Allison Cassandra Dawson “Huwag kayong maingay, hindi kami bingi!”rinig kong galit na sbai ni Raven. “Iwan niyo muna kami,” rinig kong sabi ni Aurelios. Wala naman akong narinig na kahit anong angal mula sa kanila at tahimik lang na nag si alisan at labasan. Dahil doon ay unti unti ko binuksan ang aking mga mata, ilang sandali pang naging malabo ang aking mga mata bago ito tuloyang mag karoon ng malinaw na tingin. Unti unti kong ipinaling ang aking ulo sa parte kung saan mayroong humawak na malamig na kamay sa aking kamay. “Gising ka na, Allison,” nakangiting sabi ni Aurelios. Kitang kita ko ang saya sa mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang yun, tila ba ang tagal kong walang malay para iparamdam niya sa akin ang pag kasabik sa akin. “Si Haruki,” unang lumabas sa bibig

