CHAPTER 19

2228 Words
Allison Cassandra Dawson “Sana hindi mo pabayaan ang bahay habang wala ako… pati ang sarili mo,” sabi ni Aurelios.  Hindi ko mapigilang matigilan dahil doon, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam at pag iinit sa’kin balikat ngunit binalewala ko na lang ito.  “Oo, iingatan namin ni Itlog ang mansyon mo,” nakangiting sagot ko sa kanya.  Bago tuluyang tumalikod sa’kin ay nasilayan ko pa ang kanyang ngiti, ngiti na hindi ko inaasahan kaya’t natulala lang ako at hindi ito nagantihan.  “Meow,” napatingin ako kay Itlog ng ikiskis nito ang balahibo sa’king binti, dahil doon ay bumalik ako sa katinuan at doon lang napag tanto na nakaalis na pala si Aurelios.  ‘Get yourself, Allison, ano bang nangyayare sa’yo?’ tanong ko sa’kin isipan.  Nag lakad ako papasok ng bahay ng maalala ko si Itlog, binalikan ko ang pusang tamad at kinarga ito bago pinagpatuloy ang pagpasok sa bahay.  Agad akong dumeretso sa aking kuwarto habang dala dala parin si Itlog, nakakaramdam na ako ng antok kaya nanghihinang humiga ako sa malambot na higaan. Anong oras na pala ng gabi at hindi pa rin ako kumakain.  ‘Bukas na lang siguro,’ sabi ko sa aking sarili.  Tumitig ako sa ceiling habang hinihimas ang malagong balahibo ni Itlog, natutulog na ito ngayon sa aking tiyan at mukang sarap na sarap ito sa pagtulog dahil rinig na rinig ko ang kanyang hilik.  “Mabuti ka pa, wala kang pinoproblema,” mahinang bulong ko sa pusa na mahimbing na natutulog.  Napahinga ako ng malamig at ipinikit ang aking mga mata, siguro ay magpapahinga na lang muna ako at kukuha ng lakas para sa mga haharapin ko bukas.  Tricia  “Arrggghhh!sigurado ako Andrea, kilalang kilala ko ang sikat na CEO na si Mr. Blood, hindi ko akalain na siya ang magiging boyfriend ni Cassandrang malandi!” galit na kuwento ko sa aking kaibigan.  Tumawa naman siya at inabutan ako ng tubig, kinuha ko yun at agad na ininum.  “Baka nga kamo nagkakamali ka ng tingin, baka kamuka lang, as if naman na maakit ang isang Mr. Blood sa katulad ni Cassandra, duh!” sabi niya sa’kin.  Nainis ako at hinarap siya. “Muka bang nagkamali ako ng nakita?kitang kita ng dalawang mata ko, kitang kita ko, Andrea!” sigaw ko sa muka niya.  “Okay, okay, kalma, sinusubukan ko lang naman pagaanin ang pakiramdam mo,” mahinahong sabi niya sa’kin. Huminga ako ng malalim at naupo.  Ngayong araw gaganapin ang taping para sa scene na kahapon pa sana natapos, kaya nandito ang aking kaibigan na si Andrea yun ay dahil siya ang magiging ka-double ni Cassandra sa mga kissing scene na magaganap mamaya. Si Nathan ang kasama niya sa scene na ‘yon, hindi p’wedeng ako ang ipalit dahil malayo ang katawan maging ang height naming dalawa ni Cassandra.  May tiwala naman ako sa kaibigan kong si Andrea, isa pa siya ang tumuong sa’kin na maagaw- I mean mapasa’kin si Nathan.  “Why don’t you ask Nathan?” biglang tanong ni Andrea na ikinakunot ng noo ko. “Ano namang koneksyon ni Nathan dito?” iritang tanong ko pabalik.  “Mas’yado ka namang high blood, wait, ayaw mo ‘nun?may boyfriend na si Cassandra so there’s no chance na magkabalikan pa sila ni Nathan,” sabi niya. Tila manghang mangha pa siya sa kanyang sinabi habang ako naman ay hindi maipinta ang muka dahil doon.  “Ayaw kong nalalamangan, Andrea,” malalim na sabi ko sa kanya na nag patigil ng kanyang pagtawa. “Obviously, Mr. Blood is way better than Nathan,” dagdag ko pa.  “Tsk, tsk, tsk, so what’s your plan?” nakangising sabi niya sa’kin.  Dahil doon ay napangisi na rin ako ng malaki, she’s really my friend.  “After Nathan’s birthday, I will seduce Mr. Blood and… I will set Nathan free,” nakangising sabi ko sa kanya.  Lalong lumaki ang kanyang ngisi at tiningnan ako nang may buong pag sang ayon.  “I like your idea!” masayang sabi niya na halos tumili pa. Napangiting demonyo ako at napatingin sa’king malaking salamin.  “I’m sure magpupunta ulit ‘yon sa set mamaya, dapat ngayon pa lang magpaganda na ako,” nakangiting demonyo na sabi ko.  “Tama ka!” masayang tugon ni Andrea.  Allison Cassandra Dawson Maagap akong nagising kanina dahil sa pagkalam ng aking tiyan, maging ang tiyan ni Itlog ay rinig ko rin ang pagkalam. Parehas kaming gutom, kaya ngayon ay kasalukuyan akong nagluluto ng aking maalmusal habang pinaglalabon at pinagpriprito ko naman ng itlog si Itlog.  ‘Ang bilin ni Aurelios ay ilahok ang itlog sa pagkain niya,’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa pusang nasa ibabaw ng lamesa at walang ibang ginawa kundi ang dilaan ang iba’t ibang parte ng kanyang katawan.  “Ganyan ba kayo maligo?” tanong ko sa pusa kahit alam kong hindi ito sasagot sa’kin. Pero halos mapaatras ako ng tumigil siya at dahan dahang tumingin sa’kin, nanlilisik ang mga mata nito at tila handa na akong kagatin anumang oras.  “J-joke, ito na niluluto ko na pagkain mo, baka gutom ka na,” kinakabahang sabi ko sa pusa at tumalikod. Napahinga ako ng malalim habang inaahon ang itlog at hinahalo ang sauce ng carbonara na aking kakainin ngayong umaga.  Ilang sandali pa ay natapos na akong magluto, kinuha ko ang lalagyan ng cat food ni Itlog. Hinanap ko ang kanyang pakainan ngunit hindi ko ‘yon makita, napatingin ako sa paanan ko ng maramdaman ko na may tumama dito.  “Andiyan ka lang pala!” masayang sabi ko bago dinampot ang pakainan. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Itlog na maglalakad na muli papasok ng kusina, tila inirapan pa ako nito ng ito’y tumalikod sa’kin.  “Pati ba naman pusa may kaartehang taglay?” hindi makapaniwalang sabi ko.  “MEOW!” malakas na meow ng pusa. “Ito na, papunta na!” sigaw ko sa pusa at tumakbo papasok ng kusina. Muli ng nakaupo si Itlog sa lamesa at tila nag hihintay ng pagkain niya.  Nag umpisa na akong maglagay ng kanyang pagkain, matapos mag takal ay kinuha ko ang nilabong itlog at hinati sa gitna, inilagay ko ito sa ibabaw ng cat food at ang pritong itlog ay inilagay sa ibabaw nito.  “Meow, meow,” maingay na sabi ng pusa ng ilagay ko sa harap niya ang pagkain.  “Bakit?” natanong ko na lang ng makitang bahagya niya itong itinulak palayo sa kanya at bahagyang umismid pa. “Hahaluin ko pa ba?” tanong ko sa pusa na tila nagkakaintindihan kami.  Gumalaw ang buntot nito ng sabihin ko kung hahaluin ko pa ba, agad akong kumuha ng kutsraa at hinalo ito. Nakatingin lang si Itlog hanggang sa matapos ako, muli kong inilagay sa harap niya ang kanyang pagkain at mabuti namang nag umpisa na siyang kumain.  Tulad niya ay nag umpisa na rin ako, kaharap ko siya sa lamesa at naiimagine ko na siguro ganito si Aurelios?hindi ko akalain na mahilig siya sa pusa, hahahaha.  “Muning muning, aking Itlog kumain kana para lalo kang lumusog,” sabi ni Aurelios.  “Meow, meow, meow,” sagot ng pusa sa kanya.  “MEOW!” agad na naputol ang aking imahinasyon ng marinig ang malakas na sigaw ng pusa. Napatingin ako agad sa aking harapan kung saan nakain si Itlog, nakita ko na tila nahihirinan ito dahil sa nilagang itlog.  Agad akong tumayo at kumuha ng tubig sa baso, ibinigay ko ito sa kanya at halos masampal ko ang sarili ko ng marealize na pusa ito. Kinuha ko ang baso at unti unting itinaktak ang laman sa gilid ng pakainan nito na mukang nakadesinyo upang lagyan ng kanyang inuman.  “Ang takaw takaw kasi,” bulong ko habang hinihimas ang balahibo niya habang siya naman ay abala sa pag inum.  Matapos nitong uminum at ng makitang ayos na ang pusa ay tumayo na ako, hindi na ako kakain dahil mahuhuli pa ako sa taping namin. Dahil sa nangyareng pag ulan kahapon ay hindi natuloy ang taping, kaya ngayon nare-schedule at ang nakakainit ng ulo dun ay nadagdagan pa ang aking mga scene. Tss, kasalanan ‘to ng kapatid ni Aurelios.  Dali dali akong umakyat at nagtungo sa aking silid, iniwan ko muna doon si Itlog sa ibaba dahil mag bibihis ako. Isa pa mukang sanay naman ang pusang ‘yon na mag isa.  Pumili ako ng simpleng damit, nakaligo na ako kanina pagkabangon pa lang kaya naman magbibihis na lang ako ngayon. Simpleng damit lang dahil si Manager Cha na ang bahala sa mga pagpapalit damit ko sa bawat scene.  ‘Ang hirap mag artista,’ sabi ko sa’king sarili bago kinuha ang susi ng sasakyan na iniwan ni Aurelios. Dahil hindi ako nakapag dala ng sarili kong sasakyan ay sasakyan niya na lang ang gagamitin ko, hindi naman siguro siya magagalit matapos niya akong tangayin sa bahay at dalhin dito sa mansyon niya.  Bumaba na ako at muling nagtungo sa kusina, naabotan ko doon si Itlog na matiwasay na kumakain. Hinawakan ko ang balahibo niya at hinimas himas.  “Dito ka lang muna ha?magtratrabaho lang ako,” bulong ko sa pusa bago ito tinalikuran.  Naglakad na ako palabas at hinanap ang grahe, nang makita nag grahe ay pinindot ko ang susi upang hanapin kung kaninong susi ito, tagumpay naman akong nahanap ito dahil tumunog ang sasakyan.  Agad akong lumapit sa sasakyan at halos lumuwa ang mata ko ng makitang sa McLaren pala ang nakuha kong susi. Napailing na lang ako at kahit nag aalangan dahil baka mag agaw pansin ay sumakay na lang ako, ke’sa naman bumalik ako sa loob at umakyat sa taas.  Andrea “Huwag tatanga tanga mamaya sa kissing scene, tandaan mo boyfriend ko ang kahalikan mo mamaya, tsk,” maarteng sabi ni Tricia sa’kin na tinugonan ko lang ng ngiti at tugon.  “Good, o’ siya doon na muna ako ha,” paalam niya at itinuro ang p’westo ni Nathan.  Nang makaalis si Tricia ay napasimangot ako at masamang tingin na sinundan siya ng tingin, ang kapal ng muka na sabihing huwag tatanga tanga, siya naman itong tatanga tanga tsk.  Inilipat ko ang tingin kay Cassandra na kararating lang, nakangiti itong sinalubong ng kanyang Manager at binigyan ng kape. Napatingin ako sa Manager ko at Manager ni Tricia, they are both busy laughing about something, wala na silang ibang ginawa kundi mag chismisan, unlike Manager Cha which is Manager ni Cassandra, tutok na tutok ito pag aalaga kay Cassandra.  Napapa-sana all na lang talaga ako kay Cassandra, she has Khaila as her friend at isa itong sikat na model, mayroon siyang mabait na Manager, at bukod sa lahat ay minsan na niyang naging karelasyon si Nathan which is ang lalaking matagal ko ng gusto.  Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-kainggit kay Cassandra, she almost has everything that I want, lalo na kanina noong sinabi ni Tricia na ang boyfriend nito ay ang sikat at usap usapang CEO ng malaking kumpanya, si Mr. Blood. “Andy, tawag ka ni Director,” natigil ako sa pag iisip ng bigla akong lapitan ni Cassandra at tawagin.  “A-ako?” tanong ko. Nautal pa ako dahil sa pagkabigla, hindi ko akalain na lalapit pa siya sa’kin para sabihin ‘yon, gayong p’wede naman niyang isigaw o iutos sa iba.  “Yap, kanina ka pa niya tinatawag ang I think malalim ang iniisip mo so I insist na lapitan ka, okay ka lang ba?” diretsong sabi niya habang nakangiti. Nakaramdam naman ako ng hiya bago tumango sa kanya.  “Alright, punta ka na doon, baka pag uusapan niyo ang about sa scene, galingan mo ha!” sabi niya bago tumalikod sa’kin at naglakad papunta sa kanyang Manager na naghihintay.  Hindi ko namalayan na natulala na pala ako, siya pa lang ang nag palakas sa’kin ng loob kasi si Tricia laging pinamumuka sa’kin na tatanga tanga ako. “HOY ANDREA TAWAG KA NA NI DIREK, TATANGA KA NA LANG BA DIYAN?” rinig kong sigaw ni Tricia. Nakaramdam ako ng hiya at napatingin kay Cassandra na lumingon sa’kin. Tumango siya sa’kin at sumenyas na umalis na ako, hindi ko tiningnan si Tricia maging ang mga staff na nagtinginan dahil sa lakas ng sigaw ni Tricia. Nagpunta ako agad kay Direk, akala ko ay magagalit ito bagkus ay tinanong pa niya ako. “Kaya mo ba?sabi ni Manager Cha namumutla ka at masama ang pakiramdam, kaya mo ba?” tanong ni Direk, mukang nag aalala pa ito.  Nagulat naman ako at napatingin sa gawi ni Cassandra at ng Manager niya, mas nagulat ako ng makitang nakatingin sa’kin si Cassandra at kinindatan ako. “Kanina pa po yun, Direk, okay okay na po ako ngayon,” nakangiting sabi ko.  Ngumiti naman ng malaki si Direk at tumango bago ako tinalikuran.  ‘Thank you!’ I mouthed to Cassandra, she winked again and smile kaya hindi ko mapigilang mapangiti na lang din. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD