Allison Cassandra Dawson Mabilis akong natapos sa aking pag ligo at agad na lumabas ng bath room, dumeretso ako sa aking closet at kumuha ng pajama at over sized shirt para kumportable ako total nasa bahay lang naman ako ngayon. Natapos naman agad ako sa aking ginawang pag bibihis, tinuyo ko ang aking buhok at sinuklay ito bago inipitan para hindi nakakasagabal sa aking pag galaw. Ngumiti ako ng malaki sa salamin bago lumabas ng closet at nag tungo sa aking kama, hindi pa ito ang oras ng pag papahinga kaya kinuha ko lang ang aking cell phone at muling nag lakad palabas naman ng aking silid. Isinara ko ito dahan dahan bago ako nag lakad patungo sa silid ni Haruki, kumatok ako ng mahina bgao ko binuksan dahan dahan ang pinto nito. Bumungad sa akin ang maaliwalas at malinis na kwarto ni

