Louie POV Breaking news... Isang aksidente malapit sa Taft Ave. Ang isang kilalang doktor ay na-hit and run ng mabilis na sasakyan. Ang ambulansya agad na dumating at dinala sa Pilipinas General Hospital. "Ano ang tinitignan mo, babe?" tanong niya sa akin nnakita niyang nakatutok ang paningin ko sa TV. "Balita," sambit ko sa kanya at sumubo ulit ako ng pagkain. Masaya ba ako na wala na ang karibal ko o malungkot ako para sa kambal niyang anak dahil 'yong nararamdaman nila sa pagkawala ng magulang naramdaman ko noong nakaraang araw lang. Breaking news... Dr. Arthur Zaine Clayvin was in serious condition. He had many wounds on his body. "Ano?" gulat niyang sambit nang marinig ang pangalan ng doctor sa bibig ng reporter. Pinakita sa television ang aksidenteng nangyari sa doctor. "Si

