Allison Cassandra Dawson “Hindi mo na kailangan mag pakilala, we know you already, isa ka sa sikat na sikat at tanyag na aktres,” sabi ni Drie at kumindat sa’kin. “Ah, hehehe,” sabi ko at naiilang na tumawa. Tumayo si Aurelios at nag lakad. “Kumain na tayo,” sabi niya bago ipinag patuloy ang pag lalakad. “Nag seselos ka na niyan?” sabi nung nag pakilalang Drie na hindi ko naman gaanong naintindihan dahil napahina nito. Hindi siya pinansin ni Aurelios habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya hangang sa makarating kami sa dinning area. Napangiti ako ng makita ang madaming pag kain na ngayon ay nakahain sa mahabang lamesa, tila naramdaman ko bigla ang aking gutom. “Maupo na kayo,” malamig na sabi ni Aurelios bago siya unang naupo. Naupo na rin ako tulad niya, sa bandang kanan

