Allison Cassandra Dawson ‘Kabahan ka na, Drie, dahil hindi man kita madurog sa personal, dudurogin naman kita sa mobile legends, HAHAHA!’ tumatawang sabi ko sa aking isipan dahilan para sabay na mapatingin sa akin si Aurelios at Haruki. Sabay na ngumising mapang asar sa akin si Haruki at si Aurelios kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting hiya. Tumingin na lang ako sa aking cell phone habang nag hihintay na matapos ang kanilang laro. Bakit ba kasi nakalimutan kong naririnig nga pala ni Haruki ang aking sinasabi sa aking isipan, habang maririnig din naman ni Aurelios dahil hawak hawak niya si Haruki. Nakakahiyang pang yayare! Halos mabatokan ko ang sarili ko habang iniisip yung kahihiyang ginawa ko, mabuti na lang at nagawa kong mag pigil. “Bakit tinapos mo agad, sa- savage p

