Allison Cassandra Dawson “Attention Mr. Blaze Aurelios Blood, if you fon’t stop that fight I will hurt your Allison!” sabi ni Madam Lilac. Nagulat naman ako dahil sa ginawa niya, bahagya akong nahiya dahil sa ‘your’ nito na tila ba pag aari ako ni Aurelios. “Don’t you dare, old woman!” malamig na sabi ni Aurelios na kitang kita namin sa screen at seryosong nakatingin sa amin na tila nakikita kami. Pinatay na ni Madam Lilac ang monitor at ibinalik ang set up ng kanyang lamesa kaya naman nawala na rin ang maliit na microphone na ginagamit niya kanina. “That brat,” naiiling na sabi ni Madam Lilac habang hinihilot ang kanyang noo. “Cassandra, halika dito at gagamotin ko ang sugat mo,” sabi ni Raven na kalalabas lang ng bath room at kasalukuyang nag lalakad palapit sa isang sofa na ka

