Blaze Aurelios Blood
“Sure ka, okay ka lang dito?” ulit na tanong ni Allison. Tinanguan ko siya, ngumiti naman siya sa’kin bago inalis ang seat belt at ibinigay sa’kin ang kanyang bag. “Sa’yo muna to ha?sure ka talaga hihintayin mo ako?” tanong nanaman niya habang papalabas ng aking sasakyan.
Tinulak ko siya sa noo kaya napalabas siya ng aking sasakyan.
“Pumunta ka na doon, hihintayin kita,” seryosong sabi ko sa kanya. Nawala naman ang masama niyang tingin at ngumiti ng malaki sa’kin. “Mag-ML ka na lang muna diyan, rank ha?para maabutan mo ako at makapag rank tayo sabay,” sabi niya bago tumalikod sa’kin.
Nakahabol lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makarating siya sa set, nakita ko kung paano siya yumuko sa kanyang Manager dahil sa pagiging huli. Matapos kasi kaninang maglaro ay kumain pa kami bago nagpunta dito, hindi naman siya makaka-acting ng maayos kung walang laman ang tiyan niya.
“Lampa talaga,” naibulong ko na lang ng makita ko na natalapid ito dahil sa mga nagkalat na sanga, mabuti na lang at nahawakan siya ng kanyang Manager.
Inilibot ko ang tingin sa paligid ng set, gubat dito kaya maraming sanga na nagkalat. Malamang ay ilang oras ang aabutin sa gagawin nila kaya minabuti ko na alng buksan ang aking cellphone upang maglaro ng ML.
‘Tsk, ang dali dali lang pala nito,’ sabi ko sa aking isipan.
Allison Cassandra Dawson
“Hindi ko akalain na nakarating ka pala?” agad akong napatingin sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko. “Bakit naman hindi ako makakarating, wala namang maaring dahilan maliban na lang kung maaaksidente ako, tsk,” masungit na sagot ko bago inayos ang aking damit sa malaking salamin.
“You’re such a pathetic, Cassandra, you think wearing those dress can bring Nathans back? Huh!” halos mapanganga ako dahil sa sinabi sa’kin ni Tricia.
Tanginang ‘to?may problema ba ‘to sa pag iisip?
“Alam mo… kung wala kang magawa?magmemorya ka na lang ng script mo, nakakapagod kasing mag paulit ulit ng scene… lalo na ngayong kasama kita, malamang matatagalan dahil sa isa diyang mangmang,” punong ng pang iinsultong sabi ko habang nakatingin parin sa salamin at nag papalit ng hikaw.
“You b***h!” rinig kong sigaw niya. Nakita ko mula sa repleksyon ang pag angat ng kanyang kamay at ang aktong pag palo sa’kin ng kung ano na agad kong naiwasan.
BLAGS!
Tunog ng salamin matapos matamaan ng ipinalo ni Tricia, tiningnan ko kung ano ang bagay na ‘yon bago tiningnan si Tricia ng hindi makapaniwalang tingin. Seriously?bato?
“Anong nangyayare?” mabilis na sabi ng bagong pasok. Tiningnan ko kung sino ito at natameme ng makitang si Nathan pala ito. “Sinong may gawa niyan?” matapang na tanong niya bago tumingin sa’kin gamit ang kanyang matatapang na titig.
“Bakit hindi mo tanongin ang bago mong eskandalosa?” nakangising sabi ko kahit sa loob loob ay nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa mga titig niya. “Anong nangyare, Tricia?” seryoso niyang tanong kay Tricia.
Tulad ng aking inaasahan, bigla na lang itong umiyak at yumakap kay Nathan.
“Si Cassandra, pinapunta niya ako dito sa dressing room niya para dalhan siya ng tubig pero matapos kong ibigay sa kanya ang tubig ay pinag tangkaan niya na akong pukpokin ng bato sa ulo,” dire-diretsong sbai ni Tricia habang palakas ng palakas ang pag iyak.
‘Papansin, tsk,’
“Totoo ba ‘yon, Cassandra?” matapang na tanong sa’kin ni Nathan. Tiningnan ko siya ng walang ganang tingin bago tumingin sa kuko ko at umirap. “What do you think?” matapang na sagot ko sa kanya.
Kitang kita ko kung paano lalong mag dikit ang kilay niya dahil sa sobrang pagkakakunot ng kanyang noo, sige lang Nathan, magalit ka lang sa’kin at maniwala sa bruhang ‘yan dahil sa huli… sa huli ikaw ang maghihirap.
“Tara na, sa susunod huwag ka ng pupunta sa dressing room ng iba!” singhal naman ni Nathan kay Tricia na naaksubsob sa kanya at umiiyak. Kitang kita ko ang marahan na pagtango ni Tricia bago sila umalis sa harapan ko.
“Tsk!” asik ko matapos nilang mawala sa aking tingin. Naupo ako sa isang upuan na nasa harap ng salamin na basag.
‘Now, what are you gonna do, Allison Cassandra?’ tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa aking repleksyong sira dahil sa basag na salamin.
“Jusko!Cassandra anong nangyare?nasaktan ka ba?sinaktan ka ba ni Tricia?” nag aalalang tanong ni Manager. Imbis na pansinin ang kanyang mga tanong ay agad na dumako ang tingin ko sa dala dala niyang Ice cream.
“Saan mo nabili ‘yan?” unang lumabas sa bibig ko.
“Aray!” angal ko ng bigla niya akong batokan at iabot sa’kin ang plastik na may laman na Ice cream. “Ikaw na bata ka, inuna mo pang itanong ang bagay na ‘yan ke’sa sagutin ang mga tanong ko!” asik niya bago napatingin sa salamin.
“Si Tricia ba ang may gawa niyan?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa salamin bago bumaba ang tingin nito sa mga pang make up na nakabukas at natalsikan na ng mag bubog. “Sinadya niya ito para hindi ka makapag ayos, napaka-walang hiya talaga ng ugali ng batang ‘yon,” nanggigil na sabi niya.
Tumayo ako at umatras. “Lumabas ka muna at ipapalinis ko ito, mabuti na lang nakapag dala ako ng emergency bag, tsk,” ramdam ko ang panggigigil habang sinasabi ni Manager Cha ang mga ‘yon.
Tumango na lang ako sa kanya at naglakad palabas ng dressing room ko na parang tent lang naman na malaki, naglakad lakad ako at tumingin tingin sa paligid. Pasimple akong lumiko ng daan ng makitang walang nakakapansin sa’kin. Mabilis akong naglakad patungo kung saan naroroon ang sasakyan kung saan naghihinaty si Aurelios.
Tok~ Tok~
Pagkatok ko sa binatan ng sasakyan, maya maya pa ay bumaba ang bitana at bumungad sa’kin ang guwapong muka ni Aurelios.
Teka, sinabi ko ba talagang guwapo siya? Baka namalikmata lang kayo.
“What?” masungit na bungad niya sa’kin. Hindi ko ‘yon pinansin at itinaas ang Ice cream na dala dala ko. “Labas ka diyan,” sabi ko.
Nakita kong tumingin ito sa hawak ko bago tumingin sa muka ko at bumontong hininga, lumayo layo ako kaunte sa pinto ng sasakyan ng buksan niya ito. Mabuti na lang at nasa malilom na bahagi siya nagpark kaya kahit nasa labas ng sasakyan ay hindi parin mainit.
“LAUNC ATTACK!”
“Anong naisipan mo at nag dala ka pa niyan?sana kinain mo na lang at mukang kulang pa sayo,” seryosong sabi niya bago kinuha sa’kin ang ibinibigay kong Ice cream. “Reklamo ka pa, kainin mo na lang ‘yan,” natatawang sabi ko bago binuksan ang aking Ice cream. “Mabuti na lang may kasamang scoop ‘to,” nakangiting sabi ko at binigyan siya ng isang scoop at nag umpisa ng kumain.
“KILLING SPREE!”
Napatingin ako sa cellphone niya na nasa loob ng kanyang sasakyan, nanlaki ang mga mata ko ng makitang nag lalaro pala siya at iniwan niya itong nasa loob para kumain ng Ice cream.
“Rank ‘yon?” tukoy ko sa laro. “Oo,” tipid na sabi niya bago sumubo ng Ice cream, dahil doon ay lalong nanlaki ang mga mata ko. “Hawakan mo muna ‘to!” mabilis na sabi ko at agad na ibingay sa kanya ang aking Ice cream.
Mula sa binatana ay kinuha ko ang kanyang cellphone, nanlalaki ang mag mata ko habang nakatingin sa standing niya. 10/0/7 pagtapos tingnana ng standing niya ay tiningnan ko ang history ng chat.
‘Nawala ang mm, vuvu naman!’
‘Wrong timing, mananalo na tayo!’
‘Hoy, MIYA!’
Halos matawa ako dahil sa mga chat ng team mates niya, nag umpisa na akong pagalawin si Miya.
Blaze Aurelios Blood
“Bakit ka tumatawa?” seryosong tanong ko sa kanya. “Wala, hinahanap ka kasi ng ka-team mo dahil ikaw ang nag bubuhat ng laro,” naiiling na sabi niya habang nakangiti. “Pero bigla mo naman silang iniwan, hahahaha,” pahabol pa niya at natatawang umiling iling habang naglalaro.
“Dumating ka kaya isinantabi ko muna ‘yan,” inosenteng sagot ko sa kanya. “Yieeeh, kikiligin sana ako kaso matatalo na kayo!” hindi ko malaman kung natataranta ba siya o ano kaya’t nakitingin na lang ako sa screen ng cellphone ko.
“Kumain ka na muna nito, hayaan mo na sila,” sabi ko sa kanya. “Hindi p’wede, kapag natalo kayo at nag AFK ka mababawasan ang credits mo tapos baka ireport ka pa ng kakampi mo,” seryosong sabi niya habang tutok parin ang tingin sa cellphone at mabilis ang mga kamay na may pinipindot.
“Hayst!” nasabi ko na lang bago isinandok ang scoop ng Ice cream ko sa Ice cream niya at mabilis itong isinubo sa kanya. “Ragjdrijdjhs~” hindi ko maintindihan na sabi niya ngunit alam kong galit ito dahil masama ang tingin niya sa’kin. “Pag natalo ‘yan hindi kita masasamahan sa rank,” turo ko sa laro dahilan para muling bumalik ang kanyang atensyon sa laro.
Naiiling na napapangiti ako habang nakatingin sa kanya, nakakunot ang kanyang noo at seryosong seryoso sa kanyang ginagawa.
“Kumain ka muna, hayaan mo na ‘yan!” ulit ko sa kanya at ng akmang aagawin ko ang cellphone ay sumigaw siya. “PANALO!” masayang sabi niya bago puno ng pagmamalaki na tumingin sa’kin at nag taas baba ang kilay.
“Galing ko ‘no?” mayabang na sabi niya na inilingan ko. “Hindi, hindi mo kasi kayang kumain habang nag I-ml,” naiiling na sabi ko bago kinuha ang cellphone ko.
“Umalis ka na, masyado ka ng nagtatagal dito, baka nag aalala na ang Manager mo,” seryosong sabi ko sa kanya. “Mag aalala talaga ‘yon lalo na sa nangyare kanina,” nakangusong sabi niya bago sumandal sa aking sasakyan at hinipan ang buhok niya na napupunta sa kanyang muka.
“Bakit, anong nangyare?” agad na tanong ko. Base sa kanyang istura ay may nangyare nga kanina na hindi maganda. “Si Tricia, pinagtangkaan niya akong batohin ng bato mabuti na lang at nakailag ako,” nakasimangot na sabi niya bago tumingin sa’kin. “Kasi kung hindi ako nakailag baka habang buhay ka na maghintay dito,” sabi niya bago ako nginitian at tumalikod at naglakad na papalayo sa’kin.
‘Ganun ba kalakas at kalaki ang bato para sabihin niyang baka mag hintay ako ng habang buhay dito?’ nasabi ko na lang sa aking isipan habang nakatingin kay Allison na naglalakad papalayo sa’kin.
Bigla itong humarap na ikinagulat ko. “Huwag kang mag alala hindi kita pag hihintayin diyan ng habang buhay!” sigaw niya bago kumaway at patakbong umalis.
Halos mapatakbo ako papalapit sa kanya ng makitang muntik na siyang madapa, may kalapahan talag siyang tinataglay at isa ‘yon sa mga dahilan bakit ako pumayag na tulongan siyang hanapin ang kanyang ina. Tsk.
Naiiling akong pumasok sa sasakyan at isinara ang binata dahil naramdaman ko na tila may nakatingin sa mga galaw ko, galaw namin, malamang ay isa nanaman ‘yon sa mga taga-hanga ni Allison na palihim siyang sinusundan, tsk. Binuhay ko ang radio ng aking sasakyan at hinayaan itong tumugtog bago muling nag enter sa isang Rang game.
Someone
“Nakunan mo ba ng picture?” tanong ko sa aking assistant. “Yes, boss, klarong klaro,” nakangising sabi niya.
Ngumisi ako ng malaki bago tiningnan ang babaeng pasimpleng naglalakad papunta sa set.
“Mapapasa’kin ka rin, Cassandra, hindi man ngayon ngunit sisiguradohin kong malapit na.”