HINDI ko na nasundan ang sunod na nangyari. Masyado akong nagulat sa nalaman ko na hindi ko man lang nagawang magsalita ng kahit na ano. Para bang bigla na lamang nagbara ang lalamunan at dibdib ko. Hindi ko alam kung paano pagtatagpi-tagpiin ang lahat. Higit sa lahat, masyadong binabaha ng mga katanungan ang isip ko. Napako ako sa aking kinatatayuan at tinitingnan lamang silang dalawa, pilit na pinoproseso sa isip ko ang katotohanang sumampal sa akin. “Why do you always come here whenever you’re drunk?” Halata ang iritasyon sa mukha ni Eionn nang daluhan ang kanyang kambal. Inakay niya ito patayo. Halos hindi makatayo ang kanyang kambal dahil sa sobrang kalasingan. Pinagmasdan ko itong mabuti. Ngumisi lamang ito sa akin habang namumungay ang mga tusong mata. “The bomb has finall

