Blaze Aurelios Blood
Pagkatapos kumain sa Jollibee ay agad siyang nag akit paalis ng mall, ngayon ay kasalukuyan kaming sakay sa aking sasakyan.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya dahil anong oras pa lang naman. “P’wede bang magpunta ulit tayo doon sa lugar na pinagdalhan mo sa’kin?sa may burol…” mahinang sagot niya sa’kin.
Agad kong kinabig ang manubela upang magtungo sa direksyon ng burol. Habang nag mamaneho ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya dahil bigla na lang itong bumuntong hininga. Mukang may malalim itong iniisip ngunit mas pinili ko na alng manahimik.
“Nandito na tayo,” sabi ko at itinabi ang aking sasakyan bago bumaba at pinag buksan siya.
“Salamat…” mahinang sabi niya bago bumaba ng aking sasakyan. Pagtapos bumaba ay dire-diretso lang itong naglakad palapit sa malaking puno bago naupo sa nag lalakihang sanga nito, habang ako naman ay nakasunod lang ang tingin sa kanya.
‘Bakit parang nawala ang pagiging hyper ng babaeng ‘to?’ nawiwierohang tanong ko sa’king sarili bago naglakad palapit dito.
Dahil nakatalikod siya ay hindi niya napansin na nasa likod na niya ako, hindi ko mapigilang mapasilip sa screen ng cellphone niya dahil kanina pa siya may tinitingnan doon. At doon ay nakita ko ang isang larawan ng ginang at isang bata na kung tatantyahin ay sampung taong gulang.
“13 years ko na siyang hindi nakakasama…” mahina at ramdam ang lungkot na sabi ni Allison. Hindi ako agad nagsalita at tumabi na lang sa tabi niya. “Ngayon ba ang ika-labing tatlong taon na nagkawalay kayo?” mahinang tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kaya agad na nabaling ang tingin ko sa kanya, nakatingin siya sa malayo at kitang kita ko ang pagpatak ng butil ng luha mula sa kaniyang kaliwang mata at dahil doon ay sigurado na ako… nasasaktan siya.
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at mabilis ko siyang kinabig papalapit sa’kin at saka ito niyakap, nakasubsob ang muka nito sa’kin balikat.
“M-miss na miss ko na si Mama…” mahinang sabi niya kasunod ng kanyang tahimik na pag iyak, unti unti kong naramdaman ang pamamasa ng aking damit kung saan siya nakasubsob. “Miss na miss na kita, Mama,” mahinang sabi niya pa.
Hindi ko malaman ang gagawin ko, pinispis ko na lang ang likod niya upang mapagaan ang kanyang pakiramdam kahit papaano. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang ganitong sitwasyon, ngunit alam ko ang pakiramdam na mawalan ng minamahal sa buhay at hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang sakit na ‘yon.
“S-sabi nila ang tanga ko daw dahil hindi ko magawang iwan ang nakaraan, pero hindi naman sila ang nakaranas… hindi sila ang nakakaranas ng nararanasan ko, hindi nila alam ang pakiramdam na mawala ang ina at wala ka manlang nagawa…” humihikbing sabi niya. Ramdam ko ang bigat sa mga pagsasalita nito, ang sakit habang binibitawan ang mga katagang sinabi niya.
‘Bakit parang… parang ako ‘yong nasasaktan?’
Nanatiling ganun ang aming pwesto hanggang sa maramdaman ko na bumigat ang katawan niya, mukang nakatulog ito. Dahan dahan ko siyang inangat at isinandal sa balikat ko, dahil doon ay nakita ko na ang muka niya, namamaga ang mga mata nito at namumula ang ilong. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanyang magandang muka.
Agad kong kinuha ang aking cellphone, nagpunta ako sa camera at itinapat ito sa muka niya. Napangiti ako ng mapindot ko ang isang sticker, nagakroon siya ng tenga ng pusa, mabilis kong kinuhaan ito ng larawan bago ibinalik agad ang aking cellphone sa bulsa ko.
“Kahit alam kong hindi ikaw ‘siya’ ay proprotektahan parin kita, lampa ka pa naman,” naiiling na sabi ko sa kanya. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok bago tumingin sa malayo.
Dahil walang magawa habang nag hihintay na magising si Allison ay binuksan ko ang aking cellphone, napangiti ako ng makita ang wallpaper nito, ‘yon pala ang napindot ko kanina sa mall, akal ko kasi ay nabura ko ito.
Muli ko itong pinatay at inabot ang bag ni Allison, wala talaga akong magawa kaya mag ahhalungkat na lang ako ng bag niya, sinisiguro ko naman na wala akong kukunin. Habang unti unti itong binubuksan ay nahulog ang kanyang cellphone, dahan dahan ko ‘yon kinuha upang hindi magising si Allison.
“Ano ‘to?” natanong ko na lang ng makita ang nakalagay sa cellphone niya.
“Insert Pin?” sabi ko matapos itong iswipe. Pati ba naman cellphone niya lalagyan niya pa ng PIN? Inis kong ibinalik ang kanyang cellphone sa bag at naghalungkat pa ng ibang gamit doon gamit ang isang kamay. Nakita ko naman ang maliit nitong booklet na mukang pinaglalagyan ng kanyang mga script.
“Mahal kita pero alam kong hindi tayo p’wede,” nakakunot ang aking noo na pagbasa sa isang linya na bumungad sa’kin ng buksan ko ito. “Anong klaseng script ‘to?” inis na bulong ko at nagbuklat pa.
“Dinampian niya ito ng mabilis na halik sa labi,” halos makuyomos ko ang booklet. Huwag niyang sabihin na kasama ito sa gagawin niya?
“Hmm…” agad akong napatingin kay Allison na kasalukuyang natutulog habang nakasandal sa’kin. Unti unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata. “B-bakit hawak mo ‘yan?” namamaos na tanong niya. Halata sa boses nito ang matinding pag iyak kanina, ang mga mata niya ay namumula parin mging ang kanyang ilong.
“Hinihintay kitang magising, wala akong magawa kundi ang tingnan na lang ito,” paliwanag ko at itinaas ang booklet na hawak ko.
Umayos naman siya ng upo ng makitang nakasandal siya sa’kin. “P-pasensya na, nakatulog ako sa sobrong-”, “sobrang pag iyak.” Pagputol ko sa kanya bago ibinalik ang booklet sa kanya at kinuha ang aking cellphone.
Tumahimik naman siya habang ako ay nag kunwaring may ginagawa sa’king cellphone, mayamaya pa ay naramdaman ko na kinuha niya rin ang kanyang cellphone at sumandal sa tabi ko dahil nakasandal ako ngayon sa trunks ng punong malaki.
“Next time mag patayo ka dito ng bench ha?” biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya at nakita itong nakangiti sa’kin, kakaiba, parang kanina lang umiiyak siya ng tahimik at parang batang inagawan ng candy pero ngayon nag dedemand na siya ng upuan.
“Tara, laro tayo!” akit niya sa’kin. “Saan?” tanong ko bago tumayo at nag pagpag ng aking pantalon. Napatigil naman ako ng narinig ko ang mahinang tawa nito. “Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Maglalaro tayo sa cellphone, bakit ka pa tumayo?maupo ka dito sa tabi ko at tuturuan kita,” sabi niya at tinapik pa ang tabi niya na tila sinasabi na doon ako maupo. Wala akong nagawa kundi ang maupo na lang sa tabi niya.
“Maglaro tayo mobile legends, ipag dodownload muna kita nung laro, pwede pahiram phone?” nakangiting tanong niya bago inilahad ang kanyang kamay. Nakaramdam naman ako ng kaba, kaba na baka makita niya ang wallpaper ko.
“Aurelios?akina cellphone ipagdownload kita,” ulit niya.
Nag aalangan naman akong ibinigay ang aking cellphone sa kanya na agad niyang kinuha. Nanatili lang akong nakatingin sa kanyang reaksyon habang siya naman ay binubuksan ang aking cellphone.
“Woah, crush mo ako ‘no?” biglang tanong niya habang namamanghang nakatingin sa screen ng aking cellphone.
‘Ito na nga ba ang sinasabi ko…’
“Hindi, idol kasi kita kaya nawallpaper ko ‘yan. Isa pa, wala akong pictures na iba diyan kaya ‘yan na lang muna pansamantala…” paliwanag ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tumango tango lang bago nag kuting ting sa’king cellphone.
“Ayan, tapos na!ito oh p’wede mo ng gamitin,” sabi niya at ibinigay sa’kin ang aking cellphone.
Agad kong tiningnan ito at binasa ang nasa screen.
‘Mobile Legends?’
“Ito pindotin mo ito at maglagay ka ng username mo, ‘yon ang gagamitin mong name sa game na ‘yan,” sabi niya at may itinuro sa’kin. Agad ko naman itong sinunod, inilagay ko ang aking last name na Blood tapos ito ay inokey.
“Invite mo ako pagtapos mo laruin ‘yong tutorial ha?” bilin niya bago muling tumingin sa kanyang cellphone. Tumango na lang ako at nag umpisa na ng tinatawag niyang tutorial.
Allison Cassandra Dawson
Habang ginagawa ni Aurelios ang tutorial ay nag c-claim naman ako ng mga rewards, hindi ko mapigilang mapanguso sa tuwing makikita ko ang aking rank.
‘Epic?ts’ nakangusong bulong ko sa aking isipan. Hanggang ngayon ay hindi ako makaalis sa epic Magaling naman ako maglaro ang problema lang ay masyadong mahigpit ang schedules ko at masyadong bobo ang mga kakampi.
“Tapos na ako,” agad akong napatingin kay Aurelios. Agad kong tiningnan ang kanyang cellphone at kinuha ito. “Kailangan ifollow mo ako para maka-party kita,” sabi ko at sinearch ang aking username, agad naman itong lumabas at agad kong ifinollow.
“Classic muna tayo, hindi naman p’wedeng irank agad kita,” bulong ko habang iniinvite siya. “Accept mo,” sabi ko sa kanya na agda naman niyang sinunod. “Yan muna si Miya ang gamitin mo tapos ako na lang ang mag tatank sa’yo,” sabi ko pa na agad niyang sinunod.
“Sunod ka sa’kin, dito tayo sa gold lane,” seryosong sabi ko. “Nasaan ka ba?”tanong niya habang nakatutok ang tingin sa kanyang cellphone. “Hero ko ‘yong Atlas at dito ang bottom kung saan naroroon ang gold lane,” paliwanag ko habang itinuturo sa kanya ang mga ‘yon.
“Sige,” tipid na sagot niya na hindi ko na lang pinansin at ang laro na.
Madam Lavender
“Imposible ang bagay na’to,” mahinang sabi ko sa’king sarili habang nakatingin sa monitor ng makabagong bagay na nasa aking harapan. Hindi ko akalain na mapipilitan akong gamitin ito dahil lang sa mga gawain.
“Honey ano ‘yan?kunot na kunot nanaman ang noo mo,” biglang lapit sa’kin ni Dencio, ang aking asawa. “Ituwid mo nga ‘yan, tatanda ka ng maaga dahil sa stress,” naiiling na sabi niya bago pinitik ang aking noo.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin, seryoso ba siya?
“Tatanda?muka bang may itatanda pa ang itsura kong ito?” kunot noo na tanong ko sa kanya. Nakita ko ang paglabas ng kanyang malalim na biloy dahil sa kanyang pag ngiti, kahit may katandaan na ang itsura niya ay ipinag sisigawan parin nito kung gaano siya kagwapo noong kabataan niya.
“Alam ko namang hindi mo ako magagawang samahan sa pag tanda, nag iimagine lang ako,” nakangiting sabi niya ngunit ramdam ko ang lungkot. “Tigilan mo ako, kapag namatay ka, bubuhayin at bubuhayin ka niya hangga’t nabubuhay ako,” diretsong sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit kami napunta sa topic na ‘yon pero hindi ko mapigilang sabihin sa kanya ‘yon ng paulit ulit.
“Kung ganun naman pala… bakit hindi mo na lang hayaang sumaya si Blaze?” mahinang tanong niya. Hindi ako agad nakapag salita.
“Kung maaari ko lang gawin ang bagay na ‘yon ay hindi na niya dadanasin ang mga paghihirap na ang hihintay sa kanya sa mga susunod na panahon,” mahinang sagot ko sa kanya bago napatingin sa records ni Blaze na nasa monitor at kanina ko pa binabasa. Noong nakaraan lang ay maayos pa ang record niya, maayos ang tadhana niya at walang paghihirap. Ngunit ngayon ay tila pinag lalaruan siya ng tadhana, tila napakaimposible.
“Tapatin mo ako honey, mahal mo pa ba ako?” hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Anong klaseng tanong naman kaya ‘yon? “Anong pinag sasasabi mo diyan?kung wala kang magawa doon ka mag punta at pangaralan ang mga kaluluwa sa mga kakaharapin nila bago makapasok ng gintong pinot,” masungit na sagot ko. Nakita kong ngumiti siya ng malaki.
“Alam ko na ang sagot, pero may isa pa akong tanong,” tumataas baba ang mga kilay na sabi niya. “Oh ano ‘yon?” masungit na tanong ko. “Ang babaeng minahal noon ni Blaze ay muli ng nabuhay sa panahon na ito tama ba?” seryosong tanong niya.
Tinitigan ko siya ng matagal at seryoso bago bumontong hininga at ang iwas tingin. Matapos kong gawin ‘yon ay hindi na siya nag salita pa at naramdaman ko na lang na umalis na siya.
‘Tama ka, Dencio, muling nabuhay sa panahon na ito ang babaeng dating minahal ni Blaze at dahil doon kaya mayroong nagbago,’