Allison Cassandra Dawson Tahimik lang ang aming byahe, siya ay seryosong nag mamaneho habang ako naman ay pasilip silip sa kanya bago muling ibinabalik ang tingin sa bintana. Napansin ko naman na puro punong kahoy na ang paligid na aming dinadaanan, ibig sabihin ay malapit na kami sa burol kung saan kami nag punta noon. Ilang sandali pa ng kanyang pag mamaneho ay nakarating din kami sa aming tambayan,tulad kanina ay pinag buksan niya ako ng pinto at inalalayang makababa. Napangiti ako ng makita ang view ng nag gagandahang ilaw na nag mumula sa city, napaka-refreshing ng lugar na ito. Nag lakad na ako palapit sa malaking puno at ramdam ko naman na nakasunod lang sa’kin si Aurelios habang dala dala ang mga binili niyang pag kain sa McDo. Nathan Simula ng makita ko ang eksenang ‘yon a

