NAGISING ako pasado alas dos ng madaling araw nang makaramdam nang pagkauhaw sa tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko dahilan para bumangon muna ako at lumabas ng kwarto. Tumikhim ako at saka naramdaman ang sakit sa aking lalamunan pagkatapos ng ilang pagkalunok. Huwag naman sana akong magkaubo. Huminga ako nang malalim at naglakad sa madilim na pasilyo. Naglakad ako pababa ng hagdan at napatingin sa kabilang parte ng bahay kung saan makikita ang malawak na kwarto kung saan galing si Sasha kanina. May kaunting ilaw akong naaaninag galing do'n kaya baka nakauwi at nagpapahinga na ang amo ko. Sinikap kong maglakad ng tahimik at dumiretso sa kusina. Kumuha lamang ako ng baso sa cabinet at maingat na nagsalin ng tubig mula sa water dispenser nang maramdaman ang pagpasok ng kung sino galing sa

