Allison Cassandra Dawson Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito, ramdam kong sa lahat ng naririto ay ako lang ang normal kaya't kinailangan pa akong takpan ni Aurelios mula sa sinag ng liwanag na nag mumula kay Itlog. Ilang sandali pa ang aking hinintay. "Tingnan mo..." rinig kong bulong sa'kin ni Aurelios. Kinakabahan ako habang dahan dahang umaalis sa kanyang dibdib, dahan dahan kong tiningnan ang lugar kung saan naroroon si Itlog kanina. Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita. "Bakit may bata dito?" gulat at kinakabahan na tanong ko. Pinag masdan ko ang batang lalaki na ngayon ay nakahandusay sa sahig, wala itong saplot at ang tanging nag tatakip lang sa kanya ay ang kanyang buntot na may makapal na balahibo. Bigla naman akong natigilan dahil sa buntot niya, mabilis k

