NAKARATING kami sa isang marangyang hotel. Nakaawang ang labi ko habang naglalakad kami papuntang front desk. Hindi ko maiwasang hindi iikot ang paningin ko sa lugar na 'to. Halos lahat yata ng bagay na narito ay mamahalin, lalo na ang malaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng ceiling. Tila ba libu-libong diamante ang nakakabit doon at kumikislap nang pagkaganda-ganda.
"Elle, come with me." utos ng pamilyar na boses.
Lilingunin ko sana siya kaya lang ay nahawakan na niya ako sa aking beywang. Nakalitaw ang likod ko sa suot na dress kaya naman ramdam ko ang init ng kanyang palad sa aking balat. Lumunok ako at hindi na lamang inintindi ang naramdaman.
Teka nga. Bakit nga ba kami narito?
Gustuhin ko mang magtanong ay parang walang boses ang lalamunan ko. Sumabay na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob no'n kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.
Sa totoo lang ay ang lakas ng t***k ng puso ko sa mga oras na ito, tila ba lalabas na ito sa lalamunan ko anumang oras. Huminga ako nang malalim at yumuko na lamang.
Ilang saglit lang din ay bumukas na ang pinto ng elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Bumaba ang kamay niya sa aking braso pababa sa aking palad. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila palabas sa elevator. Naglakad kami sa mahabang pasilyo at huminto lamang sa tamang pinto ng kwarto na binayaran niya.
Gamit ang key card ay bumukas agad ang pinto. May nilagay pa siyang isang card sa isang power switch kaya bumukas lahat ng ilaw. Pumasok siya at hinila ako papasok sa loob pagkatapos ay ni-lock na niya ang pinto.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi mapakali dahil puno ng mga katanungan ang isip ko.
Naglakad siya sa pinakaloob samantalang para akong tuod sa kinatatayuan ko. Mula rito ay alam kong napakaganda ng kwarto. Mayroon ding maliit na sala set at may malaking glass window sa dulo kung saan kita ang buong siyudad.
Kung normal na araw at napadpad ako sa ganitong lugar ay paniguradong maglilikot na ang mga mata ko at matutuwa, pero dahil hindi normal ang sitwasyon ko at may kasama pa akong isang lalaki sa kwartong 'to ay hindi ko na alam kung paano pa lalaban ang matinding kaba.
Tumayo siya sa harap ng glass window. Nakatalikod siya sa akin pero kita ko ang repleksiyon niya sa malinaw na bintana.
"G-Gusto ko na po sanang umuwi," saad ko sa mahinang boses.
Nilingon niya ako. Agad naman akong napayuko dahil hindi ko yata kakayaning makipagtitigan sa kanya ngayon na nasa iisa kaming kwarto.
"Kung hindi ako dumating, ano pa kayang nagawa ninyo ni Lance, hmm?" kuryoso niyang saad ngunit nahimigan ko rin ang kakaibang galit sa kanyang boses.
"Sir, k-kung ano man po ang gawin ko sa trabaho ko, wala na po kayo ro'n. . ." tugon ko, hindi pa rin nakabaling ang tingin sa kanya.
"Pero sabi mo ayaw mong maging escort," nanunuya niyang sambit at nagpakawala ng sarkastikong tawa. "Gusto mo si Lance?"
"Hindi po, sir. . ." Napapikit ako at kinagat ang ibabang labim
Bakit ba kami nag-uusap nang ganito? Unti-unting bumabangon ang inis sa dibdib ko. Para akong sinasala sa isang interogasyon na kung hindi ako sasagot nang maayos ay may kakalagyan ako.
Sino nga siya para gawin sa akin 'to?
Hindi ko nga siya kilala. . .
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
"Kung gano'n ay bakit ka magpapahalik?"
"Bakit ba ang dami niyo pong tanong?" Hindi ko na napigilan ang iritasyon na nararamdaman ko.
Galit ko itong tiningnan sa mga mata. Kita ko ang pagdidilim ng emosyon sa mga mata niya pero hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinang-gagalaiti niya.
"Bakit hindi mo masagot?" Naging bakas ang paghahamon sa kanyang mukha.
"Kailangan ko bang sagutin?" matapang kong tanong at pagkatapos ay naglakad palapit sa kanya. "Kung anuman po ang gawin ko habang nasa trabaho ako, wala na po dapat kayong pakialam do'n. Hindi ko po kayo tatay o kapatid para pagalitan ako. . ."
"Elle, hindi mo kilala si Lance—"
Sarkastiko akong tumawa.
"Hindi rin naman kita kilala, sir!" hasik ko sa kanya. "Pinagbigyan nga kitang halikan ako. . . Na hawakan ang katawan ko. Bakit ko naman pahihindian ang isang halik kay Lance kung malaki naman ang perang kapalit no'n?"
"Elle Calys Saavedra!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Agad na kumunot ang noo ko dahil do'n. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko?
Hindi ko nga siya kilala!
"At nag-abala ka pang kilalanin ako?" mapait akong ngumiti. "Ni hindi nga kita kilala. Anong karapatan mo para tawagin ako sa totoo kong pangalan?"
"So, you will do anything to earn the money you need, huh? Ibibigay mo ang katawan mo?"
"Mali ang iniisip mo. . ."
"Oh, f**k! Don't get me wrong, okay?" Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa mukha. "Nag-aalala lang ako dahil hindi mo kilala si Lance. He will do anything to get you once—"
"Ah, parang ikaw?" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. "Pumayag lang akong magpahalik sa 'yo pagkatapos ay sinamantala mo na ang katawan ko." Umiling ako at nandidiri siyang binigyan ng tingin. "Pero dahil hindi kita napatapos ay sa ibang babae ka maghahanap ng aliw, tama ba ako? Kaya nakipagtalik ka na lang sa iba habang nasa bar, Mr. Zendejas? Hindi ko maintindihan ang ugali mo sa totoo lang, eh. Ito na ba 'yong ibig mong sabihin na babayaran mo ako nang mas malaking halaga kapag hinayaan kitang makita ako?" sunod-sunod kong pahayag sa kanya.
Saglit kong nakita ang pagkagulat sa mga mata niya pero agad na naglaho ang emosyon na 'yon at napalitan na naman ng inis. Bumilis ang bawat paghinga ko. Ako na yata ang highblood ngayon dahil hindi ko na siya maintindihan!
"Elle, look—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinuraan siya sa mukha.
Disgusto at galit. . . iyan ang dalawang matinding emosyon na kumakain sa akin ngayon. Isinantabi ko na ang kaba dahil hindi ko naman dapat 'yon maramdaman sa kanya.
Una sa lahat, mababa ang tingin niya sa akin kaya dapat ay lumaban ako. . .
Pangalawa, hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya hahayaang pagalitan ako o pangaralan dahil madumi rin naman siyang tao!
Bumalik sa isip ko ang eksenang nakita ko kagabi. Kung paano siya nakipagtalik sa iba habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong nagpuyos sa galit!
"Mas marumi ka sa akin, sir. Ang kapal ng mukha mong humarap sa akin pagkatapos kitang makitang nakikipagtalik sa iba kagabi? Hindi ka ba marunong mahiya? Sabihin mo nga! Hindi ka ba nakuntento sa babae mo kaya ako naman ang ikakama mo—"
Hindi ko na naipagpatuloy ang mga sasabihin ko nang siilin niya ako ng halik.
Nabigla ako sa ginawa niyang 'yon pero agad ding nakabawi. Ramdam ko ang nabuong kaba sa dibdib ko kaya naman pilit ko siyang tinulak palayo sa akin. Mabilis niyang nahawakan ang mga kamay ko at pinirmi ang mga 'yon sa kanyang dibdib habang ang isang kamay ay humawak sa beywang ko para hindi ko makawala.
Sinubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas. Marahas ang bawat halik niya at halos malasahan ko ang dugo sa aking labi.
"A-Ano ba. . .T-Tama na!" Ni hindi ko matapos ang pagsasalita ko dahil pilit niyang binuksan ang labi ko hanggang sa maramdaman ko ang dila niya na lumilibot sa loob ng aking bibig.
Sumuko ang katawan ko sa panlalaban at unti-unting naramdaman ang init na hatid ng bawat halik niya. Nanghina ang mga kamay ko, hindi na kayang manlaban pa.
Tanga na nga siguro ako dahil sa huli ay tinugunan ko ang halik niya. Tila ba naramdaman niya ang pagpapaubaya ng katawan ko kaya naman ay binitiwan na niya ang mga kamay ko. . . Hanggang sa bumagal ang bawat paghalik. Mula sa pagiging marahas ay naging marahan at mapang-akit ang mga sunod na paglalapat ng aming mga labi. . . mas lalong nakakabaliw at nakakasabik.
Naramdaman ko ang isa niyang kamay sa aking pisngi habang ang isa ay nagpatuloy sa paghagod sa aking likod. Bumaba ang labi niya sa aking panga. Mariin akong pumikit at dinama ang init na hatid no'n sa katawan ko hanggang sa bumaba pa ang labi niya sa aking leeg.
Umawang ang labi ko at bahagyang tinagilid ang aking ulo para mas mahalikan pa niya ako sa gawing 'yon. Sa bawat mumunting halik na ginagawad niya sa aking balat ay para akong nililiyaban. . . Humawak ako sa kanyang braso at nagpakawala ng mahinang pagdaing nang maramdaman ang isa niyang kamay sa aking pang-upo.
Marahan ang bawat haplos. . . pababa. . . tila ba may isang parte sa akin na inaasar. . .
Binibitin. . .
Mas lalo akong nakaramdam nang matinding sensasyon nang hawiin niya ang strap ng suot kong dress. Pinaulanan niya ng halik ang aking balikat. Mabilis ang bawat paghinga ko, naiinip pero pinipiling magtimpi.
Hindi ko na mahagilap ang ulirat ko. Gustuhin ko mang itulak siya ay hindi ko magawa. May kung ano'ng demonyo ang nagkukunsinti sa ginagawa ko. . .
Tumigil siya sa ginagawa at binalingan ako ng tingin. Halos sabay ang paghinga namin. Kita ko ang intensidad ng kung anong emosyon sa kanyang mga mata.
Animo'y nakapintang pagnanasa na alam kong kita rin sa mga mata ko sa sandaling 'to.
Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ko ngunit sinalubong ko na lamang ang labi niya. Sunod kong naramdaman ang pagbuhat niya sa akin. Awtomatikong pumulupot ang mga hita ko sa kanyang beywang.
Mapupusok na halik ang pinagsaluhan namin. Namalayan ko ang paglakad niya papuntang kama. Dahan-dahan niya akong inihiga roon. Halos mapaungol ako nang maglakbay ang kamay niya sa pribadong parte ng katawan ko.
"If you are unsure about this, go ahead and say no." bulong niya sa akin habang patuloy na hinahaplos ang p********e ko.
Napadaing ako sa init na hatid no'n sa katawan ko. Ni hindi ko napansin na titig na titig siya sa akin at naghihintay ng sagot.
Lumunok ako at pinulupot ang mga kamay sa kanyang batok. Umiling lamang ako at hinila siya para sa isa pang mainit na halik.