CHAPTER 19 - MY SECRET LOVER

1532 Words
Nineteen Pag bukas ko ng pintuan ng office ni papa ay nadatnan kong seryosong naguusap ang mga ito dahilan para hindi nila ako agad napansin, Hi papa at sabay halik ko dito, Ohh ija anak nandito kana pala, opo papa kadarating ko lang po, Hi tito Eduardo kamusta po, okay naman ija eto medyo problemado pero okay naman, Naupo ako sa harapan nito at kinuha ang kamay nito at humingi ako ng tawad, Tito im so sorry po sa nagawa ko last time ako po ang dahilan kung bakit nasira ang anniv.party nyo, at sabay tumulo na ang mga luha ko at napahagulgol ako, sorry po tito mapatawad po sana ninyo ako, sobrang mahal ko lang po si nico kaya ko na nagawa yun, at ngayon hindi na ako magawang mahalin ni nico ng dahil sa babaeng yun at ang mas lalong nagpapahirap sa akin ngayon ay nung malaman kong buntis siya, paano na po ako tito, humagulgol na ako dito ng iyak, agad naman akong niyakap ni nito. Tahan na ija maayos din ang lahat, wag kana umiyak, alam ko naman kung gaano mo kamahal si nico at kaya nga ako nandito ngayon ay para humingi ng pasensya sa mga nangyari, wala kang kasalanan ija kaya wag mong sisihin ang sarili mo, gusto ko rin humingi ng tawad dahil sa nagawa ng asawa ko wag sana sumama ang loob mo ija, Okay lang po yun tito naiintindihan ko naman yun. Dont worry ija kakausapin ko ulit si nico tungkol sa inyo at sa babaeng yun, sa ngayon ang focus namin ay maayos ang pangalan ng kumpanya at pangalan ni nico matagal namin itong iningatan at pinaghirapan itayo at pagandahin ang pangalan nito at ayoko ng dahil lang sa isang babae ay masisira ito. Nico Habang nasa byahe ay hindi mawala sa isip ko si bianca dahil nagaaalala parin ako para dito at lalo sa anak namin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon parang may masamang mangyayari, habang nagiisip ay biglang tumunog ang phone ko, Hello andrea, Ahh sir good morning po napatawag po ako para ipaalam sa inyo na marami na naman pong media sa labas ng building kanina pa po sila dun at ayaw umalis, Ganun ba okay sige ako na bahala andrea maraming salamat sa impormasyon, okay sige po sir bye. Makulit talaga ang mga ito, tumawag ako kay andrea para itanong kung anong schedule ng interview ko sa TV channel. nang matapos ko itong kausapin ay nag park muna ako malapit sa building, mas marami nga ngayon kumpara nung una para silang hindi napapagod sa ginagawa nila. Nagpasya akong hindi na muna pumasok, nagiwan nalang ako ng message kay andrea na hindi ako makakapasok ngayon at may aasikasuhin akong imporatante. Dumeretso na ako ng bahay para puntahan sila mommy at ate natasha at syempre ang aking cute na cute na pamangkin namimiss kona ito, pagdating ko ng bahay ay nakaamoy ako ng mabango, hmmppfff nakakamiss yung amoy ng luto ni mama, simula nung nagpasya akong bumukod ng bahay ay hindi na ako nakakain ng luto ni mommy, kaya talaga namang namiss ko talaga yun, pagpasok ko ng bahay ay dumeretso agad ako ng kusina at kumuha ng plato ng walang ingay, hindi napansin ni mommy na dumating ako at nagsandok ng kanin sa plato, paglingon nito at humarap sa akin ay nagulat ito kaya nabitawan ang hawak na sandok, ano kaba namang bata ka papatayin mo ba ako sa gulat ha, anong ginagawa mo diyan anak, tanong nito sa akin. Akala ko ba mamaya kapa pupunta dito bakit napaaga ka ata ng punta ngayon? Mommy gutom na po ako maawa ka naman sa akin lagyan muna ng ulam yung plato ko please, Hmppff sige na nga, yeheyyy, tuwang tuwa ako dahil matitikman ko ulit ang luto ni mommy. Mommy ayan ba yung dadalhin naten kila bianca mamaya? Ahh oo nico lahat ito dadalhin ko kay bianca nag bake din pala ng cookies si ate cass mo at si hannah para daw kay tita ganda nya, tuwang tuwa nga si hannah nung malaman niyang pupunta tayo kay bianca kaya nagpipilit na sumama, kaya excited na yun andun sa kwarto niya at binibihisan na ni yaya niya sabi ko maaga pa ehh pero mapilit yung batang yun, at sabay tawa ni mommy.   Mommy si daddy nandito po ba? tanong ko dito, wala dito ang daddy mo nagpaalam kanina may aasikasuhin daw siyang importante hindi ko na tinanong kung ano dahil ayaw ko siyang kausapin, alam kong dun lang yun pupunta sa ama ni vanessa, Nagbabalak pumasok ang daddy mo sa politika kaya kailangan niyang makuha ang loob at suporta ng daddy ni vanessa dahil malakas ito at maraming kilalang malalaking tao sa politika at yan ang dahilan kung bakit ka nya pilit na pinagkakasundo kay vanessa ay dahil dito anak, sorry nico kung ngayon ko lang ito sinabi, akala ko kase nung una mababago ko pa ang utak at pagiisip ng daddy mo pero nagkamali ako anak, ang hindi ko lang matanggap ay bakit ikaw pa ang magiging kapalit ng ambisyon niyang yun, hindi ko lubos maisip na kaya nyang ipagpalit sa ambisyon nya ang kaligayan ng sarili nyang anak, tuluyan ng naiyak si mommy at maging ako ay hindi ko rin matanggap ito, ngayon alam kona kung bakit. Natapos na sa paghahanda si mommy ng mga dadalhin namin kila bianca, ako naman ay sinundo kona ang aming baby girl sa kuwarto, Hi baby how are you sabi ni grandma excited ka daw makita ang tita ganda mo? tuwang tuwa ito ng makita siya at agad itong yumakap at nagpabuhat sa kanya, tito nico i miss you po, imiss you too baby at sabay halik sa pisngi ko, ang sweet naman ng baby namin, Lets go na punta na tayo kay tita ganda mo, yeheeyyy lets go na po. Palabas na kami ng bahay ng biglang dumating si daddy at seryoso ang mukha nito, Saan kayo pupunta, tahimik lang kami ni mommy at hindi sumagot, Grandpa pupunta po kami kay tita ganda ko sama ka po? tumingin lang ito kay hannah at humalik at saka tumingin sa amin ni mommy, Tigilan nyo na yang mga kalokohan nyo wala kayong mapapala dyan! hindi na napigilan ni mommy ang sarili kaya sumagot na ito, Ehh ikaw eduardo kailan mo titigilan yang kalokohan mo, hindi masamang mag ambisyon, pero ilagay mo sa lugar!! mahinahon pero madiin ang pagkakasabi ni mommy, natigilan naman si daddy at hindi na nakapag salita pa. Lets go nico, baka ma traffic pa tayo sa daan!! aya nito sa akin. Bye Grandpa i love you, i love you too apo at sabay halik dito. Pagpasok namin ng sasakyan ay agad nagtanong si hannah, Grandma nagaaway po ba kayo ni grandpa? inosenteng tanong nito, No baby hindi kami nagaaway ni grandpa, pero bakit po hindi kayo nag kiss sa kanya kanina pagalis naten? Natawa naman kami ni mama sa mga tanong ni hannah. Nang makarating na kami sa bahay nila bianca ay agad kaming sinalubong ng mga magulang nito, Tara na sa loob aya nito sa amin, agad naman tumakbo si hannah papunta kay bianca at saka yumakap at nagpipilit itong magpakarga, baby hannah hindi kana mabubuhat ni tita ganda kase look ohh big na yung tummy nya maiipit si baby kapag kinarga ka ni tita, Dont worry baby paglumabas si baby promise kakargahin kita ulit kahit araw araw pa, promise po yan tita? yes baby at sabay sabay kaming nagtawanan. Sya nga pala ellen ito ang aking apo si hannah anak sya ng panganay na anak ko na si cassandra, Hi hannah ang ganda mo naman, thank you po lola magkamukha po kami ni tita ganda, natawa na naman ang lahat napaka bibo naman nitong batang ito. Halika na kayo magmeryenda na tayo, Hannah gumawa kami ni tita bianca mo ng pizza, talaga po lola? Yes hannah tara para matikman mo. Anak bianca kamusta kana, Okay na po ako tita, hmmppfff tita? from now on call me mommy okay, nakakahiya naman po, No ija gusto ko mommy ang itawag mo sa akin okay ba yun ha.? Ahhh sige po... mommy.....  at sabay tawa ni mommy at yakap kay bianca, kamusta pala ginugulo kaba ni vanessa kapag ginulo ka nya magsabi ka agad ha, at magiingat ka palage ha lalo na ang baby mo, opo ma maraming salamat po, kain na po kayo, okay sige tara na kumain kana din baka gutom na ang apo ko at sabay tawa nito. Nang matapos kaming mag meryenda ay pinuntahan ko si bianca sa kanyang kwarto, nagpaalam kase ito kanina na magpapahinga muna inaantok daw kase siya, kumatok muna ako bago pumasok pero hindi ito sumasagot kaya nagpasya na akong pumasok, tama ang hinala ko tulog na tulog nga ito nilapitan ko ito at hinalikan sa ulo. ang himbing ng tulog nito, habang nakaupo sa gailid ng kama nito ay biglang tumunog ang cellphone nito kaya agad ko itong kinuha at tinignan, nang buksan ko ito at binasa ay nakaramdam ako ng takot at pagaalala, binuksan ko pa ang ibang message nung mga nakaraang araw at ganun na lang ang takot ko dahil nagsimula ito nung araw ng makalabas ito ng hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD