabi ko pa. Lalagpasan ko na sana siya pero pinigilan niya ako.
“Teka lang po,” sabi niya.
“Hmm?”
“Tanggalin lang po natin ito,” sabi niya. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil hinawakan niya ako sa mukha at pinusan ang mag talsik ng putik sa aking mukha gamit ang kaniyang palad. Napangiti naman ako. Ang bait niya pala talaga tapos ang maginoo pa, hindi katulad ng is ana sinasabing sa kaniya raw ako. Lihim naman akong napairap.
“Thank —”
Hindi ko na natapos ang pasasalamat ko sa kaniya nang bigla na lang…