Blaze Aurelios Blood “Did you know kung gaano karumi si Cassandra?” sabi pa ng babaeng nasa harapan ko. Tulad kanina ay nanatili lang akong nakayuko at nakatingin sa mga sapatos, hindi ako nag tangkang mag angat ng tingin o bigyan siya ng pansin. Wala akong pakialam sa tulad niya, mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang baho ng kanyang dugo, hindi ko gusto at masiyadong nakakairita ang amoy nito sa ilong. “Are you deaf?” sabi pa ng babae na halatang naiirita na. “Tricia…” agad na nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang tinig ng bagong dating na si Cassandra. Hindi pa man siya nakakalapit sa’kin ay nag lakad na ako papalapit sa kanya abgo hinawakan ang kanyang kamay. “Cr ka din ba, Tricia?” tanong ni Cassandra sa babaeng kanina pa ako pinipeste. Kaya naaagawan ng boyfr

