UMAHON ang matinding kaba sa dibdib ko. Napatingin ako sa kanyang mukha at kitang-kita ko ang lamig sa kanyang mga mata, pirming nakatikom ang mapupulang labi at kalmado ang perpektong panga. Tumagal ang titig niya sa akin na animo’y binabasa niya ang nasa isip ko. Agad akong napayuko nang hindi makayanan ang mga titig na ‘yon. Masyado akong kinakain ng kaba na hindi ko na alam kung ano'ng dapat gawin. “I made a breakfast for you because you cooked for me last night,” saad niya. Naramdaman ko ang paglakad niya na mas lalong nagpatigas ng mga paa ko mula sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge. Narinig ko rin ang pagkuha niya ng baso at pagsalin dito ng tubig. Pigil ang bawat hininga ko habang nakayuko at tahimik na pinapakinggan ang kanyang bawat galaw. Hindi

