Blaze Aurelios Blood “I’m done, mabuti pa siguro ikaw naman ang maligo, syempre sa kuwarto mo,” sabi ni Allison pag kalabas ng bathroom, nag pupunas pa siya ng kanyang buhok. “Sige, hintayin niyo ako ni Haruki, saglit lang ako,” sabi ko sa kanya bago ako ang teleport sa aking silid. Kumuha ako ng isang towel sa aking drawer at nag lakad papunta sa bathroom ngunit tumigil din agad bago makapasok. “Nandito pa rin ang amoy niya,” nasabi ko na lang ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ni Allison. Madam Lavender “Dencio itigil mo ‘yan,” masungit na sabi ko sa aking asawa na ngayon ay nilalaro ang mga kaluluwa ng mga batang dumating kanina. Ang mga ito ay namatay kaninang umaga, sama sama silang lahat na nabangga ng isang truck habang nasa loob ng school bus, iilan lang ang nakaligtas s

