Allison Cassandra Dawson
“Saaan ka nanggaling?” bungad na tanong sa’kin ni Manager Cha ngunit hindi k siya pinansin at diretsong pumasok sa’king dressing room habang nakangiti. “Saan ka nanggaling, Cassandra?” madiin at ulit na tanong ni Manager Cha.
Sumunod pala ito sa’kin papasok, bago sumagot ay tiningnan ko siya sa malaking salamin na halatang kapapalit lang. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.
“Galing ako sa comfort room, hindi ko nagustohan ang ginawa ni Tricia kaya nagpakalma muna ako, Manager,” mahinahon na sagot ko sa kanya. “Sinungaling, nanggaling ako doon at wala ka naman, ngayon sagotin mo ng totoo ang tanong ko… saan ka nanggaling?” matigas na tanong ni Manager.
Napakunot ang noo ko at seryoso siyang tiningnan mula sa salamin sinisigurong seryoso siya, at nagulat ako ng makitang seryoso nga siya. Nag iwas ako ng tingin at kumuha ng isang pares ng hikaw bago tumikhim.
“Nanggaling ako sa sasakyan ni Aurelios, dinalhan ko siya ng Ice cream,” simpleng sagot ko. Hinihintay ko ang kanyang sunod na sasabihin ngunit wala na akong narinig kaya ito’y tiningnan ko. Nakita kong nakatitig siya sa’king repleksyon sa salamin, mukang malalim ang iniisip ngunit hindi ko na alng tinanong pa.
“Anong oras ang start, Manager?” pagbabago ko ng topic dito. Nakita kong bumalik ito sa sarili at huminga ng malalim. “Mayamaya lang ay mag uumpisa na, halika’t aayusan na kita,” mahinang tugon niya bago lumapit sa’kin at dumampot ng make up brush na nasa vanity table ko.
“Pikit ka,” utos niya na agad kong sinunod. Pumikit ako at hinayaan siyang ayusan ako, naramdaman ko ang marahang pagdampi ng brush sa iba’t ibang parte ng muka ko.
Mga ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman kong tapos na ito kaya iminulat ko na ang aking mata, napangiti ako ng makita sa salamin ang simple kong ayos, tulad ng aking gusto.
“Hindi ko na aayusin ang buhok mo, maayos naman na ito,” sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang aking buhok. Tumango lang ako at tumayo na sa aking inuupuan. “Lalabas muna ako doon, baka mag simula na,” paalam ko at tumalikod sa kanya.
Naglakad na ako papalabas at nagpunta sa mismong set kung saan gaganapin ang scene. Hindi pa manlang ako nakakapag memorya pero hayaan na dahil kukunte naman ang aking dialogue.
Iilang scene lang ay itatake ngayong araw na ito base sa schedule na ipinadala ni Director, since malapit ng gumabi ay kailangan ng matapos agad ang scene. Tulad ng sinabi ni Aurelios kanina noong kami’y nasa borol, dilekado daw para sa’kin ang umalis ng gabi at nag insist naman siya na hihintayin ako ngayon.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa isiping may gwapong bampirang naghihintay sa’kin para lang masiguradong safe akong makakau-.
BOGSH
“Aray!” sigaw ko ng hindi ko mapansin na may makakabunggo pala ako.
“S-sorr-- Cassandra!” malakas na sigaw ng nakabunggo ko ng makitang ako’y matutumba. Napapikit na lang ako dahil hindi ko nabalanse ang aking sarili. Ngunit agad din akong napamulat ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.
“That was close,” mahinang sabi niya. Parang nanlambot ang tuhod ko ng mapagtanto kung sinong nakabunggo ko. Kahit nanlalambot ay mabilis akong umalis sa pagkakahawak niya at humarap sa kanya.
“Pasensya na, hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko,” paghingi ko ng paumanhin kay Nathan.
Tama, si Nathan nga ang aking nakabunggo. Ngunit ano naman kayang ginagawa ng gagong ‘to sa set? Ah! nakalimutan ko, siya nga pala ang lalaking papatay sa’kin sa kwentong gaganapan namin at siya ang lalaking kasama ni Tricia kanina, tsk.
“Mukang masaya ka kanina, hindi mo ako napansin dahil abala ka sa pag iisip habang nakangiti,” naiiling na sabi niya habang nakangiti. Nakaramam naman ako ng hiya at napakamot na lang sa batok. “Iniisip ko kasing gagabihin ako mamaya at baka makipag habulan nanaman ako sa mga sasakyang nagkakarera dito tuwing gabi,” palusot ko dito.
Totoo naman ang sinabi kong baka makipag habolan ako sa mga sasakyang nag akakrera dito sa lugar na ito kapag gabi, kaso may taga-hatid sundo ako kaya malabong mangyare ‘yon mamaya.
“Ihatid na lang kita mamaya, dilekado sa daan dahil baka anong oras na tayo matapos sa taping, I am willing to give to a ride,” nakangiting sabi niya.
Napangiwi ako, ako?na ex niya? Ihahatid niya?tapos ano iityapwera ang present niya?ulol!
“Hehehe, no need, susunduin ako ng boyfriend ko later,” biglang lumabas sa bibig ko. Halos batukan ko na ang sarili ko dahil sa mga kasinungalingang lumalabas sa bibig ko ngunit pinigil ko ‘yon.
“A-ah, sige,” nasabi na lang niya.
Dahil mukang wala na siyang sasabihin ay naglakad na ako palampas sa kanya, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalampas ay hinawakan na niya ang aking palapulsohan.
“B-bakit?” tanong ko sa kanya at hindi mapigilang mautal dahil sa gulat.
“Pumunta ka… pumunta ka sa birthday ko,” diretsong sabi niya.
Natigilan ako, naalala ko last year magkasama kaming cinelebrate ang birthday niya, simpleng celebration lang since ayaw niya ng mga bonggahan. Pero ngayong hindi na ako ang kasama niya, bongga ang birthday niya.
‘Sana all,’ mapait na sabi ko sa aking isipan.
“Kapag wala kaming lakad ng boyfriend ko,” nakangiting tugon ko. Pinanindigan ko na lang na ako’y may boyfriend kahit na wala. “Madalas kasi kaming may lakad ng ba-- I mean ng boyfriend ko,” nakangiting dagdag ko.
Muntikan ko pang masabi na bampirang ‘yon, mabuti na lang at gumagana pa ng maayos anga kign utak.
“Then just come with your boyfriend, I don’t mind if you’re with someone, just… just come to my birthday,” ramdam ko ang lungkot habang sinasabi niya ‘yon. Ngunit alam kong nag iilusyon lang ako, umaasa lang ako at alam ko ‘yon.
Unti unti kong inalis ang hawak niya sa’kin pulso, tumingin ako ng diretso sa kanya bago ngumiti ng matamis.
“Dahil sinabi mo ‘yan, sure I’ll come… with my boyfriend,” nakangiting sabi ko bago mabilis na tumalikod sa kanya at naglakad. Nakasalubong ko pa ang kanyang bago na si Tricia ngunit inirapan ko lang ito habang patuloy parin sa paglakad.
Blade Aeroll Blood
“Anong ginagawa na nila ngayon?” nakangising tanong ko kay Madelyn na kakadating lang matapos tingnan ang set kung saan naroroon ang babaeng pinoprotektahan ni Aurelios.
“Sa palagay ko ay mag sisimula na sila, Master,” nakangising sabi niya.
Umayos ako ng tayo at inabot sa kanya ang popcorn na kanina ko pa kinakain.
“Manunuod lang naman tayo, ‘diba, Madelyn?” nakangising sabi ko sa kanya. “Tama ka, Master,” tugon niya sa’kin habang nakangisi din.
Tumalon ako sa sanga ng puno, paulit ulit kong ginawa ‘yon hanggang sa makalapit na ako sa set. Mula sa taas ay kitang kita ko ang ginagawa nilang pag seset up ng mga camera, maging ang mga ilaw ay inaayos din.
Inilibot ko ang aking tingin at natigil sa isang magandang babae na nakaupo habang nakatingala sa langit, mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang kanyang muka. Ang muka na napakaganda ngunit napakasarap sirain.
‘Allison Cassandra Dawson… ikaw nga ba ang babaeng minahal ng kapatid ko ilang daang taon na ang nakalilipas?’ sabi ko sa aking isipan habang nakatitig sa kanya.
Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa makita ko na mayroong nagliliparang alitaptap sa paligid niya. Kitang kita ko ang saya sa mata niya habang pinadadapo ang mga ito sa kanyang kamay. Mabilis kong inalis ang tingin sa babae at inilibot ang aking tingin sa mga puno.
At sa isang puno malapit sa’kin, nakita ko ang aking kakambal. Nakasandal siya paharap sa’kin ngunit ang kanyang atensyon ay nasa babae.
“Anong ginagawa mo dito, Blade?” seryosong tanong niya bago dahan dahang tumingin sa’kin.
Napakuyom ako ng aking kamao, sa tuwing makikita ko harap harapan ang pag protekta niya sa babae ay hindi maiwasang bumalik sa’kin ang mga alaala.
‘Wala siya noong kinailangan namin siya, at ngayon ay palagi siyang nandiyan para sa kamuka ng babaeng dati niyang minahal,’ nasabi ko na lang sa aking isip.
“Sinisilip ko lang ang ‘yong minamahal,” pilit akong ngumisi habang sinasabi ‘yon. Ayaw kong magmukang mahina sa harapan niya, lalo na ngayong mukang nakita na niya ang kanyang babaeng minahal noon.
“Wala kang karapatan sa kanya, Blaze. Oo nga’t kamuka siya ng babaeng minahal mo noon, ngunit may nakita ka bang kahit anong markang ginawa mo sa kanya?hindi ba’t wala?” nakangising sabi ko. “Wala kang nakitang kahit ano na nagpapatunay na siya nga si Alliya, ngayon, bilang kakambal ay hayaan mo akong tulungan kang makalimutan siya, hayaan mo akong kitilin ang buhay ng babaeng ‘ya-”
Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsakal sa’kin ni Blaze, hindi mahigpit ang pagsakal niya ngunit mayroon itong diin. Nginisian ko siya.
“Sige, patayin mo ako, patayin mo ang kakambal mo, total parang matagal mo na rin akong pinatay!” sigaw ko sa kanya.
Binitawan niya ako kaya agad akong napahawak sa’king leeg.
“Master!” sigaw ni Madelyn na kakarating lang. Nahulog pa niya ang mga dalang popcorn at drinks dahil sa pagmamadaling makalapit sa’kin.
“Ayos ka lang ba, Master?” nag aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at masama lang tiningnan si Blaze. Matalim din ang titig niya at nag babanta. ‘
“Huwag na huwag mong damdampian miski ang buhok ni Allison, kung ayaw mong putulin ko ang pagiging kambal natin!” madiin na sabi niya. Bawat salitang lumabas sa kanyang bibig ay tumagos sa’kin, para akong isang pader na marupok na ngunit binangga pa kaya’t tuloyang nagiba.
Nawala siya matapos sabihin ‘yon, habang ako ay napayuko na lang at napatingin sa lupa.
“M-master, umuwi na tayo,” sabi ni Madelyn ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Sinuntok ko ng malakas ang lupa bago tumingin sa itaas.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” malakas na tawa ko kasabay ang pagbagsak ng ulan kasabay ng mainit na likidong dumaloy mula sa’king mata.
‘Magbabayad ka, Blaze!’ matigas na sabi ko sa aking isipan.
Allison Cassandra Dawson
Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo ako papasok sa isang tent, hindi ko na inisip kung kanino ito ang mahalaga ako’y makasilong. Marami kaming nagtakbohan at kanya kanyang pumasok sa tent.
“s**t!” bulong ko ng makita ang isang jacket na kanina’y suot suot ni Nathan at ni Tricia.
Mukang sa maling tent ako napapasok, sa dinami dami ng tent ay bakit dito pa?
“P-pasensya na!” sabi ko sa dalawa ng makitang pumasok sila. Kitang kita ko ang gulat sa reaksyon ni Tricia na agad naman na napalitan ng pagtaas ng kilay.
“Trespassing ka, lumabas ka nga dito,” masungit na sabi niya.
Akmang maglalakad na ako palabas ng marinig kong magsalita si Nathan.
“Mayamaya ka na lumabas, masyadong malakas ang ulan, magkakasakit ka kapag nabasa ka,” sabi nito sa’kin. Tumigil naman ako sa paglalakad at tumingi kay Tricia, nakita ko na masama ang tingin niya kay Nathan.
Mabilis akong napaiwas ng tingin ng halikan siya ni Nathan sa noo.
“Huwag kang magalit, nandito ka naman, ang sa’kin lang ay baka magkasakit siya at hindi maka-arte, madedelay ng madedelay ang ating scene,” rinig kong paliwanag ni Nathan sa kanya.
Wala na akong narinig na sagot mula dito.
“Maupo ka muna,” alok ni Nathan na inilinagn ko lang at tumgin sa labas. Sobrang lakas parin ng ulan, halos mamuti na nga ang paligid dahil sa lakas at dami ng patak nito.
Biglang tumunog ang messenger ng cellphone ko, kasabay ng pagtunog ng cellphone ng dalawa. Halos sabay sabay kaming nagbukas. Nakita ko naman na si Direk ‘yon at sinabing p’wede ng umuwi ang makakauwi. Agad kong ichinat si Manager na mauuna na ako at mabilis naman itong ang oo.
“Kapag umalis kami, maiiwan ka dito, alangan isabay ka pa namin?mapapel ka girl?” maarteng sabi ni Tricia. Hinanap ng mata ko si Nathan at wala ito mukang nagbibihis, kaya pala lumalabas ang sungay ng babaeng ito.
“Don’t worry, magpapasundo ako sa boyfriend ko,” masungit din na sagot ko sa kanya. “Anong nangyayare?” bungad na tanong ni Nathan.
“Nothing, honey, tinanong ko lang siya kung makakaalis ba siya since paalis na tayo,” pagsagot ni Tricia kay Nathan.
Hindi ko na lang sila pinansin at agad na chinat si Aurelios, sana may payong sa sasakyan niya para masundo ako dito, hayts.
Pagkatapos isend ang chat ay pinatay ko ang cellphone ko bago tumingin sa labas ng pinto, halos manlaki ang aking mga mata ng makita si Aurelios na naglalakad patungo sa direksyon ko habang may hawak na itim na payong.
“Ang bilis naman niya?” nasabi ko na lang. “Nino?” tanong ni Nathan. Napatingin ako sa kanya, nasa tabi ko na pala siya habang nakaakbay kay Tricia na masama ang tingin sa’kin. “Yong boyfriend ko, ang bilis niya,” sabi ko bago tumingin muli sa labas upang tingnan si Aurelios.
Cool na cool siyang nag lalakad palapit sa’kin, nakasuot ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pants habang ang isa ay nakahawak sa payong.
“Tara na?” sabi niya sa’kin harapan.
Dahil sa titig na titig ako sa kanya ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya, naglakad siya mas malapit sa’kin at kinabig ako papalapit sa kanya bago ako inakbayan.
Hindi ako nakapagsalita at napatingin na lang sa muka niya habang naglalakad kaming dalawa papalayo kay Nathan at kay Tricia, habang magkasukob sa iisang payong.
‘Bakit habang tumatagal, lalo siyang gumagwapo?’