Drew Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita kong ginagawa ni Blaze kay Cassandra, ngunit hindi ko rin mapigilang maawa kay Cassandra, paano na lang kapag dumating na ang babaeng hinihintay ni Blaze? Paano siya? ‘If you keep staring at her like that, I will rip your eyes off of your face, Drew,’ nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ang malamig na boses ni Blaze. Nabaling ang tingin ko sa kanya at kasalukuyan siyang seryosong nakatitig sa akin, napalunok ako dahil sa lamig ng titig niya sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin at nag umpisa na ulit kumain. ‘Selos, amp!’ sagot ko sa kanya pabalik. ‘Tsk,’ sabi naman niya. Hindi alam ng mga kasama namin na nag uusap kami, dahil sa isipan lang kami nag uusap. Nahihiya din naman ang gago na sabihin yun ng kaharap si Cassandra

