Chapter 10

2371 Words
PANIBAGONG gabi ang lakas-loob kong hinarap. Suot ang kulay silver na sequin bodycon dress at stilleto heels ay naglakad ako papasok ng bar. Tila ba nagsisimula na akong masanay sa pamilyar na amoy ng usok, alak at s*x sa mismong lugar na 'to. Dumiretso ako sa counter at nakita ro'n si Bart. Binati ko siya at nginitian. "Para sa 'yo 'to dahil matapang ka," ani Bart at binigyan ako ng cocktail drink. "Nasaan pala ang tiyahin mo?" "Mali-late lang daw siya at masama ang lagay ng puson," sagot ko at ngumisi nang maalala kung paanong mag-tantrums si auntie Levi dahil sa kanyang dysmenorrhea. "Gano'n ba? E, sinong mag-aasikaso sa 'yo niyan?" "Ako na raw muna ang bahala kung saan ako magti-table." Ininom ko ang cocktail drink na binigay niya sa akin. "Syempre kung sino ang mukhang may pera, do'n ako tatabi." "Mag-iingat ka at baka mabastos ka na naman." paalala pa ni Bart. "Salamat, Bart." Iniikot ko ang tingin sa paligid ko— simula sa stage kung saan may mga nagsasayaw na mga babae, sa mga VIP tables sa harapan mismo ng stage pati na rin sa itaas kung saan ang second floor. Naagaw ng isang pamilyar na mukha ang atensyon ko. Isang lalaki na nakaupo sa isa sa mga table sa second floor malapit sa railings. "Magtatrabaho na ako, Bart." Paalam ko sa kaibigan ni auntie habang hindi inaalis ang paningin sa pamilyar na lalaki. "Sige, bumalik ka rito kapag tapos ka na at baka kung sinu-sino pa ang bumastos sa 'yo." Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya. Naglakad ako papuntang hagdan at inakyat 'yon. May mga bumabati sa aking mga lalaki at tila ba gusto pang magpakilala pero hindi ko sila pinaunlakan. Isa lang ang nasa isip ko. 'Yon ay ang kumita ng pera ngayong gabi kaya naman tinatagan ko ang loob ko. Nang makaakyat sa second floor ay huminga ako nang malalim. Tumikhim ako at hinanda ang aking sarili bago nagsimulang maglakad palapit sa table kung saan nakaupo ang pamilyar na lalaki. Mag-isa lamang ito samantalang isang bucket ng beer naman ang nasa mesa niya. Nasaan kaya ang mga kaibigan niya? Nakuha ko ang atensyon niya nang makalapit ako sa table. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harapan niya at sinubukan siyang ngitian. "Hello, Lance," bati ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero agad din namang napangisi lalo na nang bumaba ang mga mata niya sa aking dibdib. "Calys. . ." nangingiti nitong tawag sa pangalan ko pagkatapos ay binasa ang ibabang labi. "Mag-isa ka lang?" kuryoso kong tanong. "Huwag mo nang hanapin ang wala rito." Binuksan niya ang isang beer at nilapag sa harapan ko. "You have three options since you've decided to join me in this table. First, you'll drink with me and I'll pay you. Second, you'll let me kiss you and I'll pay you with a bigger amount. Third, you'll let me taste you and I'll make you rich. Pili ka sa tatlo. . ." Nabigla ako sa sinabi niya. Halatang walang pag-aalinlangan sa asta nitong ni Lance. Palibhasa ay mayaman kaya ganito kung gumalaw. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring ngumiti sa kanya sa kabila ng mga offer niyang hindi ko nagustuhan. "Wala bang nagpapasaya sa 'yo kaya ganyan ka na lamang kadesperadong ma-kama ako?" lakas loob kong tanong sa kanya. Umawang ang labi nito. Tila ba nakalabit ko ang isang bagay na hindi dapat. Lumunok ako at mas pinatatag pa ang sarili. Inabot ko ang alak sa aking harapan at ininuman iyon. "Kung hahalikan kita ngayon, magkano ang ibabayad mo?" matapang kong tanong sa kanya. Kumurap ito ng ilang beses, animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Fi-fifty thousand pesos. Is that enough?" "Sapat na para sa isang halik," sambit ko at marahang tumango. Mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba pero nagawa ko pa ring tumayo para matabihan siya. Nanginginig ang kamay ko nang iangat ko 'yon para haplusin ang pisngi niya. Dahan-dahan kong nilapit ang sarili ko sa lalaki para ibigay ang nais niya, kahit na ba katakut-takot na insulto ang napala ko sa kanya noong isang gabi. Kaya mo 'to, Elle. Para sa pera. . . Ipinikit ko ang mga mata ko at handa na sa susunod na mangyayari nang may marahas na kamay ang humila sa braso ko patayo mula sa kinauupuan ko. Sa gulat ay napamura nang malutong si Lance. Ako naman ay napangiwi sa hapdi nang pagkakahawak sa akin ng kung sino. "A-ano ba!" Halos sumigaw ako ngunit nang lingunin ko ang may-ari ng kamay na 'yon ay biglang nanginig ang mga tuhod ko sa takot. "What do you think you're doing?" malalim at galit ang boses niya nang itanong sa akin 'yon. Umawang ang labi ko. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko mahagilap ang sasabihin ko. Lumalagabog ang puso ko habang patuloy ang paninitig niya sa akin. "What the f**k, Zendejas? Ako ang customer ni Calys!" naiinis na sigaw ni Lance pero hindi man lang natinag ang kaibigan niya. "A-aray. . . N-nasasaktan ako!" Sinubukan kong agawin ang braso ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya sa huli ay nabigo lamang ako. "Bayad na siya, Lance. Akin siya. . ." saad nito saka ako hinila palayo sa kaibigan. "Anong pinagsasabi mo?" Hasik ni Lance. Galit at inis ang namayani sa boses nito habang pinagmamasdan ang kaibigan. Hinila ako no'ng Zendejas patungo sa kanyang likod. Nakita ko ang lalong pagdidilim ng paningin niya kay Lance. Mariing nakaigting ang panga at nanggigigil ang labi. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa emosyong nakikita ko sa kanya. "Tanungin mo si Levi nang malaman mo ang sinasabi ko," tugon ng lalaking nakahawak pa rin sa aking braso at pagkatapos ay tinalikuran ang kaibigan. Mas lalo akong kinabahan nang hinatak niya na lamang ako pababa sa first floor. "Teka! T-Teka lang sabi!" awat at pagpupumiglas ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag sa paghila sa akin. Mabuti na lamang ay tumatabi ang mga tao sa hagdan kaya hindi ako natatapilok habang binabaybay namin ito pababa kaya lang ay ramdam ko naman ang hapdi sa braso ko dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa akin. "Bart! Bart!" tawag ko sa lalaking nasa counter nang madaanan namin ito pero huli na nang balingan niya ako ng tingin. Nakalagpas na kami sa counter at patungo na ng exit door. Sa huli ay wala na akong nagawa at hinayaan na lang siyang kaladkarin ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binitiwan niya lamang ako nang nasa harap na kami ng isang magarang kotse. May pinindot siya sa kanyang kamay at sa isang iglap ay bumukas ang itaas na bahagi ng kanyang sasakyan, hanggang sa tumupi iyon sa likod at makita ang pinakagitna pati na rin ang mga upuan sa loob. Ngayon lang ako nakakita ng isang convertible car kaya naman napatitig pa ako roon. Nanumbalik lang ako sa realidad nang buksan niya ang shotgun seat para sa akin. Tinitigan ko siya. Bakas pa rin ang iritasyon sa kanyang mukha para sa kung ano na hindi ko alam. Kunot ang kanyang noo at halos magsalubong ang makakapal na mga kilay. "Ano po ba 'tong ginagawa niyo? May trabaho pa po ako!" singhal ko sa kanya dahil na rin sa inis. Minasahe ko ang braso kong namumula dahil sa mahigpit niyang pagkahawak sa akin. Ni hindi ko nga siya kilala para gawin ang bagay na 'to! "Did you become an escort now?" Nahimigan ko ang disgusto sa boses niya. "Ilang beses ko po ba dapat na sagutin 'yan? Hindi nga po ako escort!" naiirita kong sagot sa kanya at tinapunan siya ng galit na tingin. "Ano po bang karapatan niyo para hatakin ako rito? Entertainer lang ako at hindi escort na basta niyo na lang kakaladkarin kapag gusto niyo!" "Pero magpapahalik ka kung tipo mo? Gusto mo ba si Lance?" May bahid pa rin ng iritasyon ang boses niya. "Sir, wala po kayong pakialam sa trabaho ko at sa kung ano ang gusto kong gawin sa customer ko. . ." mariin kong sabi. Halos magtagis ang mga ngipin ko dahil sa inis. Hindi ko gusto ang pag-uusap na 'to. Parang kagabi lang ay ngingisi-ngisi siya sa akin na akala mo ay walang ginawang kababalaghan sa kwarto kasama ang isang babae. Ngayon naman ay para siyang hina-highblood sa galit. Bakit? Dahil gusto kong halikan si Lance? Iba naman ang gusto sa kailangan. . . Mas lalo pa yatang nagdilim ang paningin niya dahil sa sagot ko. Nag-igting lalo ang kanyang panga at halos mamula ang mga tainga. "You said you only want to be an entertainer because you despise what the escort should do yet you also want to be kissed by a maniac. For what reason, Elle?" mariin niyang pahayag habang nakatitig sa akin. Umawang ang labi ko, magsasalita sana kaya lang ay hindi ko mahagilap ang mga tamang salita na dapat kong sabihin. Suminghap ako at umiling. Sa huli ay nakunsensya ako para sa isang bagay na tumakbo sa isip ko kaya ko nagagawa ang ganitong klaseng gawain. Dahil sa pera. . . "Is it because of money?" tanong niyang muli na para bang nabasa niya ang sagot sa mga mata ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko na alam kung ano ang uunahing patayin. Ang kaba ba na kumakain sa akin dahil heto't kaharap ko na naman siya at galit pa siya sa akin, o ang libu-libong karayom na tumutusok sa puso ko dahil naiparamdam na naman niya sa akin kung paano ako nagpakababa para lang sa pera. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. Pinisil nito ang itaas ng kanyang ilong at saka nagpakawala nang malulutong na mura. "Hop in, Elle." utos niya sa akin sa malalim na boses. Mabilis akong umiling. "Bakit naman po ako sasama sa 'yo gayong hindi nga kita kilala?" "You don't know Lance that much too but you still allow him to kiss you, right? Ano ang pinagkaiba no'n sa pagsama mo sa akin?" mapait niyang wika. "At least alam ko ang pangalan niya!" pagtataas ko na naman ng boses. "Eh, ikaw? Hindi kita kilala." "You want to know me? Then ride in my f*****g car and I will introduce myself to you," aniya at humalukipkip habang naghihintay sa pagsakay ko sa kanyang kotse. Sinubukan kong makipagmatigasan sa tingin ngunit tila ba mas nanghihina pa ako sa tuwing napapatagal ang tingin ko sa kanya. Nakakainis na sa bawat pagtatama ng mga mata namin ay para akong kandilang nauupos. Hindi ko siya kayang sabayan ng tingin at hindi ko maintindihan kung bakit! "Saan mo ba ako dadalhin?" lakas-loob kong tanong kahit na dinadaga na ang dibdib ko. "Just get inside the car and you'll know," saad niya, halatang nagtitimpi pa rin. Bumuntonghininga na lamang ako at bahagyang ginulo ang buhok dahil sa inis. Mabibigat ang mga paa ko nang maglakad ako palapit sa shotgun seat at inis na pumasok na lamang doon dahil ayaw ko nang makipagtalo. Napalunok ako nang yumuko siya sa akin para kabitan ako ng seatbelt. Halos hindi ako makahinga lalo na at mas nakita ko sa malapitan ang makinis niyang mukha. Pati ang hininga niya ay nakakaakit. Pinaghalong mint flavor at ang amoy ng aftershave. Saglit siyang sumulyap sa akin pero simangot pa rin ang mukha nito. Pagkatapos akong kabitan ng seatbelt ay sinarado na niya ang pinto sa gilid ko. Hindi ko tuloy maiwasan na sundan siya ng tingin. Umikot ito at umupo sa driver seat. Ilang saglit lang din ay umandar na ang sasakyan paalis sa bar na 'yon. Sa totoo lang ay puno ng katanungan ang isip ko. Bakit ba niya ito ginagawa? Saan niya ako dadalhin? At bakit ba galit na galit siya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Siya nga 'tong may ginawang masama kung tutuusin! Naalala ko kung ano ang eksenang natagpuan ko kagabi. Kung paano siya gumalaw at paligayahin 'yong babae habang nasa kama sila. . . Kung paano niya isiksik sa strap ng suot kong dress ang perang bayad sa akin at kung paano niya ako kaladkarin palabas ng bar. Ngayon na nahimay ko ang mga rason para magalit sa kanya, mas lalong nagpuyos ang damdamin ko. Ano ang karapatan niya para gawin sa akin ang mga 'yon? Dahil ba sa bar ako nagtatrabaho at nagbibigay ng katiting na aliw kaya sa tingin niya ay pwede na niya akong hawakan sa leeg? Gano'n ba talaga ang mga taga Maynila at mayayaman? Gayunpaman, hindi ko pa rin maiwasang hindi siya tingnan. Mas lalo pa yata itong gumwapo sa suot na itim na long sleeves— ang mga manggas ay nakatupi hanggang braso, kulay itim na pantalon at mamahaling sapatos. Gumawi ang tingin ko sa kanyang braso. Depina ang mga ugat na animo'y perpektong nakaukit doon. May suot din siyang mamahaling relo at parang modelo habang seryosong nagmamaneho. Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Kumpara sa pilyong emosyon na nakita ko sa kanya kagabi, seryoso at maldito naman ang dating ng aura niya ngayon. Nakasimangot at tikom ang mapupulang labi. Diretso ang mga mata sa daan pero halatang may malalim na iniisip. Parang isang babaeng nag-iiba ng mood dahil may buwanang dalaw. Hindi ako mahilig magmaldita pero sa unang pagkakataon ay napairap ako, pilit na tinatakwil ang pagkamangha sa lalaking 'to dahil hindi ko pwedeng kalimutan na may kasalanan siya sa akin. Ramdam ko ang lamig sa aking balat nang tumulin ang pagmamaneho niya. Mas naging marahas ang hangin lalo na't walang takip ang itaas ng kotse. Maganda nga ang kotse na 'to kaya lang ay mamamatay naman ako sa lamig! Niyakap ko ang aking sarili at bahagyang kinuskos ang mga palad ko sa aking mga braso. Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko 'yon pinaunlakan. "I'm sorry," sambit niya sa nangungusap na tono. May pinindot siya sa gilid ng steering wheel dahilan para gumalaw ang nakatuping parte ng kotse mula sa likuran hanggang sa magsilbi ulit itong cover o bubong. Manghang-mangha ako sa makabagong uri ng kotse na katulad nito. Siguro ay sobrang mahal ng bili niya sa isang 'to. "S-Salamat. . ." tanging nasabi ko at nanahimik na lamang sa kinauupuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD