Allison Cassandra Dawson
“Kakachat ko lang sa’yo kanina, pagkapatay ng cellphone ko saktong dating mo… parang alam mo na uulan,” pag sisimula ko ng usapan pagpasok ng sasakyan ni Aurelios.
“Ang kakambal ko ang dahilan kung bakit umulan, mas’yado siyang nagalit kaninang nagkaharap kami,” paliwanag niya habang nagsusuot ng seat belt. Tulad niya ay nagsuot narin ako ng aking seat belt bago muling tumingin sa kanya.
“Ibig mong sabihin ay nagkaharap kayo ng kakambal mo?saan?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Parang kanina lang ay ang ganda ng panahon at napapalibutan pa ako ng lumilipad na alitaptap,” nakasimangot na dagdag ko.
“Noong mga oras na ‘yon ay nakamasid siya, naamoy ko ang kanyang dugo kanina kaya binisita ko ang set niyo at nakita ko nga siyang nakatingin sa’yo,” paliwanag naman niya bago pinaandar ang sasakyan. “Hindi ko nga akalaing seryoso siya at kitang kita ko sa kanya ang pagkadesidido na saktan ka anumang oras…” dagdag na paliwanag niya habang seryosong nakatingin sa daan.
Hindi ko maiwasang kabahan, kung ganun, kung wala siya kanina ay baka naging hapunan na ako ng kanyang kakambal.
“Bakit ba ang laki ng galit niya sa’kin?ni hindi ko nga siya kilala,” malakas na sabi ko bago napahinga ng malalim. Hindi ko mapigilang mapakagat sa’king labi dahil sa nararamdamang kaba. Mas’yado naman yata ang galit sa’kin ng kakambal niya at talagang papatayin pa ako?inaano ko ba siya?
Naramdaman ko na tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya, tingin na amy pagtatanong at nahuli ko siyang seryosong nakatingin sa’kin. Walang halong kahit anong emosyon ang kanyang muka ngunit kung titingnang mabuti ang mga mata nito ay makikita ang lungkot na nakapaloob dito.
“B-bakit?” utal kong tanong. Hindi ko mapigilang mautal dahil sa lakas ng t***k ng dibdib ko, marahil sa kaba dahil sa sinabi niya o baka… dahil sa titig niya sa’kin ngayon.
“Galit na galit siya sa’yo… dahil kamuka mo ang babaeng dati kong minahal, inakala niya noon na kinalimutan ko sila ng makilala ko ito,” seryosong sabi niya bago pinadaanan ng tingin ang buong muka ko. Kita kong tumigil ang tingin niya sa’king labi ngunit agad ding inalis at bumalik na ang tingin sa kalsada.
Hindi ko nagawang magsalita, wala akong masabi. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil sa ginawa niyang pagtitig sa’kin. Nagugulohan ako.
“Ihahatid na kita sa inyo, mawawala ako ng tatlong araw at kung ayaw mong mapahamak ay huwag ka munang umuwi sa bahay mo… kababaeng tao ay nagbahay sa gitna ng gubat, tsk,” sabi niya. Ang pahuli ay binulong niya lang ngunit rinig na rinig ko naman ‘yon.
“Saan ka pupunta?sasabihin ko pa naman sana sa’yo na ikaw an escort ko sa party ni Nathan the day after tomorrow,” tanong ko habang papahina ang boses. Kung hindi niya ako masasamahan ay paano ako?sinabi ko pa naman na isasama ko ang boyfriend ko.
“Then, I will be back sooner, just make sure you’re safe while I am not on your side,” sabi niya na nagbigay sa’kin ng pag asa.
Parang bata akong tumango at itinaas ang aking kanang kamay.
“Pangako, magiging ligtas ako habang wala ka,” nakangiti kong sabi habang tumataas baba pa ang kilay na pinapakitang sigurado ako.
Ngunit bigla akong natigilan, ano nga ulit kami?
Bahagya akong napatingin sa kanya, sabay kaming nagkatinginan kaya mabilis din akong nakaiwas. Mukang narealize niya kung anong ibinibilin niya sa’kin.
“Gusto ko safe ka pagbalik ko dahil hahanapin pa natin ang magulang mo, huwag kang mag isip ng malisya,” seryosong sabi niya.
Napatingin muli ako sa kanya at ngumiti ng tipid, tumango ako bago tumingin na sa labas ng binatana. Wala ng nagsalita sa’ming dalawa at akala ko’y ganito na lang hanggang sa makarating sa bahay ngunit nagsalita pa siya.
“Huwag ka na munang tumuloy sa inyo, masiyadong delikado dahil gitnang gubat ‘yon, hindi ka makakahingi ng tulong kung sakali,” sabi niya sa’kin.
Biglang sumama ang timpla ng muka ko, ayaw ko naman amg stay sa hotels.
“Kung ayaw mo, p’wede ka sa bahay ko, mamayang hating gabi ang alis ko kaya ngayon ay mag impake ka na ng gagamitin mo ng pangdalawang araw, kung gusto mo ay p’wede mo na rin dalhin ang isusuot mo sa party na sinasabi mo,” dire-diretsong sabi niya.
Halos mapanganga ako, tama ba ang rinig ko?sinabi niya na sa bahay niya muna ako tumuloy habang wala siya?
“Ayaw ko, nakakahiya sa family mo, isa pa okay na ako sa bahay ko, bakit dadayo pa ako sa bahay mo?” nahihiyang sabi ko habang puno ng pagtanggi ang tono.
“Don’t worry, wala ang aking pamilya doon, si Raven naman ay isasama ko sa aking pupuntahan kaya maiiwan ka doon mag isa,” paliwanag niya.
Napahinga ako ng malalim, seryoso?dadayo pa talaga ako sa bahay ng iba gayong maganda naman ang bahay na meron ako?
“Hindi ba--” hindi pa natatapos ang aking sasabihin ng magsalita siya.
“Kung ayaw mo, okay lang naman, pero baka mag isa kang mag punta sa party,” seryosong sabi niya.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa inis, tiningnan ko siya at diretso lang naman ang tingin niya sa kalsada. Wala akong nakikitang kahit anong bahid ng biro sa kanyang gwapong muka.
Wala akong nagawa kundi ang pumayag, anong magagawa ko?kailangan ko siya.
“Fine,” tipid na sagot ko na lang.
Blaze Aurelios Blood
Nakarating kami sa bahay niya at kasalukuyan ko siyang hinihintay matapos mag impake.
“Matagal pa ba ‘yan?” iritang tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Kanina pa siya pabalik balik sa closet niya at dalawang maleta na rin ang naiimpake niya pero mukang hindi pa siya tapos. Tumayo ako at sinundan siya sa closet niya.
“Anong ginagawa mo dito?sa labas ka na!” sigaw niya at pagtataboy sa’kin ngunit hindi ko siya pinansin.
Inilibot ko ang aking paningin, agad kong kinuha ang sweater na nakita ko at hinawakan siya sa kamay bago hinila palabas ng closet.
Ipinasok ko ang sweater sa maleta at isinara na ang dalawang maleta. Ramdam ko na nakatingin lang siya habang ginagawa ko ‘yon.
“Tara na,” sabi ko at binuhat ang dalawang maleta bago lumabas. Hindi ko na hinintay ang kanyang reaksyon at lumabas na ng kanyang silid. Dire-diretso akong bumaba sa hagdan, napangiti ako ng maramdaman na sumunod siya sa’kin ng walang imik.
Inilagay ko sa aking sasakyan ang dalwang maleta, naramdaman ko naman na binuksan na niya ang passenger seat, kaya dumeritso na lang ako sa driver’s seat.
“Hindi kaya makaabala ako doon?” tanong ni Allison matapos kong makaupo at makapag seat belt.
Tumango lang ako bilang pagtugon at agad na pinatakbo ang sasakyan, kailangan kong magmadali dahil aalis ako ngayong gabi. Mayroong gaganaping pagpupulong ang mga bampira at kasama ako doon, magtatagal ako doon ng tatlong araw sana ngunit kailangan kong makabalik the day after tomorrow kaya kailangan ko rin makarating doon ng maagap.
Hindi ko naman na siya narinig na magsalita kaya’t hindi na rin ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa aking bahay. Sa aking bahay at hindi sa aking hotel room.
Allison Cassandra Dawson
‘Iilang underwear lang ang nadala ko, bakit ba kasi nagmamadali ang bampirang ito?’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin kay Aurelios na kasalukuyang ibinababa ang aking mga maleta.
“Tara, pasok ka,” sabi niya at nauna ng maglakad habang hila hila ang dalawang maleta. Napairap na lang ako dahil halatang masiyado siyang nagmamadali.
Sumunod ako sa kanya habang may hindi maipintang muka, ngunit ng makatapat ako sa bungad ng garden ay unti unting nawala ang aking inis.
“Ang ganda!” manghang sabi ko habang nakasunod sa kanya at inililibot ang tingin sa paligid.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa isang pathway, sa paligid ng pathway ay mayroong ilaw at nag gagandahang bulaklak, hindi lang sa pathway ngunit sa buong paligid. Maaliwalas ito at masarap tingnan, isama pa ang malamig na simoy ng hangin kaya’t hindi ko mapigilang maayakap sa’king sarili.
“Lalamigin ka diyan kapag hindi ka pumasok,” napatingin ako kay Aurelios. Malayo na siya sa’kin, hindi ko namalayang napatigil na pala ako sa paglalakad dahil sa sobrang pagkamangha sa paligid.
Hindi ako nahiya bagkus ay patakbo habang nakangiti akong lumapit sa kanya.
“Ang ganda naman dito, p’wede bang dito na lang ako?” wala sa sariling tanong ko. Nang marealize ang aking sinabi ay natameme ako at nakaramdam ng hiya, tila ang sarap kainin na lang bigla ng lupa dito.
“P’wede, basta ikaw,” sagot niya na lalong nagpatameme sa’kin.
Hindi na sana siya sumagot, ayan tuloy ang puso ko, ang bilis at lakas na naman ng kabog, tila ito’y lalabas sa rib cage nito.
Umiling iling ako at binatokan ang sarili.
‘Ano ka ba, Cassandra?nahihibang ka na!’ sigaw ko sa aking isipan.
“Ayos ka lang?” napatigil ako at napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa’kin at malayo na ulit ang agwat namin. Nasa tapat na siya ng malaki at bubog na pintuan, nakabukas na rin ito at mukang nasa loob ang aking maleta.
Tumakbo ako papalapit sa kanya, dala ng hiya ay dumeritso na lang ako sa loob ng kanyang bahay at nilagpasan siya.
“MEOW!” napatigil ako sa pagtakbo dahil sa malakas na ingaw ng pusa. Tiningnan ko ang aking maleta at mayroon doong isang malaki at malusog na pusa, para itong tigre ngunit ang kulay niya ay itim. Sinuri ko siya at hindi ko maiwasang titigan ang mga mata ngunit bigla itong pumula kaya hindi ko maiwasang mapaatras dahil sa gulat. Sa pag atras ko ay tumama ako sa isang tao at ng tingnan ko ito ay nakitang si Aurelios ito, namumula din ang kanyang mga mata at tila nakikipag titigan sa pusa.
Tumingin ako sa pusa at tama nga ako, tila nag uusap ang dalawa gamit ang kanilang mga mata. Mayamaya pa ay nawala ang pula ng mata ng pusa, tumingin ito sa’kin at biglang umamo ang muka.
Bumaba siya sa maleta at doon ko lang napansin ang kulay pula nitong hikaw.
“Ikaw ang naglagay ng hikaw na ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Aurelios. Tumango naman siya sa’kin.
Nakaramdam ako ng awa sa pusa, ‘diba’t masakit ‘yon?
Lumuhod ako at pinalapit ang pusa sa’kin.
“Miming, anong pangalan mo?” malambing kong tanong sa pusa habang si Aurelios ay lumapit sa maleta ko at muli itong hinila. “Teka, hintayin mo ako!” sabi ko dahil baka maligaw ako.
Akmang tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng balahibo ng pusa sa’kin. Napangiti ako bago ito binuhat at patakbong sumunod kay Aurelios.
“Wala pa bang pangalan ang pusa mo?” tanong ko ng maabutan ko siya. “Dapat ang ganito kagandang pusa ay mayroon ding magandang pangalan,” sabi ko habang hinihimas himas ang balahib ng pusang karga karga ko.
“Lalake ‘yan at wala ‘yang pangalan,” tipid na sagot ni Aurelios.
Napatango tango na lang ako at hindi na nagsalita pa habang patuloy pa rin sa pagsunod sa kanya.
“Dito ka muna, ‘yan ang k’warto ko at pinahihintulotan kitang pumasok diyan kung may kailangan, mamaya pag alis ko at si Itlog ang magiging bantay mo,” paliwanag niya habang itinuturo ang pinto ng kanyang kuwarto.
“Sinong Itlog?” tanong ko. “Akala ko ba walang ibang tao dito?” dagdag ko pa.
“Wala nga at ang Itlog na tinatawag ko ay ang pusang hawak mo, mahilig yan sa cat food na may lahok na itlog kaya siguradohin mong makakakain yan ng maayos,” bilin niya bago pumasok sa isang silid na mukang tutuloyan ko habang wala siya.
“Itlog?” nasabi ko na lang bago tumingin sa pusa. “Sa cute mong ‘yan, Itlog ang tawag sa’yo?hmmm… sabagay, mabilog ka naman, lalake at mahilig sa Itlog, on the second thought bagay nga sa’yo ang Itlog!” masayang sabi ko bago pumasok sa silid kung saan pumasok si Aurelios.