“GOOD afternoon, Calys!” masayang bati sa akin ni Dale nang makarating kami sa pamilyar na rest house kung saan nagti-taping ang movie na tinatrabaho ni Eionn. Ang g'wapo ng isang Dale Palma sa suot nitong itim na long sleeves, khaki pants at leather shoes. Hinahangin ang medyo mahaba nitong buhok at may malapad na ngiti habang nakatingin sa akin. “Good afternoon,” bati ko rin sa kanya. Naalala ko ‘yong request ni Lyka. Gusto niyang magpa-picture ako kay Dale dahil crush na crush niya ang artistang ito. Nilingon ko muna si Eionn na iniwan ko sa kotse. Busy pa rin ito sa paglalabas ng equipments mula sa compartment ng niyon. “Kumusta naman ang gabi ninyo ni Eionn?” may halong pagbibirong tanong ni Dale. Binalingan ko ito ng tingin. Agad na nag-init ang mukha ko dahil mabilis na bu

