Allison Cassandra Dawson Lahat kami ngayon ay tahimik na umiinum ng cha-a, habang si Haruki naman ay nakaupo malapit sa binatna at nakatingin sa garden habang hawak hawak ang kanyang dedehan. “So, bukas na pala ang umpisa ng pag pasok niyo?” pag basag ni Drew sa katahimikang namamagitan sa aming lahat na naririto. “Oo, kung maaari sana ay kayo muna ang mag bantay kay Haruki,” pakisuyo ni Raven kay Drew. “P’wede din namang pumasok kayo tapos ako na ang bahala kay Haruki, kaso mukang wala pa naman kayong balak pumasok kaya kayo na muna ang bahala,” nakangiting dagdag pa ni Raven. “Tama ka, medyo tinatamad pa ako pumasok, dito na lang muna siguro kami ni Drie at babantayan si Haruki, ‘diba Drie?” baling ni Drew sa kanyang kapatid na ngayon ay kasalukuyang seryoso. “Hindi… mag uumpisa na

