Third Person ‘Bilisan niyo diyan, kailangan mo ng mag pahinga para sa pag alis natin mamaya, kaya huwag kang ngumuso, okay?’ agad na napatingin si Cassandra kay Aurelios dahil narinig niya ang boses nito sa kanyang isipan. Muntik ng makalimutan ni Cassandra na kailangan niya nga pa lang mag gayak para sa pag alis nila mamayang alas dose ng gabi. Tningnan ni Cassandra ang golds at nakita niyang mas nakakalamang siya kay Drie, pinatay niya muna ang blue buff hanggang sa makabuo na siya ng critical item, nag punta na siya sa mid lane at inaasahan ni Cassandra na bubulagain siya doon ni Drie at hindi nga siya nag kamali. Lumitaw mula sa kanyang likod si Drie at nag umpisang mag paulan ng bala. Ganun din naman ang ginawa ni Granger, ang herong gamit gamit ngayon ni Cassandra. Malakas ang p

