Chapter 58

1401 Words

"ELLE. . ." tawag sa akin nang pamilyar na boses mula sa aming likuran. Awtomatikong nabitin ang paghinga ko dahil sa boses na 'yon ni Eionn. Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga nang malalim. Ni hindi ko siya magawang harapin man lang dahil mabigat ang emosyong kumakain sa akin. "I'm sorry I had to leave you for a moment. I just had to deal with something," dagdag pa niya. Nahimigan ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya dahilan para mapapikit ako nang mariin. "Ayos lang. Kasama ko naman si Ma'am Eisha," malamig kong sagot sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang gilid ko kaya mas lalong naghuramentado ang puso ko. Alam ko na nakatitig siya sa akin pero diretso lamang ang tingin ko sa platong nasa harap ko. "Are you mad at me?" tanong niya. "Hindi," tanging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD