MABIBIGAT ang mga talukap ng mga mata ko habang hinahayaan si Ma'am Eisha na ayusin ang aking buhok. Maaga pa lang ay nagpunta na siya rito sa bahay ng kapatid niya para tulungan ako sa pag-aayos. Katulad namin ni Eionn ay pupunta rin si Ma'am Eisha sa kasal ng kaibigan ng kuya niya at panigurado ay pupunta rin do'n ang isa pa nilang kapatid. Ang pasaway na 'yon. . . Sana lang ay hindi ko siya makita sa simbahan mamaya. Bumuntonghininga ako. Hanggang ngayon ay hati ang puso ko sa desisyong sumama kina Eionn sa kasal na 'yon. Hindi pa rin talaga mawala sa dibdib ko ang takot na baka mag-away na naman sila ni Lance nang dahil lang sa akin. Baka pagmulan pa nang pagkasira ng araw ni Brett at nang magiging asawa niya. "Elle, mukhang antok na antok ka. Hindi ka ba pinatulog ng kapatid ko ka

