Allison Cassandra Dawson “Heto na aalis na, selos agad!” natatawang sabi ni Rex. Matapos sabihin yun ay tuloyan na nga itong umalis sakay sa kanyang sariling sasakyan, nang hindi ko na nakikita pa ang sasakyan nito ay tumingin ako sa aking likuran kung saan naroroon si Aurelios. “Aurelios!” tawag ko sa kanya ng mapansin ko na nag lalakad na ito paalis kung saan kami naroroon. Tumigil naman siya matapos marinig ang aking tawag. “Balik muna kami sa loob, may heart-to-heart talk muna kayo diyan!” nakangising sabi ni Drie at inakit na rin ang kanyang kapatid na buhat buhat si Haruki. Tuloyan ng nakaalis ang mga ito, habang si Raven naman ay umalis na rin. “Bakit?” tanong sa akin ni Aurelios ng bumalik ang aking tingin sa kanya. “Kailan tayo babalik sa school?” nakangiting tanong

