Eighteenth
Anak gusto kong dalawin si bianca namili ako ng mga fruits para sa kanila ng apo ko, magluluto rin ako para sa kanila. Ma diba po ehh pupunta naman sila sa bahay naten kapag okay na si bianca, oo nga anak pero hindi pa naman naten alam kung kailan sila makakapunta kaya nga gusto ko dalawin sila, masiglang sabi ni mama. Hay nako ikaw talaga ma, Okay sige po pupunta po tayo sa kanila bukas maghalfday nalang po ako sa work para maaga tayo makapunta kila bianca, talaga anak, yes po ma, tuwang tuwa si mama sa sinabi ko. Nakarating naman ako agad sa bahay nila bianca dahil maaga pa naman at wala pa gaanong traffic, saglit ako huminto at nagpark sa harap ng bahay nila, inayos ko muna ang sarili ko at ang mga pindalang prutas ni andrea at Ms.joy.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko agad si bianca na nasa garden nila at tahimik itong nagbabasa ng libro habang may hawak na mansanas, napaka ganda parin nito kahit buntis, hindi ko tuloy maiwasang huminto muna saglit at pagmasdan ito. mayamaya pa ay kinuha nito ang kanyang cellphone at saglit itong natahimik at walang imik kaya nagpasya na akong lumapit dito. Hi honey how are you, kamusta kayo ni baby , Okay lang kami honey. at sabay yakap nito sa akin habang umiiyak, honey what's wrong why are you crying did i say something wrong or did i do something wrong? Tell me honey please, No honey wala naman problema namiss lang talaga kita kaya ako naiyak, tears of joy lang ito, ang higpit ng yakap nito sa akin at ramdam kong meron itong iniiisp na mabigat.
Bianca
Honey pwede bang dito ka nalang palage gusto kitang makita araw araw, Okay honey kung gusto mo ehh araw araw na akong uuwi dito after work. Talaga honey? yeah 101% sure na sure game kana ba? At sabay tawa nito ng malakas dahilan para mapatakbo si mama sa amin, Anak bianca anong nangyari!! Good Evening po mama at sabay mano nito kaya mama, ikaw palang ijo kanina ka pa ba diyan, Ahh opo mama at sabay ngiti nito kay mama, akala ko kung ano na nangyari kay bianca kaya napatakbo agad ako dito. Ohh siya halika na kayong dalawa sa loob para makakain na tayo, nagtext si papa mo gagabihin daw siya ngayon ng uwi, okay sige po mama, tara na honey.
Habang kumakain kami ay kinausap ni nico si mama, Ma nga po pala nagbabalak po kase si mommy na dumalaw sa inyo bukas after lunch okay lang po ba? Aba ijo oo naman welcome na welcome naman kayo dito sa bahay lalo na ngayon magiging isang pamilya na tayo, maghahanda kami bukas tamang tama gusto ni bianca ng pizza at balak namin gumawa nun, mukhang pizza ang pinaglilihian nitong si bianca, Ahh oo nga po mama naalala ko nung bumili ako ng pizza kaya pala takang taka ako isa palang nakakain ko pero sya naubos na agad niya ang isang box, kaya pala honey yun pala yun naglilihi kana pala nun at hanggang ngayon, honey bukas bibili ako ng pizza para sa inyo ni baby, talaga honey? tuwang tuwa ako sa sinabing iyon ni nico, Yes of course honey kahit ilang box pa ng pizza ang gusto mo ibibigay ko sayo ayokong magutom ka lalo na ang ating baby bunso, At sabay himas at halik nito sa tiyan ko.
Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil unti unting nagiging maayos ang lahat sa amin nico kahit na alam ko at ramdam ko na hindi ako gusto ng kanyang ama, pero sisikapin ko parin na maging okay ang lahat at sana maayos ito, kahit na may mabigat akong pinagdadaanan ngayon at hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging safe ng anak ko at ng pamilya ko. ilang araw narin si bianca nakakatanggap ng mga mensahe ng pagbabanta sa buhay nila ng anak niya at ng pamilya niya, kahit na may kutob siya kung sino yun ehh hindi niya magawang isumbong iyon dahil wala siyang sapat na ebidensya. Hndi rin nyang magawang sabihin ito kay nico dahil alam niyang may mabigat itong problema sa kumpanya at sa daddy niya na hanggang ngayon ay hindi parin nalulutas, at hndi rin niya masabi sa mga magulang niya dahil alam niyang nerbiyosa ang mama niya at ang papa niya ay siguradong pagsasabihan agad si nico.
Kanina lang bago ito dumating ay nakatanggap ako ng ng isang message galing sa hindi kilalang tao number lang kase ang nag appear sa phone ko, pang pangatlong beses na ito mula ng lumabas ako ng hospital,
"Hanggang kailan kaya ang saya mo, makakangiti kapa kaya kapag kinuha ko sayo ang lahat."
yan ang mensaheng huling natanggap ko kanina bago dumating si nico, honey? tawag ni nico sa akin, yes honey bakit, parang malalim ang iniisp mo ngayon may problema ba? Ahh wala naman okay lang ako dont worry, aalis kana ba? Oo uuwi na muna ako pero kung hindi ka naman papayag ehh wala akong magagawa kundi ang magstay ngayong gabi katabi ka, At sabay bulong nito sa akin, namimiss na kita honey sobra, kinurot ko naman ito sa tagiliran, araayyy bakit!! ang dami mong alam nicollo gonzaga, sige na umuwi kana marami kapa dapat unahin at ayusin, Hmmpff okay honey uuwi na po, at sabay halik nito sa labi ko at yumakap ito sa akin at nagpaalam na.
Vanessa
Malandi kang babae ka may araw ka rin, sisiguraduhin kong iiyak ka ng dugo kapag nagawa kona ang mga plano ko hindi ako papayag na maging sayo si nico dahil akin lang sya sa akin lang!! malapit lang ito sa bahay ni bianca at habang naka park sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan niya ang dalawa habang masayang naguusap at nagbibiruan. Nicollo Gonzaga gagawin ko ang lahat mapunta ka lang ulit sa akin, nagawa ko na yan dati, at pwede ko ulit gawin at kung kinakailangang magpatahimik ako ulit ng tao gagawin ko mapunta ka lang sa akin at makasal tayo, sabihin na ng lahat na baliw ako wala akong pakielam mahal na mahal kita nico at akin ka lang.
Bigla naman nag ring ang phone nito, Hello mam vanessa, bakit ngayon ka lang tumawag tomas!! singhal nito sa kausap sa kabilang linya, di ba sinabi kona sayo na tumawag ka agad sa akin once na matanggap mo ang message ko sayo!! sorry mam nasa cebu kase ako ng ilang araw may trinabaho ako duon mahina ang signal kaya hindi ako agad nakatawag sa inyo, wala akong pakielam sa paliwanag mo tomas, magkita tayo may ipapatrabaho ako sayo, Sige mam walang problema basta't gandahan nyo lang ang bigay ehh wala tayong magiging problema, Bakit tomas kailan ba ako ng bigay ng kulang or maliit!! Okay sige mam magkita nalang tayo bukas, Okay sige bye.
Pagdating ni vanessa sa park kung saan sila magkikita ni tomas ay agad niyang tinignan ang paligid bago tuluyang bumaba saglit siyang nagmatyag at nagpalinga linga na baka meron sa kanyang makakilala, ng makasiguro naman na okay na ang lahat ay agad itong bumaba at nagtungo na sa kinaroroonan ni tomas, Hi mam vanessa long time no see, nakangiting bati ni tomas, Wala akong balak makipag kamustahan sayo tomas naiintindihan mo, Ohhh mam relax ang init agad ng ulo mo, please tomas wag kang magpahalata na naguusap tayo, eto kunin mo yan, picture yan ng babaeng ipapatrabaho ko sayo, Wow mam seryoso eto ba yung gusto mong patayin ko, Shut up!! Shiittt magdahan dahan ka sa pagsasalita mo kung ayaw mong pareho tayong mapahamak dito naiintindihan mo at please lang wag mong paiiralin ang katangahan mo okay!! sorry mam nagulat lang ako dahil ang ganda nitong babaeng ito sayang naman, puwede ba hindi sya maganda at saka buntis yan kaya ang panget nya!!
Tanong ko lang mam vanessa may kinalaman na naman ba dito si sir nico? kase last time na may pinatrabaho ka sa akin ehh dahil din sa kanya, wag kana magtanong tomas gawin mo nalang ang inuutos ko, heto tanggapin mo paunang bayad palang yan, yung kalahati nyan kapag nagawa mo na yung gusto ko saka ko ibibgay sayo! Ohh right kung ganito ba naman lage ang usapan ehh palage akong gaganahan nito, sabay halik sa sobre na naglalaman ng pera. Umalis kana bilisan mo at please lang ha sa susunod na magkikita tayo siguraduhin mong may maganda kang ibabalita sa akin okay!! Okay mam vanessa at habang palayo ay tawa ito ng tawa.
Maya maya pa habang pabalik na ito sa kanyang sasakyan ay tumunog ang phone nito, Si papa bakit kaya, Hello pa napatawag po kayo, ahh yes ija gusto ka daw makausap ng daddy ni nico nandito siya ngayon sa bahay umuwi ka muna anak, Okay sige po papa pauwi na po. Eto na pagkakataon ko para mas makuha pa lalo ang loob nito gagawin ko ang lahat para sa akin ito kumampi. Nagmadali na akong umuwi na bahay at naghanda na para sa pagarte ko mamaya kailangan kong galingan para mapaniwala ko ito, tutal uto uto naman ito ehh, napuno ng tawa ang loob ng sasakyan ni vanessa. Nang makarting na ito sa bahay nila ay agad naman itong pinag buksan ng isa sa mga katulong nila sa bahay, Good afternoon mam vanessa, Hi anak saan ka galing, tanong ni mama sa akin pagdating ko at sabay halik nito sa akin, may binili lang po ako mommy, Ahh ganun ba sige pumunta kana sa office ng daddy mo kanina kapa nila hinihintay gusto ka rin makausap ni tito eduardo mo, Okay sige po mommy.