Chapter 9

2372 Words
HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi. Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya. "Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal. "Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter. "Sige, salamat." Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo habang nakatingin sa hagdan ngunit pinilit ko pa rin. Napapakapit ako sa pader at kung minsan sa mga customers na naroon para lamang makausad. May ilan pang humihila sa akin at nagpapakilala pero pasalamat na lamang ako at may lakas pa rin ako para tumanggi. Hanggang sa nakarating ako ng buo sa second floor. Tumingin ako sa kaliwa at sa kanang pasilyo. Bahagyang naningkit ang mga mata ko. Humawak ako sa sintido ko at nag-isip. Saan nga ba 'yong opisina ng boss? Hindi ko na agad maalala ang sinabi ni Bart. Nahirapan pa akong mag-isip dahil nagsimula na ang nakakabinging musika ng bar. "Sa kaliwa yata 'yon e. . ." kausap ko sa sarili ko at naglakad papuntang kaliwang pasilyo. Dahan-dahan ang paglalakad ko dahil madilim ang pasilyo. Tanging ang mga ilaw lang na animo'y lampara ang nakasindi sa mga gilid ng bawat pintong nadaraan ko. Napaisip ako kung para saan ang mga kwarto rito. Mistulang hotel ang itsura kung wala lang akong naririnig na hiyawan at musika sa baba. Napangiti ako sa isipin na baka dito gumagawa ng milagro ang mga customers at escorts na binibili nila. Magkano kaya ang bayaran sa gano'n? "Baliw. . . Baliw ka, Elle. . ." Sinampal-sampal ko ang pisngi ko para alisin sa utak ko ang katanungang 'yon. Hindi dapat ako maging interesado sa pinakamaruming trabaho. Hindi dapat ako maging interesado sa pagbibigay ng aliw gamit ang sariling laman. Huminga ako nang malalim at kumurap ulit ng isang beses. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ang dulong pinto na marahil ay ang opisinang sinasabi ni Bart. "Sabi ko na rito 'yon, e!" sambit ko pa at nagmadali sa paglalakad. Bukas ang pinto kaya hindi na ako nag-atubiling pumasok. "Aun—" Natigil ako at napatingin sa animo'y sala na bumungad sa akin. "Ay, walang tao?" Hindi ba rito ang opisinang sinabi ni Bart? Kung gano'n ay nasaan ang auntie Levi ko? Napakamot ako sa aking kilay at nagkibit-balikat. Baka mali ako ng dinig at sa kabila pala dapat? Tumalikod ako at akmang lalabas nang may marinig na lagabog sa kanang pinto sa gilid ng mistulang sala. Nilingon ko iyon dahil doon nanggaling ang ingay. Lumunok ako. Nagdadalawang isip kung lalapit ba roon o ano. Naulit pa ang lagabog kaya naman kuryoso na akong lumapit nang dahan-dahan sa may pinto. Transparent ang kalahati ng pinto kaya naman nakita ko agad ang loob nang tumayo ako sa harapan no'n. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita roon ang isang babae at lalaking nagtatalik. . . Tila ba nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang dalawa sa isang kama. Nasa ibabaw ang hubad na babae at mabilis na gumagalaw habang ang lalaki naman ay nakahiga at hawak ang pang-upo ng kasama. Rinig ko mula sa kinatatayuan ko ang bawat pagdaing ng babae pati na rin no'ng lalaki. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa nakikita. Kung gano'n ay tama nga ang hinala ko! Ang mga kwarto rito ay ginagawang parausan ng mga customers namin! Nakakadiri. . . Iyon lamang ang tanging naisip ko. Umiling ako at akmang aalis na nang maabutang ang pagbangon no'ng lalaki. Nalaglag na lamang ang panga ko nang makilala ang lalaki na ngayo'y sumabunot sa buhok no'ng babae at tila ba sarap na sarap sa bawat parehong paggalaw nila. Napaatras ako at hindi makapaniwala sa nakikita. Ganito ba siyang klase ng lalaki? Bawat babae ba rito ay ginagalaw niya? Mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung ano'ng dapat maramdaman dahil sa nakikita ko ngayon. Ang bigat ng dibdib ko habang iniisip na pinaglaruan niya nga lang talaga ko. Elle, umalis ka na. . . Suminghap ako at sa hindi ko mapaliwanag na dahilan ay para akong nasaktan. Nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. Sinimulan niyang halikan ang leeg ng babae habang diretso ang mga matang nakatitig sa akin. . . Paano mo ako natitingnan ng ganyan, Zendejas? Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makipagtitigan sa kanya. Ako, na narito sa labas ng kwarto at nakikita ang lahat. Siya, na hayuk na hayuk sa paghalik sa leeg ng babaeng kasama sa kama habang nakatingin sa akin. Suminghap ako at pinilit na umiwas ng tingin. Ni minsan ay hindi ko inakala na makakakita ako ng ganito. Panlalamig at kaba. . . Iyon lamang ang nararamdaman ko sa ngayon. Lumunok ako at nanginginig na naglakad palabas ng kwarto. Saka palang akong nakahinga ng maayos nang makalabas ako sa kwartong 'yon. Diretso at nagmamadali ang lakad ko habang nasa gitna ng pasilyo. Hinihingal pa ako nang makababa ako sa first floor at makabalik sa counter. "Oh, bakit namumutla ka?" nag-aalalang taong ni Bart sa akin nang maupo ako sa upuang naro'n. "Bart, p-pwedeng pahingi ng alak?" nauutal kong saad at hinilamos ang mga palad sa aking mukha. "Ano bang nangyari sa 'yong bata ka?" tanong pa niya pero ilang segundo lang ay narinig ko ang paglapag ng baso ng alak sa harapan ko. Bumuntonghininga ako at inayos ang aking sarili. Kinuha ko ang alak at mabilis 'yong ininom. Ramdam ko ang init na dulot no'n sa lalamunan ko, pababa hanggang tiyan. Agad akong napangiwi sa pait at tapang nito. "Isa pa, Bart. . ." pakiusap ko at saka huminga nang malalim. Kunot ang noo ni Bart habang pinapanood ako pero pinabayaan ko lamang 'yon. Isang bagay lang ang gusto kong mangyari. Iyon ay ang makalimutan ang nakita ko kanina. Mariin akong pumikit at nilugay ang nakataling buhok. Dahil sa pagkabalisa ay hinawi ko gamit ang mga daliri ko ang aking buhok. "Wala ka pang customers. Huwag ka masyadong maglasing," ani Bart pero binigay pa rin sa akin ang panibagong baso ng alak. "Hindi ako naglalasing," tugon ko at kinuha agad ang baso para tunggain 'yon. Pumikit akong muli, sandaling nanalangin na sana ay makalimutan ko ang nakita ko pero parang pelikulang umuulit sa isip ko kung paano niya hinalikan 'yong babae. . . Kung paano niya 'to pinapaligaya sa bawat halik niya habang nakatingin sa akin. Humigpit ang hawak ko sa baso. Gano'ng klase pala siya ng lalaki? Gano'n siya katinik sa babae? Naalala ko ang nangyari sa amin kagabi. . . Isang bagay na lubos kong pinagsisihan. "I'm back!" masayang anunsyo ng pamilyar na boses ni Auntie Levi. Bumaling ako sa kanya pero agad ding nag-iwas ng tingin. Kung sana ay hindi ko siya hinahanap, wala sana akong nakita. Dapat nanatili na lang ako dito't naghintay! "Oh, anong nangyari sa pamangkin ko? Anong ginawa mo sa kanya, Bart? Bakit hindi maipinta ang mukha?" "Ako na naman ang nakita mo, Levicia. Nagtatrabaho ako nang matino rito. Ewan ko ba riyan kay Elle. Sinundan ka sa opisina ni boss pero ganyan na pagbalik dito." tugon ni Bart. "Huh?" Hinagilap ni auntie Levi ang mga mata ko kaya wala na akong nagawa kung hindi balingan siya ng tingin. "Hoy, anong inarte 'yan? Anong sinasabi ni Bart na sinundan mo ako? Tsismosa ka na?" "Hindi naman po ako nagawi sa opisina ng boss, auntie." tanging sagot ko at kinuha ang bagong alak na nilapag ni Bart sa harapan ko. Ininom ko ulit 'yon. "Elle, lasinggera ka na? Huli na 'yan, ah! Mamaya may mga big time customers tayong darating. Maghinay-hinay ka sa pag-inom at ikaw ang ti-table sa kanila!" Tumango ako at bumuntonghininga. "Opo, auntie. . ." wala sa wisyo kong sagot habang napapangiwi sa pait ng alak. "Oh, diyan ka muna ha? Hoy, Bart! Bantayan mo 'tong alaga ko. Bibisitahin ko mga escorts namin!" ani auntie at saka naglakad palayo sa amin. Ginulo ko ang buhok ko. Nagtatagis na ang bagang ko habang mariing napapapikit. Bakit ba hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina? Sa hindi ko malamang dahilan ay ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay napaglaruan ako. Para akong tanga. . . Dahil lang nahawakan at nahalikan ako? Ayaw ko nang nararamdaman ko ngayon at gusto ko 'yong mawala. Pera, Elle. . . Pera ang mahalaga. Huwag kang papayag na mauto ng kung sino. Kalimutan mo ang nakita mo dahil una sa lahat ay isa siyang estranghero! "So, it's you," anang pamilyar na boses. Agad na lumagabog ang dibdib ko dahil sa boses na 'yon. Huli na nang mapagtanto ko na tumabi siya sa akin dito sa counter. Tumingin ako sa kanya. Napaawang na lamang ang labi ko nang makitang titig na titig siya sa akin at may multong ngiti sa kanyang mga labi. Kita ko rin sa mga mata niya ang kapilyuhan. . . bagay na hindi ko nakita sa kanya kagabi. Nag-init ang mga pisngi ko. Mas lalo pa yata siyang gumwapo sa paningin ko. Dahil ba katatapos niya lang magparaos? Namumula ang mga pisngi niya pati na rin ang kanyang labi. . . Ang makasalanang labi na 'yan. . . Nag-iwas ako ng tingin. "Hey," marahan itong tumawa. "I'm sorry about what you've witnessed up there. I forgot to lock the door. You seem so flustered a while ago so I had to find you to apologize," pahayag pa niya na parang tuwang-tuwa pa sa nangyari. "I didn't mean to have s*x with my muse while someone is watching me to cum." "H-Hindi mo kailangang mag-sorry," saad ko pero hirap na hirap na ako dahil ang lapit niya sa akin. Para bang hindi ako makahinga lalo na at nakatitig siya sa akin. "W-Wala po 'yon. . ." "Alright, I think I just got worried for nothing." Tumawa na naman ito dahilan para balingan kong muli siya ng tingin. Namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Ngumiti ito nang malapad dahilan para lumitaw ang mapuputi nitong ngipin. Umawang ang labi ko nang mapansin ang dimples sa magkabilaang pisngi nito. Akala ko ay sa kaliwa lang siya mayro'n no'n o baka hindi ko lang napansin kagabi. "You're blushing, missy. Mas maganda ka pala sa malapitan," aniya at binasa ang ibabang labi. Napakurap ako at nag-iwas muli ng tingin. Ano bang pinagsasabi niya? Mas lalo akong kinakabahan! At nakakainis dahil wala akong kalaban-laban dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. . . sa amin. . . pati na rin 'yong nakita ko kanina! "Are you an escort?" makahulugan niyang tanong sa akin. Kumunot ang noo ko. Lasing ba siya? "Hindi po. Sinabi ko na kagabi, 'di ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tumaas ang isa niyang kilay at pagkatapos ay marahang tumawa. Umiling pa ito bago kausapin si Bart para mag-request ng dalawang alak. "You know what I like the most?" Nahimigan ko ang pang-aakit sa kanyang boses. Lumunok ako nang mas lumapit pa siya at tinapat ang labi sa aking tainga. Napasinghap ako sa ginawa niya pero sinubukan ko pa ring pakalmahin ang dibdib ko. "Interesting girl. Just like you, babe. . ." bulong niya sa akin sa napapaos niyang boses. "Here are the drinks, Mr. Zendejas." ani Bart at sunod kong narinig ang mga basong nilapag niya sa harapan namin. Naestatwa ako nang maramdaman ang paghalik niya sa pisngi ko. Pagkatapos ay bahagya siyang lumayo at nginisian ako na parang nang-aakit. Humugot ako ng hininga lalo na nang ilabas niya ang wallet sa suot niyang itim na leather jacket. Katulad kagabi ay marami rin siyang nilabas na pera mula ro'n. Naglapag siya ng apat na libo sa table samantalang ang natira naman ay sinuksok niya sa strap ng suot kong dress. Halos panawan ako ng ulirat sa ginawa niyang 'yon. Ni hindi ako makagalaw at napatulala na lamang sa kanya. "Let me see you again and I'll make sure to pay more," wika niya sa akin. Kinuha niya ang isang alak at ininom 'yon sa harapan ko. Nang maubos ang laman ay nilapag niya ang baso sa mesa at kinindatan pa ako. "I gotta go, missy, but this won't be the last time that I will see you," sambit niya bago tuluyang umalis sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa perang nilagay niya sa ilalim ng strap ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay mas lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Nanggigigil kong kinagat ang ibabang labi ko habang hindi mai-alis ang tingin sa maduming perang halos nasa dibdib ko na. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit siya pa ang nagpamukha sa akin na ganito ako kababa? Suminghap ako at naramdaman ang pagtutubig ng mga mata ko. "Mga mayayaman nga naman. . ." komento ni Bart. Tumingin ako sa kanya. Naiiling lamang ito habang nilalagay sa kaha ng pera ang bayad no'ng Zendejas. Bumaling ang mga mata niya sa akin. "Tatagan mo ang loob mo, Elle. Sa trabaho mo rito, hindi talaga maiiwasan na may bumastos sa 'yo. Manlaban ka kung kailangan," pahayag pa niya bago ako talikuran. Kinuyom ko ang kamay ko. Samu't-sari na ang emosyong kumakain sa akin pero isa lang ang nanaig sa isip ko. . . iyon ay ang katotohanan na mababa lamang ang tingin niya sa akin. Dahil ba sa nahawakan na niya ako kaya gano'n siya kung umasta sa akin? Tingin ba niya ay isa siyang hari na handa kong luhuran para sa pera? Pwes, nagkakamali siya. "Iyon na ang huli. . ." sambit ko at tinanggal ang pera sa aking strap. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hinding hindi ko tatanggapin ang binigay niya pero wala pa akong karapatang mag-inarte. Mas mahalaga sa akin ang makabayad ng utang at makaipon para makaalis sa lintik na impyernong 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD