AZ / Arthur Zaine POV Habang may inaasikaso ako narinig kong nag-uusap ang isang pasyente at kasama nito na nanonood sila ng TV. Dahilan para mapalingon ako sa kanila. Sino kaya ang tinutukoy nila? "Kawawa naman 'yong anak ng may-ari ng network ulila na siya ngayon," dinig kong sambit ng kasama ng pasyente. "Sinabi mo pa," sabat ng pasyente sa kasama niya. Nakinood na din ako sa television ng private room habang mino-monitor ko ang pasyente ko kumunot ang noo ko nang makilala ko ang dalawang matandang namatay. "Hindi nila malaman kung sa bangungot namatay o sa heart attack," nasambit ng kasama nang pasyente ko. "Matanda na rin tulad natin ganun talaga ang buhay," wika ng pasyente ko nginitian niya ako. "Ikaw ba, doc may girlfriend ka na?" tanong ng kasama nang pasyente ko. "Wala

