Allison Cassandra Dawson Mga ilang sandali pa nang pumasok ang gwapong guro, maya maya din ay lumabas na ito at wala na ang kunot nitong noo. “Maaari na kayong pumasok mga bata,” nakangiting sabi ng guro bago muling bumalik sa loob ng class room. Tulad ng sinabi niya ay sumunod na lang ako sa kanya papasok habang si Rex naman ay ganun din, naka- alalay siya sa akin dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking mga kamay dahil sa sobrang tindi ng aking kabang naramdaman. “Okay, class, this students beside me are transfers, I am hoping for your kind and warm welcome, unlike what your classmate’s did earlier, please do avoid violence,” pambungad na sabi ng guro kanina. “Yes, Sir!” malakas na sagot ng mga estudyante. “Okay, introduce yourself, Miss,” baling naman sa akin ng

