FATIMA: Elle! Great news! Nakausap ko na si Ma’am Eisha! Binigay niya raw ang resume mo sa kapatid niyang nangangailangan ng katulong sa bahay at ang sabi ay tanggap ka na raw! Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe ni Fatima kinagabihan. Ang buong akala ko ay hindi ako tatanggapin dahil buong araw akong naghintay ng balita mula sa kanya. Akala ko ay wala akong pag-asa pero umaagos na ang saya sa dibdib ko dahil mali ako! Ako: Totoo ba, Fatima? Naku, pakisabi naman sa amo mo na salamat ng marami! Malaking tulong ‘to para sa akin! Salamat din sa ’yo! Fatima: Ano ka ba! Syempre tayo lang naman ang magtutulungan dito! Saka sa kapatid ka niya magwo-work, ha? Malapit lang naman ‘yong mansyon ni Ser Eionn. Halos magkakapitbahay lang silang magkakapatid dito sa malaking subdi

