Allison Cassandra Dawson “Kumain ka ng marami, para mabawi mo ang lakas mo,” sabi sa akin ni Aurelios. Kasalukuyan kami ngayong nasa harapan ng hapag kainan, at ngayon ay si marami at iba’t ibang putahe ng pag kain ang inilalagay niya sa aking plato. “Tama na, Aurelios, baka hindi ko maubos,” pag pigil ko sa kanya dahil halos mapuno na ng maraming pag kain ang aking plato. “Edi ubusin mo,” sagot niya sa akin na ikinakunot ng aking noo, ano bang nangyayare kay Aurelios? “Dapat nga ay siya ang kumakain ng marami ngayon, Cassandra, alam mo bang simula ng mawalan ka ng malay ay hindi pa yan kumakain ng kahit na ano? Tanging pag inum lang ng mamahaling wine na nilahukan ng dugo ang ginagawa niya,” sabi ni Drie habang kumakain. “Tsk,” sabi naman ni Aurelios ng tingnan ko siya. “Ikaw na

