CHAPTER 83

1424 Words

Third Person Napakuyom anaman ng kamao si Blaze bago napatingin sa paligid, doon lang bumalik ang ala ala sa kanyang isip. Nawalan siya ng kontrol at inatake niya si Cassandra dahil sa napaka bangong amoy ng dugo nito, at si Raven ang pumipigil sa kanya na sinundan naman ni Haruki na ngayon ay walang malay na nag anyong tao na at nakahiga sa tabi ni Cassandra. "Umalis ka na, hindi ka kailangan dito," malamig na sabi ni Blaze sa kakambal niyang si Blade. "Kung wala ako dito, baka kanina pa naging bampira ang mahal mong si Cassandra," nakangiting sabi ni Blade bago tinalikuran ang kanyang kakambal na si Blaze. Kuyom ang kamao ni Blaze habang nakatingin kay Blade na nag lalakad patungo sa assistant nitong walang malay na nakasandal sa isang puno dahil mukang nawalan din ito ng kontrol.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD