Third person POV Sa loob nang kulungan walang kamalay-malay ang mga pulis na may mag-suicide. "Nagsisisi na ako naging kaibigan kita!" sigaw ni Seana sa loob ng kulungan. Nagwawala si Seana at naiinis sa sarili at sa namatay niyang kaibigan. Pinag-titinginan siya ng mga kapwa preso na nasa loob ng kulungan. "TUMAHIMIK KA NGA ANG INGAY-INGAY MO MAY NATUTULOG!" sigaw ng isang babaeng preso at mukhang leader. Lumingon si Seana sa nagsalita at tinignan niya nang masama ang babae. "ANONG PAKIALAM MO!? Wala kang pakialam." sigaw ni Seana ng tignan niya ang babaeng preso. "Ah, ganun-" galit na sigaw ng babaeng preso kay Seana. Biglang sinugod ng babae si Seana at nag-sabunutan silang dalawa nakatingin lang sa kanila ang kapwa preso ang iba ay nag-pupustahan pa kung sino ang mananalo sa

