Jinchi POV Makalipas ng ilang buwan masayang malaman ko na magkaka-anak ulit ako pero nalulungkot ako dahil wala na naman silang makikilalang ama. "Mom, bakit kami walang ama nakagisnan?" tanong ng anak kong lalaki nalaman nilang magkakaroon na sila ng kapatid. "Si dad, namatay sa aksidente parehas kay puppie pero sabi nyo ni tito Kech hindi aksidente ang dahilan ng kanilang pagkamatay, ano po 'yon?" tanong ng anak kong babae habang nasa nursery room kami ng bahay. "Naalala nyo ba si Sherylle? Ex ni tito Ash nyo." banggit ko naupo ako sa sofa at humawak sa tyan na may umbok na. "'Yong sabi nyo siya ang dahilan ng lahat kung bakit nawala din sina lolo at lola?" tanong ng anak kong babae. "'Yong babaeng binaril ni tito Ash dahil papatayin nito si tita Elle?" tanong ng anak kong lalaki

