Allison Cassandra Dawson “Okay, class, that’s all for today,” nakangiting paalam ni Sir. Tumingin ako sa aking cell phone at nakitang tatlong oras pa lang nag turo ang amign gurong lalaki. Kinuha ko ang aking schedule at nakitang break time pala ang kasunod ng subject na ito. “Tara sabay na tayo sa cafeteria,” nakangiting sabi ni Rex. “GIRLS YUNG GWAPONG TRANFER NASA LABAS!” biglang sigaw naman ng isang babae. Naaagaw nito ang aking atensyon at may kakaiba akong naramdaman, nag paunahang lumabas ang mga kaklase kong babae at ang mga lalaki naman ay mga buryong ang muka na naupo sa kanialng upuan dahil baka masiksik lang sila ng mga babaeng dali daling lumabas para tingnan ang gwapong transfer. “Bukod sa akin, sino pa ba yung gwapong tranfer na sinasabi nila?” rinig ko namang sa

