CHAPTER 20 - MY SECRET LOVER

1636 Words
Twenty Bianca Nararamdaman kong may katabi ako, gusto kong idilat ang mata ko pero hindi ko kaya dahil sa sobrang antok na antok pa din ako, naaamoy ko ito ang bango bango at gustong gusto ko ang amoy nito, kaya dahan dahan kong idinilat ang mata ko, si nico pala ang nasa tabi ko, tulog na tulog ito habang hawak ang tiyan ko, napangiti naman ako dito. umaga ng magising ako pero mahimbing parin itong natutulog, dahan dahan ko itong hinalikan sa labi at niyakap, gumanti naman ito ng yakap pero mahimbing parin ang tulog nito, nagpasya narin akong tumayo na at magasikaso. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si mama at papa na nagaalmusal, Ohh anak gising kana pala tara na dito kumain kana sandali lang at ipagtitimpla kita ng gatas mo ha, sige po ma salamat. Anak kamusta pala si nico nakatulog ba sya ng maayos, tanong ni papa, kahapon kase nang puntahan ka niya sa kwarto mo tulog na tulog ka siguro nakatulog narin sya sa pagbabantay sayo kaya hindi na sya ginising ng mommy nya, nauna na silang umuwi ni hannah. Ahh ganun po ba papa, tulog parin po si nico hanggang ngayon papa, Sige hayaan mo nalang muna sya mabuti nga yun ehh para masanay na sya dito sa bahay naten, Ohh sya kumain kana anak, sige po papa kain na tayo. Anak bianca sya nga pala kailan mo balak magpunta sa bahay nila nico, tinatanong nga ako ng mommy nya kahapon, ehh sabi ko naman hinihintay ko lang ang desisyon mo bago tayo magpunta dun, Ahh ma siguro po sa makalawa nalang tayo magpunta dun, ngayon po kase ehh busy pa si nico at marami syang kailangan tapusin sa trabaho nya at isa pa my interview po sya sa isang sikat na TV chanel tungkol po sa nangyari nung anniv.party, sa ngayon po kase ma pa laman po ng mga balita ang kumpanya nila nico at hindi po maiiwasang may masabing hindi maganda ang mga tao kay nico at maging sa akin kaya yun po gustong linawin at ayusin ni nico. Basta anak kung ano man ang maging desisyon mo sa mga nangyayari ngayon nasa sa iyo ang buong suporta namin ha, maraming salamat po papa. Bianca puntahan muna si nico sa kwarto yayain muna kumain at magalmusal, anong oras na diba papasok pa sya sa trabaho nya.? Sige po mama saglit lang po. Pagpasok ko ng kwarto ay wala ito duon, nico?  Bulaga! At sabay tawa ng tawa ito, Nico ano ba, tawa ito ng tawa dahil sa napatili ako sa gulat, honey magugulatin ka pala at sabay tawa nito ulit. Tara na nga sa labas mag breakfast kana at papasok kapa, pero imbis na lumabas na ay nagpunta ito ng pinto at sinara iyon, honey mamaya na ako papasok dito muna tayo please niyaya ako nito at hiniga ng dahan dahan at sabay halik sa ulo ko. Honey papayag kaba kung dito muna ako mag sstay? Tanong nito sa akin habang pinagmamasdan ang mukha ko, gusto kong makasama ka at araw araw na mabantayan promise hindi ako magiging sakit ng ulo mo honey, at sabay halik nito sa labi ko. Honey nico Oo naman masaya akong makasama ka araw araw mahal na mahal kita honey. Hinalikan ko ito sa labi sa ilong sa noo, napangiti naman ito ng todo ng pumayag ako sa gusto nya. Tara na kumain kana, tumayo na ako at hinila na ito palabas ng kwarto. sinalubong naman kami ni mama paglabas namin ng kwarto, Ohh nico tara na kumain kana at magasikaso na baka mahuli ka sa trabaho mo, halika na dito maupo kana, hinila ni mama si nico at pinaupo sa harap ng lamesa, panay naman ang tawa ni nico kay mama. Wow sinangag tuyo at itlog mukhang mapapalakas ang kain ko nito ma ahh, sige lang anak kumain ka lang ng kumain ha wag kang mahiya, sige po mama, kumuha na ito ng plato at kumain, marami nga itong nakain nakakamay pa habang kumakain sarap na sarap ito sa kinakain nya at halos maubos nya ang sinangag na luto ni mama, ma ang sarap nito bukas po magluto kayo ulit nito ang sarap po talaga, nagkatinginan naman kami nila mama at papa sabay tawa, ikaw talaga ijo, ohh sige yan ulit ang lulutuin ko bukas anak para marami ka ulit makain, mukhang kailangan ko ulit mag gym honey kase mukhang mababawasan ang abs ko nito at sabay kindat sa akin, natawa naman ako sa sinabi nito. Mama Papa, may sasabihin po ako, ano yun ijo, tanong ni papa kay nico, Ahh papa kase po gusto ko po sana na tumira muna dito gusto ko po mabantayan si bianca habang buntis po sya nagaalala po kase ako na baka may mangyare na naman po sakanya na hindi maganda, ayoko po na maulit ulit na may magtangka sa kanya papa. Ijo wala naman problema sa amin ng mama mo, mabuti nga yun at madadagdagan na ang magbabantay kay bianca at isa pa ijo karapatan mo yun bilang ama ng apo ko kaya hindi kita pipigilan sa gusto mo, bukas ang aming tahanan para sayo anak, maraming salamat po papa. Honey papasok muna ako ngayon pero after lunch babalik ako ha, uuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga gamit ko, okay sige honey magiingat ka ha, humalik ito sa ulo ko at saka nagpaalam na.  Bago pa tuluyang umalis si nico ay nag bilin ito kay mama at papa, ma pa pasok na po ako, pakibantayan pong maigi si bianca ma Oo naman nico safe si bianca dito dont worry nandito naman ang papa mo wala syang pasok ngayon sa trabaho, maraming salamat po at tuluyan na ngang umalis ito. Anak bianca my problema ba si nico, bakit parang sobrang nagaalala sya ngayon sayo may nangyayare bang hindi namin alam, Ahh ma ewan ko po wala naman siguro ma baka talagang gusto lang nya kaming alagaan, ganun ba anak sige baka nga ganun lang. Mamaya ija pupunta ako ng palengke may ipapabili kaba? tanong nito sa akin, Ahh ma pwede ba akong sumama sayo, Nako anak baka hindi mo pa kaya baka mapaano ka baka mapagod ka, mama hindi po okay na po ako promise, at sabay ngiti ko kay mama, ohh sya sya sige sumama kana. Hinatid naman kami ni papa sa palengke at hihintayin narin nya kaming matapos dahil ayaw ni papa na mag commute kami dahil baka daw matagtag ako at mapaano ang apo nya. Habang nasa sasakyan ay nagtanong si papa kung anong oras babalik si nico gusto nya kase yayain itong maginom ng alak, Ahh pa baka mamayang hapon pa po yun kase uuwi pa sya ng bahay nya, ahh ganun ba sige, ma lutuan mo kami ni nico ng sisig ha pulutan namin mamaya, nako ikaw talaga nakahanap ka ngayon ng makakainuman mo at sabay tawa ni papa. Ohh nandito na tayo, hihintayin ko kayo dito ha, okay sweetheart thank you. Habang namamalengke kami ni mama ay may napansin akong isang lalaki na panay ang tingin sa amin pero kapag tinitignan ko ito ay umiiwas ito ng tingin. Pabalik na kami ni mama sa sasakyan pero bago ako sumakay ay tumingin tingin ako sa paligid para hanapin yung kanina pang lalaki na panay ang tingin sa amin pero wala na ito at hindi ko na makita, siguro nagandahan lang sa amin ni mama kaya panay tingin, hindi ko na ulit pinansin pa yun at umalis na kami nila papa para makauwi agad at makapag handa ng hapunan para mamaya. Sweetheart pagbaba nyo sa bahay aalis muna ako ha bibili muna ako ng maiinom namin ni nico para mamaya, Ahh ija anak ano nga pala ang palageng iniinom ni nico, nako papa sa maniwala man kayo o hindi ehh hindi ko pa po nakikitang uminom si nico, nako sweetheart mukhang mabait ang magiging manugang naten ahh at sabay nagtawanan sila mama at papa. Habang nag hahanda kami ni mama ng pagkain sa table ay nakatanggap naman ako ng message mula sa hindi kilalang tao, Shiitt eto na naman kailan ba titigil ito sa pananakot sa amin ng anak ko, pagbukas ko ng message ay ito ang bumungad sa akin "MASAYA KA NGAYON, MAKAKATAWA KAPA KAYA SA MGA SUSUNOD NA ARAW."   anak ayos ka lang ba ?  sino ba yan anak, kanina kapa tulala dyan.. Ahh ma okay lang po wala po. Pupunta muna ako sa kwarto ma magpapahinga muna ako, okay sige anak. Nang nasa kwarto na ako ay saglit akong naupo sa gilid ng kama ko at nagisip mabuti, Vanessa kung ikaw man yan hindi ka magtatagumpay, baliw kana desperada ka, napaka sama mo, sabi ko sa isip ko dahil malakas talaga ang kutob ko na si vanessa yun sya lang naman ang may motibo na gawin iyon. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko, si nico yun, hello honey nasaan kana.? tanong ko dito, Hi honey i love you papunta na ako dyan dumaan muna ako ng bahay at nag groceries narin, on the way na ako dyan, Okay honey magiingat ka ha i love you too. Nagpasya na akong lumabas ng kwarto at magpunta ng garden para duon hintayin si nico, Anak saan ka pupunta, tanong ni mama sa akin, dito lang po ma sa garden hihintayin ko po si nico, ahh ganun ba sige si papa mo wala parin naman ehh mukhang hinakot na lahat ng alak nabigatan kaya hindi agad nakauwi, natawa naman ako sa sinabing iton ni mama. Maya maya pa ay nakita kona si papa na nagpark sa tapat ng bahay, Ohh iha ano ng gingawa mo dyan pumasok kana sa loob at baka mahamugan ka, okay lang po ako papa malapit narin naman po si nico hihintayin ko nalang po sya, okay sige anak ikaw ang bahala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD