PUMASOK si Auntie Levi kinagabihan sa bar at dahil tanggal na ako sa trabaho ay naiwan ako sa apartment. Mabuti na lamang ay pinahiram niya sa akin ang kanyang laptop kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Sinimulan kong maghanap ng trabaho sa internet habang nasa kusina. Ang laptop ay nasa countertop katabi ng mainit na kape. Mabilis ang pag-scroll down ko sa isang website na nabuksan ko. Puro pang-propesyunal na mga trabaho ang nasa listahan. Binasa ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy sa ginagawa. Sa huli ay sinampal na lamang ako ng isang katotohanan— ang katotohanan na mahirap humanap ng trabaho lalo na at hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo. Naninikip ang dibdib ko habang tulalang nakatingin sa screen ng laptop. Alam ko kung ano ang halaga nang makapagtapos ng pag

