GALIT kong pinagmasdan si Ehryl. Kita ko ang pagkatuso sa mga mata niya, na animo'y nagsasabi na wala akong laban at wala akong magagawa sa mga nangyari dahil kasalanan ko na nahulog ako sa kambal niya. . . Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib. Kinakain ako ng pagkabigo at gusto nang kumawala ng mga luha ko ngunit hindi ako papayag na makita nang lalaki na 'to kung gaano ako nasasaktan ngayon. "Masaya bang manakit ng tao, Ehryl?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Ngumisi ito. "Well, I am not hurting anyone but I guess, sometimes secrets could hurt you so bad, right Calys?" Nagtiim bagang ako. Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Isipin ko palang na tama si Ehryl ay nasasaktan na ako. Bakit nilihim sa akin ni Eionn ang tungkol kay Arlana? Bakit niya ako nagustuhan gayong may babae na

